i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries in category "What About Them?"




Disney Train
| 06:14 PM

posted in What About Them?


There comes a day in the year when Disney tries to touch the inner child in every one of us so we can relive our childhood memories. The iconic mouse will surely remind us of all the fantasies and fairy tales we've come to love...

Find the HIDDEN MICKEY:

 




[ gdwn ]




UP Pep Makes UP Proud TALAGA.
| 08:14 PM

posted in What About Them?, Entertainment / Fangirling


Una sa lahat, HAPPY BIRTHDAY, PIO!!!! Sabi ko nga kay Kaeos, na syempre hindi nga pala niya nareceive dahil wala siyang phone, "Manalo man o MANALO, magpalibre kayo kay Pio. Tutal bday naman niya!" Eh owell, you won. At may MP3 players kayo, shet ka! hahaha.

Just like Jeff, UP Pep fan din ako. Aminin natin, basketball naman ang puso ng UAAP dahil yun ang nati-TV. Kung hindi ka sports fan tulad ko, hindi ka naman eeffort manood ng games ng teams na non-televised. Kaya ang siste, nagiging UAAP = basketball. Pero dahil bugok ang Maroons sa basketball and I'm SOOOOO NOT a basketball fan, UAAP = cheerdance para sa akin. Tutal, doon naman nananalo ang UP eh.

O anyway, Dun muna tayo sa gusto kong icomment sa UAAP Cheerdance Compet. Aside from okraying squad uniforms, narealize kong isa pang nakakakuha ng atensyon ko sa cheerdance eh yung music. GRABE. Dito mo maririning yung gay-est, most rocking, most nostalgic, or ultimate WTF-why-choose-that? music. Nakakatuwa at nakakatawa.

Tinatamad akong commentan ang bawat team this year. Hindi kasi ako nakapag-notes. Kasi, pagkatapos magperform ng UP Pep, yung routine pa rin nila ang iniisip ko. ANG LUPET, SOBRAAAA!!! Yung ang galing galing na nakaka-kilabot talaga. This year's is my favorite performance na. Yung huling fave ko kasi eh yung may arnis sila at naka-capris. Kelan ba yon? O anyway, UP Pep sets the trend talaga. Last year, they were rock stars. This year, tribo naman. Not to mention the originality of music. Hands down, UP Pep. Kung sakaling hindi man kayo naging champs ulit, which I doubt, UP will still love you for this year's routine. Kasi stand out eh. At exceptional talaga.

Ganyan kagaling ang UP Pep that they touch the hearts of many. hahaha. Parang E-heads. May ganong comparison? Basta. Nakita ko pa nga yung friend ko sa TV na umiiyak. Itago na lang natin siya sa pangalang Aristotle Maglayon. Pero kaya siguro ako fan ng UP Pep, bukod sa magaling sila nang BONGGA, eh dahil malapit lang sila sa puso ko. Kasi ang dami na ring UPIS peeps na dumaan diyan. At for the past few years, naging 03-dominated din ang Pep Dancers/Drummers. Iba yung feeling na nakikita mo na yung mga kaibigan mo on TV na nananalo sa much-anticipated event every UAAP. Kung hindi mo man sila nakikita, alam mong andun sila at pumapalo. Shout-out sa mga natitirang 03 sa Pep ngayon: Pio, Kaeos, Mapat -- field demo days pa lang eh nagpapataob na kayo ng other batches. Being in the UP Pep Squad is not that different. Gumaganon!

For that, CONGRATS, UP PEP SQUAD!




[ gdwn ]




Hey, Call Boy
| 08:16 PM

posted in What About Them?


Nagpunta ako sa SM Megamall kanina para bumili sana ng swimwear na unsuccessfull naman dahil 2 different sizes ako at mahal yung nagustuhan ko. For that, foot soak at body scrub naman ang nabili ko. Sanka. Pero hindi yan ang point ng aking entry.

So naglalakad ako kanina sa Mega, kakalagpas ko lang sa elevator nang biglang may lalakeng sinabihan ako ng "Yes, Miss?" Hindi ko na siya dinouble-check o nilingon pa. Pero shet, "Yes, Miss?" daw?! Mukha ba akong rumi-renta ng call boy?!

Ok, given nang may mga barumbadong utak dikya na lalake sa ating lipunan. Pero pag yang uri nila ang na-encounter mo, hindi "Yes, Miss?" ang sinasabi kung hindi "Hi, Miss!" Eh etong si call boy sa Megamall, aktong naka-sandal pa dun sa railings sa gitna ng SM. (see picture) I therefore conclude na isa siyang call boy. hahahaha. Ok, wag na nating pahabain ito, baka maging social awareness entry na at mapunta pa tayo sa diskusyon ng impact ng Philippine economy sa daily practices ng bawat social subclass or the other way around. At baka seryosohin niyo, may I just say na hindi ko sure kung call boy ba siya. Mukha lang siyang stereotypical call boy. At wag nyo akong hihiritan ng "don't judge a book by it's cover" o ng "this is no laughing matter," bilang observant at creative lang talaga akong tao. Hmpf.




Ganyan yung sinasabi kong parang call boy. Yung nakatambay sa mga railings somewhere. Yung mga tambay sa mall, naaalala ko, na-feature yan sa Imbestigador. hahaha.



Moving on, kailangan ko lang ding i-share na nakita ko sa Mexicali si Dindin Moreno, drummer ng Parokya ni Edgar, kasama ang family niya. Eh nahiya akong magpapicture, and for that, hindi ko pa rin naisasabuhay ang magpapapicture dapat twing may celeb encounter. Kung may kasama lang sana ako na mag-aaya at mangunguna sa picturan, as Jerjer put it, "Gora itetchiwa ng photoshoot! Go ever go ever! Celebritich itei!" But I was alone, at tinablan ako ng hiya. Bow.


[ gdwn ]




Ranting about the Manila Ocean Park
| 01:54 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


Yesterday was family day at the Manila Ocean Park. Whatever. hahaha. Thinking that since it's the Holy Week and most people will be at home, mom decided to take us to Ocean Park. Ok, she was wrong. First off, the Manila Ocean Park doesn't have rides like the one in HKG. So basically, the MOP is just a big museum that's still in the works. Also, we all know how undisciplined we Pinoys could be, so MOP + packs of families + one hot summer day = Ultimate Chaos. Let's give the MOP a chance though. Since there are parts of the park that are not fully operational yet, let's just hope that once these sections open to the public, everything will be more organized. In the meantime, I would not suggest that you spend time at the MOP if you plan on having fun this summer. A day at your local palengke or pet shop would give you the same experience, pero di sing-mahal.

Ok, I'm sorry for discouraging you to visit the MOP, pero hindi kasi talaga ako nag-enjoy. Daig pa ang enrollment sa haba ng pila, eh pag enrollment nga, nakakadiskarte ako para hindi na lang pumila. Aside from that, palengke feel talaga. Hoards of families were in Ocean Park yesterday--families with screeching little kids. Para akong nasa day-care center, at seryosong ang kukupad kumilos ng mga tao doon. Parang pila sa concert nina Pops Fernandez at Sharon Cuneta circa 1980's. Parang pila sa Wowowee. And I tell you, what I'm saying is no exaggeration:






Mapapaaway lang ako kung magpa-practicum ako doon. Super piss-off, bitch-up moment talaga kahapon. Mainit na nga, siksikan pa. To think na relatively sosyal na establishment ang pinuntahan mo. Ok fine, soft opening kasi. Pero hello? Eh ako pa naman, pag nilalagay nyo ako sa mataong lugar in that kind of atmosphere, nagkakasala ako. Day off kung day off talaga kahapon, kamusta naman. Meron pang babaeng nakasuot ng "I'm not a bitch. I'm the bitch. And to you, I'm Miss Bitch." Classic example ng I love the shirt pero siya ang nagsuot; at pag morena ka, i-assess mo muna kung keri mo ang hot pink. Ay josko, migraine kung migraine.

So nung finally, nakapasok na kami sa Ocean Park, as in sa mismong museo... nako, anong sinabi ng walang konsepto ng carrying capacity? As in labu-labo lang ang mga tao sa loob, parang mga bata sa loob ng giant swimball. Hmpf. MOP has great potential naman eh, management of visitors lang ang problema. Pero with our nature na hindi marunong magbasa ng sign boards, hindi ko alam kung paano iwo-work out ito ng MOP management. (Hello, shout out.)

Anyway, nasabi ko na bang hindi ako nag-enjoy? Paano ba naman, ang hirap din kumuha ng picture doon. Talagang e-effort ka para makakuha ng magandang picture. Wala tuloy akong 50 First Dates at Romeo and Juliet picture. Halos lahat ng kuha namin eh yung mga lamang-tubig lang. So para lang kaming nagpicture para sa field trip requirement. Eh aba, mas may close encounter pa ako with the sea creatures nung MS1 field trip namin sa Galera. (Oh, and for that, I NEED an underwater camera! shet!)




The only good photo we have.
other pics @ multiply



Odiba, fish in tanks lang talaga. As in, in obviously fake environment pa. Hinihintay ko na nga lang madaanan namin yung tangke ni Alice Dixson as Dyesebel eh. Mas appealing pag ganon diba?

well, anyway, hindi ko lang siguro naenjoy kasi nga exaggeratedly mainit ang panahon tapos ang dami pang tao. Siguro pag open na completely ang Ocean Park, babalik ako. Siguro. And hopefully, by that time, hindi na marami ang tao at magawa ko na yung 50 First Dates at Romeo and Juliet photoshoot ko. I thank you.


[ gdwn ]




Da Bomb and that MRT Bitch
| 08:18 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


It's been two weeks since I last posted an entry, tapos picture pa. Naiinis ako dahil ang dami kong gustong i-share sa inyo pero hindi ako makapagsulat. Nakakatuyo!

Anyway, last week, may bomb drill sa aming office. Hindi naman pisikal na bomb drill; handling bomb threats over the phone lang naman. Actually, Sept. 5 nang pumasok daw yung bomb threats. Eh half day ako nun kaya kinabukasan ko na nalamang meron na palang naganap. Sabi ko pa, sana na-experience ko man lang. Nagkamali ako sa mga binitawan kong salita.

Sept. 7, around 3pm, may pumasok na tawag sa akin: Sa-sa-bog na ang bom-ba. Punyeta, akala ko tapos na yung bomb drill na yan tapos nakatanggap pa ako ng tawag! Eh ang SOP namin, i-alert ang mga kaopisina by calling out "Bravo Whisky" (as in BW for bomb warning). Edi sigaw naman akong ganyan... tapos narinig ko na lang si hired actor: "Sige, tumawa ka pa." Shet! Pagtingin ko sa telepono, hindi naka-mute! Nainis talaga ako sa sarili ko nun.

Tapos sinabi na nung caller ang detalye ng bomba: Nasa airport, departure area, dahil daw sa pamahalaan kaya ginagawa niya yun, yadda yadda. Eh nasabi na kasi niya yan sa mga naunang nakatanggap ng bomb threats. Pero improving, detalyado na ang tawag niya ngayon! Sa mga nauna raw kasi, binababa niya ang phone tapos kulang ang details. Bongga, learning from his mistakes! Pero ang bagong hirit niya: sasabog ang bomba sa loob ng sampung minuto. Ayun na, kinabahan kami. Tapos nainis ako sa sarili ko kasi hindi ko chinika yung "terrorista." Eh diba nga ang point nun was to get all the info I could have gotten, and have him stay on the line long enough to track the call? Eh hindi ako nakapagsalita. Leche siya. hahaha. Sinisi?

In fairness, natakot ako sa kanya. O baka dahil may added 10-mins deadline siya. Pero ako kasi, hindi naman ako matatakutin eh. Pero na-realize kong natakot ako sa bomb threat dahil hanggang kinagabihan, naaalala ko pa rin yung boses niya. Pangalawang beses pa lang akong matakot nang ganito. Yung una eh nung napanood ko yung Undin sa Shake Rattle and Roll nung bata ako. Buti hindi long-term ang epekto sa akin ng mga ganyan.


(Moving on to the MRT Bitch....)

Akala siguro niya hindi ako papalag. Eh nagkamali siya ng pasaherong ginago. Hello, P100 din yun!


[ gdwn ]

« Newer | »


powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf