i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

When I Die

|

Last will ba ang dating? Hehe. Matagal ko na rin pinag-iisipan to, at minsan, napag-uusapan namin.

Hindi ako takot mamatay pero ayokong mamatay nang hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko. Ayokong makita ng mga hindi dapat makakita ang mga hindi dapat makita o mabasa. Gusto ko, kapag namatay ako, maayos ang mga gamit ko. Ibig sabihin, wala na doon ang mga akin lang talaga na ayokong mahawakan ng iba, kahit ng aking pamilya.

Ayoko ring mamatay nang matagal. Ayokong magkasakit at magdusa dahil doon. Ayokong tumanda at manghina bago mamatay. Kung mamarapatin rin, baka puwedeng mauna na ako sa aking mga magulang. Ayoko kasing makaranas ng pangugulila pag nauna sila sa akin. Ang selfish ko noh?

Ayokong mamatay sa mabagal na paraan. Gusto ko, sa isang iglap lang ay magdidilim na ang mundo ko at wala na akong mararamdaman. *poof* tapos patay na ako. Ok lang sa aking ang gunshot pero dapat sa ulo, para patay agad. Gusto ko sana ng sleeping pills overdose pero ayoko namang mag-suicide. Higit sa lahat, ayokong mamatay nang brutal. Hehe. Kahit mahilig akong makapanood ng mga ganoong eksena, ayokong mamatay nang ganoon. I don't want to be brutally murdered. Pero kung brutal dapat na kamatayan ang dapat kong kahantungan, sige lang, basta mabilis at hindi murder. Freak accident na mabilis lang, kirei pa.

At siyempre, kapag patay na ako, kailangang mawala na ng bangkay ko. Ayokong may lamay. Ayokong pinanonood ako ng mga tao habang nasa loob ako ng ataol na parang display sa museo. Ayokong may mag-aabalang mag-organize at magpunta sa lamay na yan dahil ayokong marami pang kachorvahan. Ayus na sa akin ang ipagdasal ninyo ako.

Dahil walang lamay, walang ataol. Ayokong ilibing ako. Mahal yun e. Magastos ang ataol. Tapos huhukayin din naman ako ulit diba? Para saan pa ang pagkagastusan ng libu-libo ang simpleng kahon na paglalagyan sa akin? Gusto ko, i-cremate ako. Hindi iyan alam ng mga magulang at ng kapatid ko. Kaya kayo na lang ang magsabi sa kanila kapag wala na ako. Hopefully, mauna ako kaysa sa inyong lahat.

Para na rin sa kawang-gawa, gusto kong i-donate ang mga bahagi ng katawan ko na puwedeng i-donate. Kaysa naman sunugin lang, mas mabuti nang pakinabangan ang mga ito ng mga nangangailangan. Para masaya, diba? Pag sumakabilang buhay na ako, may mga buhay naman akong madudugtungan. Naks. Isa pa, kung sakaling kini-kilo ang bangkay bago i-cremate at per kilo ang singil, edi mas mura ang babayaran sa cremation ng aking bangkay. :P

Nais ko lang palang i-share ang twisted thoughts namin noon nina sheena j.... Gusto rin naming ma-cremate e. Para nga wala nang abala sa palibing at ataol. Pero si sheena, gusto niyang may lamay. Gusto raw niyang makita ang mga iiyak sa kanya. Ako naman, naisip ko, "sabagay.. pwede rin." Pero abo ko naman ang pagalamayan. At in a disturbingly funny way, sinabi kong, "Kung ipamgay na lang kaya ang abo ko? Parang sa debut... Thanks for coming, kung baga."

Ang balahura. Basta, yan lang naman ang gusto ko pag namatay ako. Pero hindi naman ako atat. Katunayan, gusto ko pang mabuhay dahil gusto kong maging masaya. Basta, bahala na.
Page created: November 2nd 2004 02:04 PM


powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf