Last Tuesday, napanood ko na rin yung A Very Special Love dahil sa peer pressure, LSS, at good reviews. Na-excite naman talaga ako, kasi yung mga kasama ko pang manood eh 2nd-timers na sa pelikulang 'to. Nasa mood naman ako manood, ready to feel kilig.
Kaya lang, ayun... Forgettable ang movie. Gusto ko siyang i-blog at i-recount ang kilig moments with kilig lines, pero eto, ang tagal nang pending nitong sinusulat ko, ngayon ko lang natapos dahil hindi ko rin maalala yung mga eksena. For a supposedly feel-good romcom, nahabaan ako sa A Very Special Love. Hindi dahil sa mahaba ang running time, kundi dahil ang tagal bago dumating sa kilig scenes at parang ang tagal bago dumating dun sa kwento talaga. Akala ko noon, madali akong ma-impress sa movies kasi naappreciate ko naman yung movies nina Juday at Piolo, at ang latest kilig movie for me ay yung You Got Me. To think na naappreciate ko siya despite the casting of Zanjoe Marudo in the movie, it must be samteeng!
As Jessica Zafra put it, A Very Special Love was simply a series of kilig moments. Yun nga lang, hindi ko na-feel yon! In fairness, I was really looking forward to the kilig scenes, masabi lang, pero ilan lang yung tumatak sa akin.
(Tulad na lang nung...)
Pero nag-shine si Sarah Geronimo. No doubt, moment niya sa pelikulang ito. Kung si John Lloyd yung nagbigay ng "awwww..." factor sa movie dahil sa drama scenes at sa heartless-boss-turned-soft-hearted-lover character niya, si Sarah naman yung continuous comic relief. WHATTAFACE kasi talaga. Yun naman ang puhunan nila sa movie -- facial expressions ni Sarah. Walang malupet na dialogues pero yung mukha ni Sarah Geronimo, iha-haunt ka forever.
So ngayon, meron namang For The First Time. Ay nako, dito hindi na ako magpapapilit manood nang may bayad. Richard Gutierrez movie eh. Walang kalatuy-latoy na acting naman yan. Kahit set in Greece pa. Nako, magpunta na lang tayo ng Greece at gumawa ng kanya-kanya nating pelikula.