Una sa lahat, maikwento ko muna na tumawag si Charm sa akin kanina. Akala ko pa, si Gaor yung tumatawag kasi in-address niya ako by last name! Eh naisip ko, ang lalim naman yata ng boses nung tumatawag para maging si Gaor! hahaha. Peace tayo, Charm. The last time na makausap ko si Charm eh sometime nung panahon ng screening ng Sweeney Todd, kung kailan na-late ako sa screening dahil nakipagdaldalan pa ako sa phone. haha. Pero kahit na-late, keri lang... hindi ko naman ipagpapalit si Charm kay Johnny Depp.
Anyway, hindi naman talaga yan ang ikekwento ko kung hindi ang latest movie nina Ai-Ai delas Alas & Eugene Domingo na
Ikaw Pa Rin (Bongga ka Boy!). Yan ang pinanood namin ni Grace nung nagkita kami last Wednesday. Nakakainis lang na Wednesday na nga yun, parang wala namang bagong palabas! Indiana Jones lang ang bago, eh hindi naman ako fan nun. Tapos dapat talaga, When Love Begins ang panonoorin namin, pero base sa reviews, hindi raw maganda. KAYA... nauwi kami sa panonood ng Ikaw Pa Rin. Ayaw ko pa nga panoorin yun dati, kasi ayoko talaga si Robin Padilla. Nakakainis siyang nakikita.
Moving on...
Masaya naman yung movie. At dahil Wednesday afternoon yun, weekday, wala masyadong tao sa sinehan. Hindi naman masyadong ako lang ang bongga tumawa sa sinehan. Since under Viva naman siya, at directed by Wenn Deramas, at Aiai-Eugene-Sweet ang main cast, naligayahan ako sa movie, buti na lang. Actually, hindi ko na maalala ang kwento niya. Basta ang alam ko, may malulupit na tawa moments.

Pinsan ni Robin Padilla (Boy) si Eugene Domingo (Shiela) sa movie. Every scene, iba ang iniimpersonate ng Mother Eugene! May Marimar
(with matching dance moves), Kokey
(na hindi masyadong benta sa akin), Betty La Fea, among others. Animated kung animated ang kilos.

May dragging scenes nga lang, lalo na pag mga eksena ni Robin Padilla nang wala si Aiai. At maraming production number masyado sa movie. Hindi na angkop. And mind you, mahaba ang song and dance numbers na ito, to the point na gusto kong batuhin ng popcorn ang screen. Eh kaso wala naman kaming popcorn nun.

Dahil firefighter si Robin Padilla dito at siya ang bida, kelangang may supporting actors na firefighters. You guessed it right... andun si DJ Durano. Pero bukod kay DJ Durano, marami pang hindi sikat na "aktor" casted as Padilla's co-firefighters. At sa obserbasyon ko lang, nabigyan yata ng trabaho ang mga macho dancer at call boy sa pelikulang ito.

I have a new favorite child actor. Hindi na si Baby Bronson kundi yung anak na ni Robin Padilla sa movie na si Little Big Star winner
Rhap Salazar (Junjun). Young boy na nagbabadya ang kabadingan ang role niya dito. Sorry naman at bumenta lang ang mga eksena niya sa akin. Andiyan na yung slide-down-the-wall-while-crying scene, pagkatapos naging mermaid siya. Meron pang nakikisayaw siya kay Eugene Domingo sa Marimar scenes nila. It helps na malambot siyang magsalita at benta ang mga linya niya:
Junjun: Tay, pwede ko na ba siyang girlfriend? Maglalaro lang kami ha.
Boy: Sige, anong lalaruin nyo, bahay-bahayan?
Junjun: Parlor-parloran!
Junjun: Ang sarap naman ng pizza, BONGGANG BONGGA!
(At kasama sa eksenang to, kung saan kumakain sila sa Yellow Cab, yung pagdadrama ni Junjun nang mabulunan si Robin Padilla. Kashwal na drama, pero the fact na siya ang gumawa, nakakatawa lang.)
Junjun: Ang sarap naman ng luto mo. ASTIIIIIG!!!! *Mwah*
(At ang pagsabi ng "Astig" ay kelangang may kasamang pagtirik ng mata at pag-pucker ng lips pagkatapos. At nang tanungin ni Robin Padilla si John Lapuz kung paano magsabi ng "Astig" ang sangkaatehan, pareho sila ng ginawa ni Junjun!)

Pero siyempre, hindi lang si Junjun ang may malulupit na linya. Sorry naman at hindi ko siya maisulat kasi dapat accompanied by actions din! Yung iba naman, not-so-wholesome for blogging. hahaha. Natatawa na lang din kami ni Grace sa lines nina Junjun at John Lapuz, kasi narealize ko lang, parang ganun ako magsalita minsan. Shet.

Bukod pa diyan, maraming scenes na shinoot sa Marikina. Para kang nag-Marikina walking tour. hahaha. At bilang kasama naming manood si Robee, ayaw naman niya i-declare na
"Uy, sa may amin yan!" Unang Marikina scene pa lang yun ha. As the movie went on, aba, marami pa palang eksena sa Marikina. At parang lahat yun, malapit kina Robee. Sana umextra ka na!

And I almost forgot... ANDON SI MIKEL CAMPOS! hahahaha. Ang eksena lang naman niya ay tatalon siya sa bubong. Pero kahit na. Kung kasama ka namin, Charm, malamang tumitili tayo sa sinehan nung mga panahong yun. HAHAHA.
After nung movie, hinintay pa talaga namin yung trailers. May bagong gory film na nakalimutan ko ang title, nakakainis. Yung
My Sassy Girl naman, walang appeal sakin yung trailer. Akala ko kikiligin ako. Apparently, dahil hindi naman kagwapuhan si Jesse Bradford, hindi ako tinablan. Then, siyempre, andun ang
Caregiver. In fairness, nakakaantig ng puso ang trailer! Panonoorin namin siya para mag-fam tour sa London. Pero dapat marami kami, kasi ayoko talagang umiyak sa sinehan. Kung napigil ko nga ang luha sa I Am Sam at Maximo Oliveros, why not sa Caregiver, diba? hahaha. Hayaan mo Charm, babalitaan kita next week tungkol dun.