Nagpunta ako sa SM Megamall kanina para bumili sana ng swimwear na unsuccessfull naman dahil 2 different sizes ako at mahal yung nagustuhan ko. For that, foot soak at body scrub naman ang nabili ko. Sanka. Pero hindi yan ang point ng aking entry.
So naglalakad ako kanina sa Mega, kakalagpas ko lang sa elevator nang biglang may lalakeng sinabihan ako ng
"Yes, Miss?" Hindi ko na siya dinouble-check o nilingon pa. Pero shet,
"Yes, Miss?" daw?!
Mukha ba akong rumi-renta ng call boy?!
Ok, given nang may mga barumbadong utak dikya na lalake sa ating lipunan. Pero pag yang uri nila ang na-encounter mo, hindi
"Yes, Miss?" ang sinasabi kung hindi
"Hi, Miss!" Eh etong si call boy sa Megamall, aktong naka-sandal pa dun sa railings sa gitna ng SM.
(see picture) I therefore conclude na isa siyang call boy. hahahaha. Ok, wag na nating pahabain ito, baka maging social awareness entry na at mapunta pa tayo sa diskusyon ng impact ng Philippine economy sa daily practices ng bawat social subclass or the other way around. At baka seryosohin niyo, may I just say na hindi ko sure kung call boy ba siya. Mukha lang siyang stereotypical call boy. At wag nyo akong hihiritan ng "don't judge a book by it's cover" o ng "this is no laughing matter," bilang observant at creative lang talaga akong tao. Hmpf.

Ganyan yung sinasabi kong parang call boy. Yung nakatambay sa mga railings somewhere. Yung mga tambay sa mall, naaalala ko, na-feature yan sa Imbestigador. hahaha.
Moving on, kailangan ko lang ding i-share na nakita ko sa Mexicali si
Dindin Moreno, drummer ng Parokya ni Edgar, kasama ang family niya. Eh nahiya akong magpapicture, and for that, hindi ko pa rin naisasabuhay ang magpapapicture dapat twing may celeb encounter. Kung may kasama lang sana ako na mag-aaya at mangunguna sa picturan, as Jerjer put it,
"Gora itetchiwa ng photoshoot! Go ever go ever! Celebritich itei!" But I was alone, at tinablan ako ng hiya. Bow.