Hindi ako Krispy Kreme fan, pero donut lover ako. At kapag may chance maka-libre ng pagkain, aba, hindi naman ako tumatanggi.
Kahapon, pinatulan namin yung Krispy Kreme promo for the opening of the Ayala branch. The first customer got a year's supply of donuts, 1 dozen every week; the second customer got 6 months supply; the third got 3 months supply; and customers 4-300 got a month's supply of original glazed donuts. Donuts lang nga naman yun, pero since accessible naman ang venue, why not mag-try sumali diba? Nakakaumay kung iisipin, pero gora kami ever sa pila.
Hindi kahapon yung first time naming mag-meet ng madaling araw para sa kung anong get-together, pero shet, kahapon yung pinakamaaga! Feeling field trip dahil wala pang sikat ng araw. On the way to Makati na kami nina Robee and Aika nung mag-text si Jerjer na
#76 & #77 sila ni Rozz sa pila at nakapila na sila ng
3:45am pa lang. Akala pa naman namin, since maaga na yung meeting time namin, aming amin na yung top prizes. But no, may mas kumarir pa sa KK promo! Pero despite that, tuloy ang laban sa Jaka Building!
Pagdating namin sa Ayala Ave, ayun na, kalaban namin ang call center people sa pila. May nakasabay pa kaming maglakad na grupo, eh akala namin, pipila din kaya inunahan pa namin. Iniisip siguro nila,
"Bakit nakikipag-unahan tong tatlong to, eh hindi naman tayo pipila. Like we're gonna be caught dead making pila for free donuts... or for anything free for that." hahahaha burgis. So dumating kami ng 4:10am at more or less 2 hours kaming nakatayo sa pila dahil 6am pa officially nag-open ang Krispy Kreme.
So paano namin inaliw ang mga sarili namin sa pila? Eh siyempre, since napaka observant namin, hindi kami nagpipigil mag-state ng observations namin. At naku, meron lang aaktong sisingit sa pila, warla kung warla. Dina-dub na nga lang namin yung mga nag-uusap sa pila. Pero hindi yan ang highlight ng 2-hour pagpila namin for a month's supply of donuts. Yung isang guy na 4 people (?) ahead of us sa pila ay wala nang ginawa kung hindi magpicture. Dinatnan namin siyang nagpipicture na at hanggang makuha ang prize eh nagpipicture pa rin siya. Itago na lang natin siya sa pangalang
Manila Bulletin. Susmaryosep, kahit hindi kakilala, pipicturan! Documentary ito! Kulang na lang sa kanya eh PRESS ID ano. Picture kasi nang picture to the point na over na. Naalala ko pa tuloy yung high school batchmate kong epal na mukhang nanay na obsessed over a certain group of people. Umagang umaga, wala pang sikat ng araw, sisimulan ng ganun ang araw ko. hahaha.
Anyway, we made it sa 300 -- #135, #136, #137. May pins pa kami, KK paper hats, at balloons. Childrens' party ito. Isang malaking kalokohan, pero masaya. Hahaha. At tumawa pa talaga ako to emphasize my point. Pero seriously, fulfilling yung experience na yun kasi naman um-effort kaming gumising nang maaga noh. Pre-CRS enlistment ang drama. But I guess, mas fulfilling yun para kina #1, #2, and #3 na
2:30pm pa nung Thursday nakapila. Galing pang Bulacan. Yun ang tinatawag na dedication. hahaha. For sure, mada-diaryo ang tatlong yung tapos ikekwento yung buhay nila then the next thing we'd know, nasa MMK na yang mga yan.
After naming i-claim ang aming KK "Blue Tickets," diretso na sa office para mag-unat nang kaunti tapos photo op before duty. After work naman, bumalik kami sa Krispy Kreme para bumili ng pasalubong dahil naipamalita nang sumali kami sa promo, eh hindi pa naman namin na-claim that day ang first batch ng donuts namin.
Eto naman. Guess who we saw at Krispy Kreme that afternoon? Aba, ang dating child star na si Rex Agoncillo ng ATBP at Panoxyl commercial. hahahaha. Ganyan lahat ng lakad ko, may artista factor.