i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for October, 2007




Devon Sawa is Casper
| 09:15 PM

posted in Entertainment / Fangirling


As far as I can remember, I was in third grade when I developed this obsession over the movie "Casper." That was the time when I had this huge crush on Devon Sawa that a faint Remember Me This Way playing within earshot made me... uhm... react with kilig. I know; I'm such a dorky loser. And you still haven't seen the magazines my mom bought me during those year(s). hahaha.




Casper: I told you, I was a good dancer.... Can I keep you?

WAHAHAHA. Good Lord, stop me!


[ gdwn ]




Dapat Hindi Na Lang Apat
| 09:15 PM

posted in Entertainment / Fangirling


Ang tagal kong inabangan itong Apat Dapat, Dapat Apat at napanood ko na rin yung movie kagabi kasama ang CX Chuvas. Sobrang excited ko at talagang sa first week ko pinanood, only to be disappointed by the movie.

Nung nalaman ko yung cast, na-excite talaga ako: Eugene Domingo, Candy Pangilinan, Pokwang, John Lapuz, Vice Ganda... tapos directed by Wenn Deramas pa! Tapos opening scenes pa lang, sablay na. Nakini-kinita ko nang hindi ako nito mapapatawa tulad ng Ang Tanging Ina, D'Lucky Ones, at Ang Cute ng Ina Mo.

Apat Dapat, Dapat Apat: Friends 4 Lyf and Death is about the friendship of the characters of Eugene Domingo, Pokwang, Candy Pangilinan, and Rufa Mae Quinto. The four have been friends from the time they've met a bus accident when they were kids, and have remained the best of friends since then. They are living separate lives with their families and professions, but still manage to get together at times. Unfortunately for Candy, she has dedicated her life to serving her family of hoodlums and bums; the reason for her not being able to spend quality time with her friends.

Fate takes a crucial turn when Candy's family gets jailed. The four friends decide to go to Hong Kong to work as domestic helpers in order to raise money to bail out Candy's family and pay for their own families' debts and expenses. Unfortunately for Candy (again), she gets murdered by the people she works for, and her three friends get threatened as well. Eugene, Pokwang, and Rufa Mae leave for the Philippines with Candy's corpse, not telling anyone about her death, and not planning on telling Candy's family about her death anytime soon.

Plot pa lang, sablay na. hehehe. Sa Apat Dapat, talagang pasulput-sulpot lang yung mga eksenang natawa ako talaga. Hindi tulad nung Wenn Deramas movies na binaggit ko na nakakangawit ng panga dahil all throughout the movie ay naligayahan ako. Itong Apat Dapat, sadyang may kulang. Hindi ko matukoy kung ano, pero kulang talaga sa patawa. At given na rin siguro na ganyan yung movie dahil ganyan nga yung plot niya. Tapos with an all-star cast, na-disappoint lang talaga ako kung bakit hindi siya maganda. Ni hindi nga tumatak sa isipan ko yung movie, kaya wala akong bulleted points ng funny moments na mai-present sa inyo ngayon. Sige, may mga eksena talagang tatawa ka, tulad na lang nung habulan nina Eugene at Christian Vasquez, at lahat ng traffic moments ni Pokwang; pero after kong napanood, parang wala nang dating.

But I still love Wenn Deramas. Kaya hopefully, hindi ako ma-disappoint sa upcoming movies niyang Pasukob at Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.



(Moving on to my spoilerish Prison Break S03E04 comments...)


[ gdwn ]




Friday Night Lights
| 04:48 PM

posted in The Life of Gdwn


Eh bakit ba... walang pakielamanan sa title!

Last Friday, October 26, bowling tournament ng CX. Eh last year, dept namin yung champions kaya medyo career etong tournament this year. Yun nga lang, yung mga dating pambato ng resa eh nasa airport na ngayon, kaya halos puro babae ang players namin. Sankapa, naglaro din ako. Tenpin ha. Feeler! Samantalang dati, Duckpin Bowling na nga lang ang PE ko, 2.75 pa ang grade. Nasaan naman ang future doon?

For that, kulelat ang dept namin. Pero masaya! (Naalala ko tuloy yung Yellow Team namin sa softball na super talunan sa PE.) Masaya maglaro, masaya magpunta sa events, lalo pa kung libre. Alam nyo naman ako, hindi tumatanggi sa grasya! Pero seriously, parang inevitable loss din naman yun, eh ang monster maglaro ng mga taga ibang dept. Puro lalake pa sa team. But we had fun. Really!




Resa peeps sa office. Oo na, Team Pink kami. Eh bakit ba, nakakaputi naman ang pink!






Jing, Aika, Shiela, Gdwn, Simon. Ayan, patunay na nasa bowlingan kami. Eh ano kung epal ako sa picture? Maganda naman! wahahaha.



Past 11pm na nang umuwi kami ng Northbound MRT Club. At sa Paranaque pa yang bowlingan ha. Sa loob pa ng abandonadong mall na tila imbakan ng mga taong napapatay sa kalye. Seryosong nakakatakot pauwi! Para kaming mga bida sa isang horror teen flick nung hinahanap namin ang daan palabas ng mall. Yung tipong isa-isang papatayin ang characters tapos sa ending eh makikita ng last few people standing yung mga kaibigan nila na nakaimbak somewhere.

Moving on...
Dahil wala nang MRT, nag-jeep kami pa-Baclaran para makarating sa EDSA. Eto na to. Alam nyo namang hindi ako nagco-commute nang ganun kalayo at alam nyo namang wala akong sense of direction. Seryosong kabado ako nun, sa jeep pa lang.

Ako ang unang umakyat sa jeep, at ang tumambad pa sa aking paningin ay isang icepick boy at icepick girl na naglalandian sa sasakyan. Seryosong napadasal ako nun. Humiling talaga ako kay Lord na proteksyunan niya kami. Kasi naman ano, masahol pa sa KNL at Philcoa boys yun! Pagbaba namin ng Baclaran, naglakad pa kami para makarating sa pa-EDSA. Eh ang mga nandun na lang eh yung mga street vendor at mga tambay at mga aso. Odiba, pinagsama-sama lahat ng mga kinatatakutan ko.

Dito na papasok yung maiimagine mong eksena na may hahablot na lang sa bag mo bigla tapos sasaksakin ka ng icepick sa tagiliran o sa leeg tapos iiwanan ka para lapain ng aso. Wag ka... sa ilalim ng tulay (?) pa kami naglakad nun, tapos tumutulo pa. huhuhu. Talagang wala akong ideya sa pinatutunguhan namin noon at nakasunod lang ako sa Northbound MRT Club. Pero umabot kami sa MRT Taft station. Para akong nakakita ng liwanag bigla! As in! Although hindi pa rin ako sanay dun, napakasaya ng feeling na kahit paano'y familiar sa akin yung MRT Taft.

Mula doon, nag-taxi na kami. Kung kailan inaantok na ang mga kasama ko, doon ako nagising bigla sa taxi. Siyempre, feeling safe na eh. hahaha. Past midnight na kami nakauwi at may pasok pa kinabukasan. What a feeling.


(Then came the weekend.)


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf