GDWN@Tabulas - Simpleng Balahuraan
Home Profile Gallery Content Pages Favorite Entries Archives Links UP AIT Website

Entries for September, 2007




Little Girl Sukob
| 07:21 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


Sabi ko hindi ko ipopost itong picture na ito sa blog. Hindi ko lang mapigil eh. hahahaha.





Be very afraid.



[ gdwn ]




Da Bomb and that MRT Bitch
| 08:18 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


It's been two weeks since I last posted an entry, tapos picture pa. Naiinis ako dahil ang dami kong gustong i-share sa inyo pero hindi ako makapagsulat. Nakakatuyo!

Anyway, last week, may bomb drill sa aming office. Hindi naman pisikal na bomb drill; handling bomb threats over the phone lang naman. Actually, Sept. 5 nang pumasok daw yung bomb threats. Eh half day ako nun kaya kinabukasan ko na nalamang meron na palang naganap. Sabi ko pa, sana na-experience ko man lang. Nagkamali ako sa mga binitawan kong salita.

Sept. 7, around 3pm, may pumasok na tawag sa akin: Sa-sa-bog na ang bom-ba. Punyeta, akala ko tapos na yung bomb drill na yan tapos nakatanggap pa ako ng tawag! Eh ang SOP namin, i-alert ang mga kaopisina by calling out "Bravo Whisky" (as in BW for bomb warning). Edi sigaw naman akong ganyan... tapos narinig ko na lang si hired actor: "Sige, tumawa ka pa." Shet! Pagtingin ko sa telepono, hindi naka-mute! Nainis talaga ako sa sarili ko nun.

Tapos sinabi na nung caller ang detalye ng bomba: Nasa airport, departure area, dahil daw sa pamahalaan kaya ginagawa niya yun, yadda yadda. Eh nasabi na kasi niya yan sa mga naunang nakatanggap ng bomb threats. Pero improving, detalyado na ang tawag niya ngayon! Sa mga nauna raw kasi, binababa niya ang phone tapos kulang ang details. Bongga, learning from his mistakes! Pero ang bagong hirit niya: sasabog ang bomba sa loob ng sampung minuto. Ayun na, kinabahan kami. Tapos nainis ako sa sarili ko kasi hindi ko chinika yung "terrorista." Eh diba nga ang point nun was to get all the info I could have gotten, and have him stay on the line long enough to track the call? Eh hindi ako nakapagsalita. Leche siya. hahaha. Sinisi?

In fairness, natakot ako sa kanya. O baka dahil may added 10-mins deadline siya. Pero ako kasi, hindi naman ako matatakutin eh. Pero na-realize kong natakot ako sa bomb threat dahil hanggang kinagabihan, naaalala ko pa rin yung boses niya. Pangalawang beses pa lang akong matakot nang ganito. Yung una eh nung napanood ko yung Undin sa Shake Rattle and Roll nung bata ako. Buti hindi long-term ang epekto sa akin ng mga ganyan.


(Moving on to the MRT Bitch....)

Akala siguro niya hindi ako papalag. Eh nagkamali siya ng pasaherong ginago. Hello, P100 din yun!


[ gdwn ]




Sacred Sundays
| 02:46 PM

posted in The Life of Gdwn


Una sa lahat, maligayang maligaya ako at champs ulit ang UP Pep sa UAAP Cheerdance Competition. Sila lang naman ang kaabang-abang para sa akin pag UAAP season. Since basketball at CDC lang ang nati-TV, edi siyempre, dun na ako sa team na hindi talunan, ano! *evil laugh*

I'm so proud of my celeb friends... minsan nga batiin nyo ako sa TV. At yung "UP Pep Rocks" banner, very Karlos. Gawa ka nga sa Photoshop nyan, tapos pahinging kopya! hehe. Grabe kayo, Pep, you've always made the UP community very proud to be from UP. Napakalupit ninyo! (BTW, hindi ko yata nakita si Mapat?)

Pero hindi naman kasi yan ang point ng entry ko.

Dati kasi, nung ako'y nasa kolehiyo pa, walang sagradong araw para sa akin. Kung magtawag man ang groupmates ko ng meeting ng Wednesday, Saturday, or Sunday, walang problema sa akin. Minsan nga, ako pa ang nag-aayang mag-meet kami ng ganung mga araw para lahat ay walang klase. Pero yung ibang friends ko, the Cherry-Cherry sisters for example, ay ayaw na ayaw nagmi-meet kapag Wednesday ay weekends. Siyempre, malayo ang inuuwian, sayang nga naman ang pamasahe nila. Si CherMan pa, laging bukambibig ang "Sagrado ang Wednesdays ko!"

Ngayong nagtatrabaho na ako, lalo pa't lately ay 9a-6p ang schedule ko, narealize kong effort din pala ang lumabas ng weekends pag wala kang pahinga sa weekdays. Birthday party kasi nina Redsa at Meg noong Sunday, at hindi ako pumunta. Sabi ko nga, baka pwedeng Saturday na lang. So ayun, hindi ako pumunta kasi naman, Sundays na lang talaga ang pahinga ko ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ang magkaroon ng Sagradong Araw. Bonding time namin ng aking sarili ang Sundays kaya sagrado ang Sundays ko.

Ngayon pa at magbabalik na ang Prison Break at Heroes. Siyempre hindi na libre ang schedule ko para makapagnakaw ng internet araw-araw! For that, every weekend na lang ang download time ko. Kung sana lang, pwedeng makidownload sa opisina, diba? Ok sige, another entry na lang itong fangirling ko.


[ gdwn ]




The Break Continues
| 04:55 PM

posted in Entertainment / Fangirling


Kapapanood ko lang ulit ng season premiere ng Prison Break, pero na-bore pa rin ako. There are a lot of things to look forward to, and they did tease viewers a bit about those things in the first episode, but the episode itself lacked the whoa factor.

Michael has gone from being called Fish, Snowflake, and Pretty to "Superstar." Bongga.

(This will be my last fangirling in this entry.) Naloka ako sa angas shot ni Wentworth Miller sa opening credits. Anubayan. Also, Wentworth in the rain during that first fight sequence... wasn't that just hot? hahaha. Sorry, SORRY!

Nakakangiwi ng mukha yung itsura ng SONA at yung mga tao sa SONA. Promise, kahit nanonood lang ako, feeling ko nanlalagkit at nanlilimahid din ako. Ang arte?

Naaawa ako kay Bellick. Kaya lang, ang angas talaga niya.

T-bag. I love T-bag. Medyo na-bore ako sa character niya nung season 2, pero obviously, His Royal Evilness is making a comeback. Lalo na dun sa UK teaser, talagang star na star si T-bag!

Sumakit ulo ko dun sa "mystery notes" galing kay James Whistler. Decoding chorva na naman ang drama nito. Nae-excite ako! whee! At na-intriga ako kung ano yung "chicken-like" meat na pinakain niya kay Bellick.

They should get rid of Sucre and Maricruz and C-Note within the next few episodes. Please.


[ gdwn ]




Our Dear Ederlyn
| 10:14 PM

posted in Readme as a favorite entry


Ang picture na ito ay galing sa isang forwarded email lamang. Hindi ko ito ginawa at hindi ko rin kilala ang gumawa, at kung sino ang mga baklita sa picture. Take note: hindi ko sila dinaraot. In fact, napaligaya nila ang araw ko! Click here to download the image.

Sa totoo lang, never akong nakatanggap ng Ederlyn messages dahil hindi ako naka-Globe. Actually, kahit nga Inday messages, wala akong natatanggap. Nakikibasa lang ako sa mga kaibigan ko. Loser? Eh hindi naman kasi ako ma-cellphone na person. Kaya kung sino man diyan ang may archive ng Inday/Ederlyn messages, pwedeng pa-email? Chenks!

So anyway.... (sorry, ang daldal) Nais ko lang talagang i-share sa inyo ang picture na ito. Hindi ko talaga siya kinaya, napamura ako bigla. Heto, bilugan ninyo ang bakla!



At pasensya na, kinailangan ko lang mag-comment!

Si Dermalyn, mahinhin at reserved. Kapag ngumiti, hindi talaga niya inilalabas ang ngipin. Kapag tumawa, "hihihi" lang dapat.

Si Chonna Mae, marami nang balakid na pinagdaanan sa buhay. Bakas na bakas sa mukha. Definitely a strong person.

Si Choverlyn, dalaginding. Mayumi't mahinhin. Pero hindi nagba-bra.

Si Cobralyn, ang pang-resbak ng tropa ni Ederlyn sa kung sino mang babangga sa kanila. Pangalan pa lang, palaban na. Idagdag pa ang mukhang sintigas ng kamaong may kalyo.

Si Prudelyn, confused pa sa kanyang sexual orientation. Hindi pa raw niya kayang magsuot ng bandanna bilang damit.

Si Globalyn, global wonder girl/boy. Mukhang globo, katawang globo. Talented ito.

At si Ederlyn... ang star ng mga text message na kumakalat. Siya ang Queen Bee ng tropa niya, lubos na iginagalang, lubos na minamahal. RIP.

Siyempre pa, wag naman nating i-out-of-place yung nasa gitna nina Choverlyn at Cobralyn. Tingnan nyong mabuti. Yan si Wowie De Guzman!


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf