i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for August, 2007




Josh Hartnett and CX
| 08:22 PM

posted in Entertainment / Fangirling


Ako ay nagtatrabaho sa isang airline company. Kaninang umaga, may kausap akong pasahero nang bigla na lang nagkaroon ng komosyon sa opisina...

DUMATING NA SI JOSH HARTNETT SA PILIPINAS!!!

Aba, hinold ko nga yung kausap ko para makibalita. At di lang ako yun... lahat kami fumangirl! Retrieve ng HARTNETT/JOSH record, tapos print, tapos email and text brigade sa friends. Ang ingay talaga kanina, kiligness was in the air. Sa lagay na yan, di naman talaga namin nakita si Josh Hartnett. Pero ang masilayan lang ang record niya ay sapat na upang mahumaling. Nung puntong yun, lahat kami ay gusto nang mag-leave para salubungin siya sa airport.

Ilang saglit pa, nag-circulate na yata sa lahat ng departments yung picture ni Josh Hartnett kuha sa airport. Hindi maka-get-over, hanggang lunch at merienda, si Josh ang pinag-uusapan. Ok sige, hindi man siya yung hottie tulad ng dati dahil sa facial hair niya ngayon, Josh is love pa rin.

Last month yata yun nang sabihan ako ni Shin na si Josh Hartnett ay pupunta sa Compostela Valley para mag-shoot. Aba talagang inabangan ko kanina sa news yung coverage ng arrival niya sa NAIA. At napag-alaman ko, ayon sa TV Patrol, yung movie niyang hindi kagandahan ang title ay tungkol sa police officer na nawala sa Hong Kong. Okey... so palagay ko lang, alternative to HKG lang yung pagshu-shoot nila sa Davao. Nevertheless, nasa Pilipinas pa rin si Josh Hartnett at sapat na ang presence niya dito para lumundag ang puso ko. hahaha LOSER.

So kung ganun at tumigil ang mundo namin sa opisina dahil sa pagdating ni Josh Hartnett, paano na lang kaya kung si Wentworth Miller na ang darating sa Pilipinas, tapos sa flight namin?! Aba, napipinto ang biglaang pagli-leave namin para salubungin siya sa airport!

*OK, enough fangirling*


[ gdwn ]




to my AIT Friends and Non-Friends
| 08:29 PM

posted in The Life of Gdwn


Share ko lang ha... (filler entry)

Kaninang pauwi na ako at nasa MRT station, tinawag ako ni Apple na nakapila na. Siyempre, style, nag-hello din ako para makisingit sa pila. (Sorry naman.) Ayun, kwento-kwento, at na-realize kong namiss ko rin pala ang mga AIT people, lalo na ang Pen friends! Tapos habang nakapila na kami, may dumaan pang taga-TS na friend ni Apple pero nahiya atang sumingit. Grabe, mula sa Pen friends to TS people to other batchmates, napag-usapan na yata namin. Goodness, bahagi nga rin sila ng aking college life. wahaha.

Pauwi naman, nakasakay namin sa jeep si Volt at pinagkwentuhan ang mga taga-Rajah. Odiba, reunion. Ang nakikita ko na lang kasi sa aking AIT friends ay ang Cherry-Cherry sisters, at pag nagkikita kami, siyempre the usual topics ang pinag-uusapan: comment sa mga tao sa paligid at sina "Rommelyn." Hindi naman namin masyadong napag-uusapan ang not-so-close friends at ang mga tao outside the Mean Girls' pool of okrayables. So for a change, masaya rin palang pag-usapan ang AIT people bilang batchmates lang talaga. (awwww) And after a loooooooong time, nabanggit ko na rin ulit ang mga katagang "Miss Mauleon." ahlavet.

At siyempre, makakalimutan ko ba naman ang thoughtfulness ni Shin, na idinaan pa sa opisina ang Harry Potter 7? Yikeee! Love mo talaga ako! hehehe. Di man kami nakapag-bonding, masaya na rin dahil sa effort, at siyempre, dahil nasilayan na naman kitang naka-blue eyeliner eyeshadow. Shalan.

(Can't relate? Wag mo nang ipilit. Sa next entry ka na lang makibagay. hahaha.)


[ gdwn ]




Trinidad and Tobago
| 08:45 PM

posted in Entertainment / Fangirling, The Life of Gdwn


My apologies for posting fangirling entries. Wala talaga akong maisulat at huhuhu hindi na nga ako araw-araw nakakapag-internet! Ngayon pang malapit nang magbalik ang Prison Break at Heroes, wala naman akong oras magnakaw ng Internet sa library.

Hemmingway, nais ko lang ibahagi sa inyo na....

Nagpunta si TJ Trinidad sa CX office kahapon!!!!!


Nakakaloka, gwapo pala siya. Nakakatawa nga, talagang pinapasok siya sa loob ng office at nagulat na lang ako nang magkaroon ng not-so-discreet bulung-bulungan. Pagtayo ko sa aking upuan, aba, andun si TJ Trinidad across the room. waaaaaahhhh!!!

Nung thesis days namin ni Charm, ipinangako ko sa sarili ko na pag nakakita ako ulit ng artistang gusto ko, magpapapicture na ako. Wala nang hiya-hiya. Kasi nga nagsisi kami nung di kami nakapagpapicture with Jericho Rosales. Eh kaso nag-aabang ako kung sino sa officemates ko ang lalapit, kaso tinablan din sila ng hiya! Seryoso, ang pogi kasi talaga. Kaya lang, medyo madamot---naka-cap na, naka-shades pa. Ano yan, bawal sa relihiyon ang magpakita ng mukha?! Ayun, hanggang sulyap na lang kami. Eh madami pa naman sa amin ang sumusubaybay sa Walang Kapalit (btw, Jodi Santa Maria rocks!).

[Ok, bitin ang entry ko, walang closure.]


[ gdwn ]




Men's Wear
| 08:33 PM

posted in What About Them?


Sa totoo lang, hindi ko mawari ang mga japorms ng mga naka-muscle shirt, ng FUBU gang at Jersey boys. Kung gagawing costume, pwede sigurong tanggapin, pero yung ganun ang suot mo sa araw-araw na ginawa ng Panginoon, medyo off na yata. Hindi naman ako ma-fashiown, in fact, I can't even call myself fashionable, pero di ko lang mapigil mag-comment sa mga ganung klaseng get up.

Kanina kasi, may nakasakay akong UP student sa Pantranco jeep. May UP ID kasi at sa FC bumaba. Wala namang relevance yun, gusto ko lang sabihin, baka makita nyo siya somwehere. Pero pag-akyat kasi nitong lalaki sa jeep, una kong napansin ang necklace niya. Akala ko kasi, rosaryo, dahil ganun ang itsura nung mismong necklace. Nang sinundan ko ng tingin yung necklace papunta sa pendant, aba, nagulat ako kasi wala naman palang pendant. Nakasambulat na dibdib ng lalaki ang tumambad sa akin.

Edi siyempre, ako pa ang na-eskandalo! Gusto ko na ngang tanggalin yung pardible ng blouse ko para ibigay sa kanya. Tutal, mukhang mas kailangan niya yun. Wala naman kasi sa lugar ang pagpapakita niya ng dibdib (sadya 'yun, kasi ang daming butones naman ang bukas ano). Etong pa-mhin na ito ay kalakas naman talaga ng loob na magpakita ng dibdib; parang hindi aware na eyesore siya.

Siguro kung pictorial, pwedeng pagbigyan yang ganyang japorms. Pero yung iharap mo sa publiko ang sarili mo nang nakaganun?! Maawa naman sana siya sa ibang taong makakakita sa kanya! Pipicturan ko nga sana, nahiya lang ako. Baka kasi sabunutan niya ako. Siguro din, kung gusto niyang magpakita ng dibdib, gawin na lang niya sa beauty contest -- sa inter-college or inter-batch beauty contest kung saan ipapaskil sa lobby ang pictures. (Wala akong pinatatamaan, gusto ko lang i-bold. hahaha. hahaha.)

Pero kanya-kanya namang trip yan. Marahil sa malamang, lahat naman tayo ay sumasakit ang bangs dahil sa porma ng ibang tao, kaiba man o hindi. Basta ako, kinailangan ko lang ihayag yung feelings ko... masakit kasi sa ulo pag kinikimkim! (Ganun ang impact niya!)


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf