FINALLY, napanood ko na rin ang
Harry Potter and the Order of the Phoenix kanina. Sa Sta. Lucia kami nanood ni
Shin, at in fairness, maganda ang sinehan. Yun nga lang, na-disappoint ako sa movie. Ni hindi nga rin pinag-effortan yung closing credits! Ang tagal kong hinintay to, tapos ganun lang. Buti nga hindi ako nakipagsiksikan nung opening week!

Naligayahan ako kaagad sa first sequence pa lang. Ang ganda ng likod ni Daniel Radcliffe. hahahahaha. Ayoko lang yung hairstyle niya.

Nagulat ako kay
Dudley Dursley. hahaha. Ang laki laki na niya! Ang laking bulas talaga! At nung nabiktima siya ng Dementor, sorry, pero ang naalala ko agad ay si Josh na anak ni Kris Aquino.

Nagandahan ako kay
Tonks. Very reminiscent of
The Craft. Yun nga lang, extra lang ang dating niya sa OoTP.

Na-excite ako dun sa
flying over London scene nila Harry papuntang Headquarters. Hindi man ka-lebel ng Quidditch World Cup, pwede na rin. Hindi naman talaga kasi siya kelangang eksena.
The Thestrals. Hay naku. Ito ang isa sa mga pinaka-aabangan ko sa pelikula. Sad to say, hindi ko masyadong nagustuhan ang depiction nila sa thestrals. Naimagine ko kasi noon, black horses with wings lang sila pero glamorosa pa ring tingnan. Glamorosang tingnan pero may eerie feel of death. Dito sa movie, mukha silang dragong dinosaur! Tapos, hindi rin na-emphasize yung
"You can only see them if you've seen death." Feeling ko kasi, dramatic ang dating nito sa hulihan kung nagkaroon ng reference sa thestrals na hindi nakikita ng D.A. noon pero dahil nga they've already seen death, nakikita na nila yung thestrals. Hindi naman mahabang oras ang kakainin nun kung binanggit ni Luna yung
"...if you've seen death" tapos sinabayan ng angkop na music. Kaswal na kaswal kasi yung pagkwento ni Luna kay Harry tungkol sa Thestrals.

But I liked
Luna Lovegood. Hindi siya gaanong madating sa akin sa OoTP book, pero binuhay talaga nila ang character niya sa movie. Tuwing nagsasalita siya, bawat eksena niya, nalulungkot ako. Ganun katindi ang dating ni Luna!

Si
Cho Chang. Wala na talaga, hindi na niya mare-redeem ang acting skills niya. Ayoko yung boses niya, grabe! Oo, weak na kung weak talaga ang character, pero ang leta leta naman kasi ng delivery! At hindi ako nagkakaganito dahil may kissing scene sila ni Daniel Radcliffe. Hindi lang talaga na-build up nang maayos ang character niya.

Ok, so kamusta ang
kissing scene? Isang malaking NYEEEEEHHHH?! Eh mas maganda pa yung eksenang naimagine ko nung binasa ko yung OoTP! Pero gaya nga ng sabi ni
biey, mahaba yung eksena considering that they were trying to fit the book's substance into the film. At ewan ko kung ako lang, pero parang they shot this scene in all the wrong angles. Ang flat na nga humalik nung mga bata, di pa nila dinramahan ang kuha para gumanda. Para naman may kilig factor! hahaha.

Natawa ako nung sinabi ni Hermione kay Ron that his
"emotional range is like that of a teaspoon." Yan lang ang memorable kay Ron at Hermione, tsaka sige, yung Stupefy scene. Mukhang Beatles si Ron. Isa pang fave line ko eh yung sinabi ni Kingsley about Dumbledore:
"He's got style."

Hindi ko naimagine na ganun ang itsura ni
Dolores Umbridge. Parang Ms. Minchin ang naimagine ko dati. Pero ok naman yung Umbridge sa movie kahit para siyang si Nova Villa. Convincing pa rin naman at nakakainis yung character niya.

Parang si Shrek yung
kapatid ni Hagrid na giant. Hindi useful masyado ang character niya sa OoTP movie. Kung na-disorient ka nang kaunti, mapapatanong ka kung bakit biglang may giant? As for the
centaurs, ok lang din yung introduction nila sa movie at hindi naman kelangang iemphasize, pero inabangan ko yung gwapong centaur
(ano nga pangalan nun ulit?) at hindi siya lumabas. Sige, sana'y di ako madisappoint sa kanya sa Half-blood Prince movie.
The Weasley twins' rebellion. Hindi ko alam kung dahil super bored na ako by the time lumabas ang eksenang to kaya di ko masyadong naappreciate, pero nakulangan ako sa dating ng eksena. Siguro mahirap lang talagang gawin yung ita-trash ng Weasley twins yung buong Hogwarts.

My dear
Draco Malfoy. huhuhu. Mahal na mahal ko pa naman ang character na ito. At physically appealing din naman si Tom Felton. Pero EXTRA LANG SIYA SA OoTP!!! Ang laki na ng mga batang ito, pati sina Crabbe & Goyle! Bully kung bully. hehehe. At kahawig na ni Vandecamp
(AP: Band Camp / fake Derek, OTH) si Draco.

Hindi talaga na-introduce nang maayos yung characters na magiging important sa Half-blood Prince. Hindi rin na-build up yung possible importance of the existing characters for the next installment. Although hindi naman nila kailangang i-detalye ito, sana man lang ay nabigyan ng maganda at understandable transition yung viewers.
Probably the best parts of
Harry Potter and the Order of the Phoenix were the Dumbledore's Army vs. the Death Eaters and the Dumbledore vs. Voldemort scenes. They weren't great, but they surely were ice breakers from the boringness of the film.
Helena Bonham Carter was the bomb-best. (na fo-FOTNM na ako) Unang eksena pa lang ni Bellatrix Lestrange sa Azkaban, tumalon na ang puso ko. Seryoso! Although boring na naman yung scenes after the Azkaban break-out, sapat na yung eksenang yun para isustain ang interest ko for her next scenes. Sa battle at the Dept. of Mysteries naman, GRABE, napapangiti ako pag nakikita ko siya. Everything about Bellatrix Lestrange's characterization in the movie was perfect. Evil talaga. Yung presence pa lang ni Lestrange, sapat na para kainin nang buhay ang mga ka-eksena niya.

I expected more from the
D.A. vs. Death Eaters scene, but the movie's version was acceptable. Less drama pero more action. Ang bilis kasi ng mga pangyayari, pero na-capture naman yung essence ng part na yun ng story. Nakulangan ako sa wickedness ni
Lucius Malfoy, pero baka dahil lang yun nasasapawan siya ni Bellatrix Lestrange. Yun nga lang, yung ibang Death Eaters ay walang individuality sa eksenang yun. Parang Lestrange & Malfoy vs. D.A and the Order lang.

So that was how
Sirius Black died. Naguluhan kasi ako dati sa death ni Sirius. Nung napanood ko itong movie, hindi pa rin ako satisfied. Yun na yun? Actually, kahit naman sa libro, yun na yun. Pero ang hirap lang kasing i-imagine yung eksena. So at least, dahil dito sa movie, nagkaroon na rin ako ng ideya kung anong nangyari.

The
Dumbledore vs. Voldemort scene didn't come out as action-packed as I imagined, same with the graveyard scene in
GOF. But this battle in OoTP had less impact. Kita nyo nga, hindi ko na maalala yung eksena. And Harry's sinapian-ako-ng-Dark-Lord scene was a bit cheesy. Ralph Fiennes did well with reeking of evilness though.
[break=In general...]
In general...

Na-bore ako sa OoTP movie. Sige, pagbigyan na natin, since hindi naman talaga action-packed yung libro. Diba nga, puro pulitika at justifications tungkol sa different issues ang nandun? Given na hindi talaga ma-eelaborate ito sa pelikula, edi dapat medyo iba na lang yung approach na ginawa nila sa OoTP. Pero mahirap din naman kasi yatang iwasang maging dragging kung mag-eexplain ka. Kung ako ang gagawa, para maging exciting yung movie,
ise-sensationalize ko yung battle at the Dept. of Mysteries at yung rebellion ng Weasley twins. Tapos maglalaan ako ng mga eksena para sa usapan ng Order of the Phoenix na andun na yung pinaka-thought at explanation ng issues sa OoTP. Ang dami kasing usap-usap sa movie na to pero masyado pa ring tagpi-tagpi para ma-gets yung thought.

Natutunan ko dati, iwasang i-compare ang movie sa libro. Kaya nga nung nag-aanalyze kami ng adaptations, una yung nood bago basahin ang libro. Yun nga lang, the movie doesn't stand on it's own even if you have the previous movies for reference. Matagal ko nang nabasa yung
Order of the Phoenix kaya medyo nahirapan akong sundan yung movie. Para bang ine-expect nilang may background ka na talaga sa story habang pinanonood ang HP5. Eh importante pa naman tong OoTP tungo sa clarifications about the prophecy, the Harry-Voldemort connection, the significance of the Order, at iba pa. Eh hindi ako naliwanagan tungkol dito nung pinanood ko yung movie.

Eto pa: nakakainis yung score nitong pelikula!
(Yuck, ano namang alam mo diyan?) Pero kasi, may mga importanteng eksena na mas naging exciting sana kung swak ang lapat ng music. Tulad na lang nung na-diyaryo yung
mass-breakout from Azkaban. Pinakita na si Bellatrix Lestrange, embodying evil and all, tapos pagdating sa diyaryo, soft ang music. Won't you agree na magkakaroon yun ng "the Dark Lord is back" feel kung mabigat na *bam* *bam* *bam* ang banat ng orchestra? Isa pa, yung
diyaryo scene din after ng Dumbledore vs. Voldemort. Ito talaga, anti-climactic. Yung music dito eh para bang tapos na yung pelikula. Mas maganda siguro kung bawat lipad ng headlines, dark music na mabigat sa dibdib ang isasabay, diba? Edi nakakatakot kung ganun.

Bukod pa sa scenes na yun, about the musical score ulit, napansin ko kasing
nag-rely sila sa sound effects para buhayin ang Dept. of Mysteries sequence. Hindi kasi sapat yun. Sa tingin ko, music talaga ang susi para dito. Inexpect ko pa naman kasing maganda ang score nitong OoTP kasi sa trailer, ang heavy na nung Harry Potter theme. Akala ko, makakarinig ako ng maraming ganun sa pelikula. Hindi pala. At siyempre, makakalimutan ko ba yung
pinalitan nila ng music ang sigaw ni Harry nung namatay si Sirius? Naman! In fairness to Daniel Radcliffe, convincing na siya pag sumisigaw pagalit. Tapos muted ang sigaw niya for Sirius?! cammon! Hindi ko tuloy na-feel. Kahit sana delayed effect na lang yung sigaw, wag lang inalis.
There go my comments on Order of the Phoenix. Disappointing nga kasi para sa akin. Pero feeling ko naman, tama naman itong points na ni-raise ko.
(Assignment ito?) Hopefully, their adaptation of the
Half-blood Prince would be much much much better than OoTP. Same director pa rin pala. There are a lot of things I'm looking forward to in the HBP movie: the centaur, more of Luna, Snape's api-apihan memory, Draco transitioning into a Death Eater, revelations about Snape, Bill Weasley with Fleur, and the Ginny-Harry pairing. But if they fail to deliver Harry's quest for the Horcruxes and Dumbledore's "death," that movie would suck
(which I doubt anyway).