i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for July, 2007




First Day Fever
| 08:00 PM

posted in The Life of Gdwn


First day of work ko kahapon. Dapat ikekwento ko na ang aking adventures, kaya lang, literal na "First Day Fever" ang inabot ko.

Sunday night. Inuubo ako, masakit pa ang ulo. Itinulog ko na lang.
Monday morning. Wala naman, konting ahem ahem lang.
Monday, noon. Wala na akong boses. Dry cough Robitussin moment ito.
Monday afteroon. Mainit na ako. Lagnat na yata ito. Siyempre ayoko magdrama dun, baka pauwiin ako. Hindi pa naman ako sanay umabsent.
Monday night. Tulog agad. Tapos inom ng gamot. Mommy, I feel hot talaga.

Hanggang ngayon, nasa dry cough robitussin state pa rin ako. Ang sakit sa lalamunan, seryoso. Sa lagay na to, wala naman talaga akong ginagawang nakakapagod dahil online training lang naman ako. (Info overload, grabe!!!) Pero naman kasi, maginaw sa office. Eh dahil lamigin akong bata, natuluyan ako sa lagnat. To top it off, kasagsagan pa ng aking buwanang dalaw (at sabay sabay tayong sumigaw ng "Babae ako!").

Pero ok naman dun sa office. Happiness ang mga tao dun. Nakilala ko na nga rin yung pinsan ni Dianne. Shempre pinakilala ako sa depts tapos sharing sessions kung bakit ganun ang pangalan ko. Di bale, at least Gdwn ang pangalan ko dun! Kaya lang, yung email add ko ay othername_surname@companydomain. huhuhu. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng bonggang email add. Kahit nga yung supervisor ko, sabi dapat daw gdwn_surname na lang ang email ko. Eh hindi naman kasi itong Manila office ang may hawak ng ganyang accounts. Hmpf. BTW, bawal yata internet doon. Kelangan proxyhan pag external sites. For that, hindi ko na lang ia-attempt dahil baka wala pa akong isang buwan ay matanggal na ako sa trabaho.

Nung lunch time, sa food station ako kumain dahil wala akong baon. Naku, hindi rin naman pala kasarapan ang pagkain! (Kaya nagbaon na ako ngayon) Tapos, masakit na nga ang ulo ko, talagang full blast na sumi-Seether pa ang sounds. At kinagabihan pag-uwi ko, GnR naman sa jeep. Full blast kung full blast.

Ayun, buhay pa naman ako at hindi pa ako nabo-bore. Sa tuwing makikita ko kasi yung regular employees na naka-uniform, namo-motivate ako. Pag naririnig ko silang nagkekwentuhan about their out-of-the-country trips, lalo akong ginaganahan. hahaha. Maralita kasi.

O sige, ako'y magpapahinga na muna.
MALAPIT NA ANG HARRY POTTER PALA!!! Excited na ako sa Thestrals! At sige, sa kissing scene. hahaha.


[ gdwn ]




MG & AngTV: The Comeback
| 08:44 PM

posted in Entertainment / Fangirling


Dalawang palabas ang ibabalik sa TV next week: Meteor Garden at Ang TV.

*tears tears*

Hindi ko lang mawari kung bakit ngayon lang nila naisip gawin to?! Hindi ba dapat, nung summer yan para nag-enjoy ang mga walang pasok? Eh wala nga akong napanood na matino nung summer eh! Ok sige, hindi ako masyadong natuwa sa move na yan ng GMA kasi established na ang Meteor Garden w/ ABS. Pero bakit ko pa babatikusin kung balak ko rin namang panoorin?

Problema ko lang ngayon, hindi ko naman mapapanood! *tears tears* Wala naman akong abilidad na magteleport mula opisina hanggang bahay, at for sure, hindi ko aabutan ang 30-minute run ng Meteor Garden lalo na kung rush hour ang kalaban ko. (DVD na to!) Pero yung Ang TV, nakakapanghinayang talaga. Actually, ang pangit ng time slot niya. 9:30am during weekdays ito sa ABS-CBN. Eh sinong manonood nyan?! Hindi ba't dapat sa hapon yan para mapanood ng mga bata after classes? (Ay di ko rin pala aabutan pag ganun.) Hindi ba't dapat weekends ang ere ng Ang TV para sa mga ka-henerasyon kong sumubaybay sa palabas na yan dati?!

Siyempre, kami yung mga gustong makanood ng Ang TV ulit. Susmaryosep, kras na kras ko pa naman dun si Patrick Garcia! Yung braces niyang yun... yung hair niya... hahaha. Nakakainis! Wrong timing!


[ gdwn ]




The Great Bellatrix Lestrange
| 08:57 PM

posted in Entertainment / Fangirling


FINALLY, napanood ko na rin ang Harry Potter and the Order of the Phoenix kanina. Sa Sta. Lucia kami nanood ni Shin, at in fairness, maganda ang sinehan. Yun nga lang, na-disappoint ako sa movie. Ni hindi nga rin pinag-effortan yung closing credits! Ang tagal kong hinintay to, tapos ganun lang. Buti nga hindi ako nakipagsiksikan nung opening week!

Naligayahan ako kaagad sa first sequence pa lang. Ang ganda ng likod ni Daniel Radcliffe. hahahahaha. Ayoko lang yung hairstyle niya.

Nagulat ako kay Dudley Dursley. hahaha. Ang laki laki na niya! Ang laking bulas talaga! At nung nabiktima siya ng Dementor, sorry, pero ang naalala ko agad ay si Josh na anak ni Kris Aquino.

Nagandahan ako kay Tonks. Very reminiscent of The Craft. Yun nga lang, extra lang ang dating niya sa OoTP.

Na-excite ako dun sa flying over London scene nila Harry papuntang Headquarters. Hindi man ka-lebel ng Quidditch World Cup, pwede na rin. Hindi naman talaga kasi siya kelangang eksena.

The Thestrals. Hay naku. Ito ang isa sa mga pinaka-aabangan ko sa pelikula. Sad to say, hindi ko masyadong nagustuhan ang depiction nila sa thestrals. Naimagine ko kasi noon, black horses with wings lang sila pero glamorosa pa ring tingnan. Glamorosang tingnan pero may eerie feel of death. Dito sa movie, mukha silang dragong dinosaur! Tapos, hindi rin na-emphasize yung "You can only see them if you've seen death." Feeling ko kasi, dramatic ang dating nito sa hulihan kung nagkaroon ng reference sa thestrals na hindi nakikita ng D.A. noon pero dahil nga they've already seen death, nakikita na nila yung thestrals. Hindi naman mahabang oras ang kakainin nun kung binanggit ni Luna yung "...if you've seen death" tapos sinabayan ng angkop na music. Kaswal na kaswal kasi yung pagkwento ni Luna kay Harry tungkol sa Thestrals.

(The Characters)


Probably the best parts of Harry Potter and the Order of the Phoenix were the Dumbledore's Army vs. the Death Eaters and the Dumbledore vs. Voldemort scenes. They weren't great, but they surely were ice breakers from the boringness of the film.

Helena Bonham Carter was the bomb-best. (na fo-FOTNM na ako) Unang eksena pa lang ni Bellatrix Lestrange sa Azkaban, tumalon na ang puso ko. Seryoso! Although boring na naman yung scenes after the Azkaban break-out, sapat na yung eksenang yun para isustain ang interest ko for her next scenes. Sa battle at the Dept. of Mysteries naman, GRABE, napapangiti ako pag nakikita ko siya. Everything about Bellatrix Lestrange's characterization in the movie was perfect. Evil talaga. Yung presence pa lang ni Lestrange, sapat na para kainin nang buhay ang mga ka-eksena niya.

I expected more from the D.A. vs. Death Eaters scene, but the movie's version was acceptable. Less drama pero more action. Ang bilis kasi ng mga pangyayari, pero na-capture naman yung essence ng part na yun ng story. Nakulangan ako sa wickedness ni Lucius Malfoy, pero baka dahil lang yun nasasapawan siya ni Bellatrix Lestrange. Yun nga lang, yung ibang Death Eaters ay walang individuality sa eksenang yun. Parang Lestrange & Malfoy vs. D.A and the Order lang.

So that was how Sirius Black died. Naguluhan kasi ako dati sa death ni Sirius. Nung napanood ko itong movie, hindi pa rin ako satisfied. Yun na yun? Actually, kahit naman sa libro, yun na yun. Pero ang hirap lang kasing i-imagine yung eksena. So at least, dahil dito sa movie, nagkaroon na rin ako ng ideya kung anong nangyari.

The Dumbledore vs. Voldemort scene didn't come out as action-packed as I imagined, same with the graveyard scene in GOF. But this battle in OoTP had less impact. Kita nyo nga, hindi ko na maalala yung eksena. And Harry's sinapian-ako-ng-Dark-Lord scene was a bit cheesy. Ralph Fiennes did well with reeking of evilness though.


[break=In general...]In general...

Na-bore ako sa OoTP movie. Sige, pagbigyan na natin, since hindi naman talaga action-packed yung libro. Diba nga, puro pulitika at justifications tungkol sa different issues ang nandun? Given na hindi talaga ma-eelaborate ito sa pelikula, edi dapat medyo iba na lang yung approach na ginawa nila sa OoTP. Pero mahirap din naman kasi yatang iwasang maging dragging kung mag-eexplain ka. Kung ako ang gagawa, para maging exciting yung movie, ise-sensationalize ko yung battle at the Dept. of Mysteries at yung rebellion ng Weasley twins. Tapos maglalaan ako ng mga eksena para sa usapan ng Order of the Phoenix na andun na yung pinaka-thought at explanation ng issues sa OoTP. Ang dami kasing usap-usap sa movie na to pero masyado pa ring tagpi-tagpi para ma-gets yung thought.

Natutunan ko dati, iwasang i-compare ang movie sa libro. Kaya nga nung nag-aanalyze kami ng adaptations, una yung nood bago basahin ang libro. Yun nga lang, the movie doesn't stand on it's own even if you have the previous movies for reference. Matagal ko nang nabasa yung Order of the Phoenix kaya medyo nahirapan akong sundan yung movie. Para bang ine-expect nilang may background ka na talaga sa story habang pinanonood ang HP5. Eh importante pa naman tong OoTP tungo sa clarifications about the prophecy, the Harry-Voldemort connection, the significance of the Order, at iba pa. Eh hindi ako naliwanagan tungkol dito nung pinanood ko yung movie.

Eto pa: nakakainis yung score nitong pelikula! (Yuck, ano namang alam mo diyan?) Pero kasi, may mga importanteng eksena na mas naging exciting sana kung swak ang lapat ng music. Tulad na lang nung na-diyaryo yung mass-breakout from Azkaban. Pinakita na si Bellatrix Lestrange, embodying evil and all, tapos pagdating sa diyaryo, soft ang music. Won't you agree na magkakaroon yun ng "the Dark Lord is back" feel kung mabigat na *bam* *bam* *bam* ang banat ng orchestra? Isa pa, yung diyaryo scene din after ng Dumbledore vs. Voldemort. Ito talaga, anti-climactic. Yung music dito eh para bang tapos na yung pelikula. Mas maganda siguro kung bawat lipad ng headlines, dark music na mabigat sa dibdib ang isasabay, diba? Edi nakakatakot kung ganun.

Bukod pa sa scenes na yun, about the musical score ulit, napansin ko kasing nag-rely sila sa sound effects para buhayin ang Dept. of Mysteries sequence. Hindi kasi sapat yun. Sa tingin ko, music talaga ang susi para dito. Inexpect ko pa naman kasing maganda ang score nitong OoTP kasi sa trailer, ang heavy na nung Harry Potter theme. Akala ko, makakarinig ako ng maraming ganun sa pelikula. Hindi pala. At siyempre, makakalimutan ko ba yung pinalitan nila ng music ang sigaw ni Harry nung namatay si Sirius? Naman! In fairness to Daniel Radcliffe, convincing na siya pag sumisigaw pagalit. Tapos muted ang sigaw niya for Sirius?! cammon! Hindi ko tuloy na-feel. Kahit sana delayed effect na lang yung sigaw, wag lang inalis.[/break]


There go my comments on Order of the Phoenix. Disappointing nga kasi para sa akin. Pero feeling ko naman, tama naman itong points na ni-raise ko. (Assignment ito?) Hopefully, their adaptation of the Half-blood Prince would be much much much better than OoTP. Same director pa rin pala. There are a lot of things I'm looking forward to in the HBP movie: the centaur, more of Luna, Snape's api-apihan memory, Draco transitioning into a Death Eater, revelations about Snape, Bill Weasley with Fleur, and the Ginny-Harry pairing. But if they fail to deliver Harry's quest for the Horcruxes and Dumbledore's "death," that movie would suck (which I doubt anyway).


[ gdwn ]




MRT Pet Peeves
| 04:01 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


Isang linggo na naman ang nakalipas; limang araw ng pagsakay sa MRT. Dati, occasional lang ang pagsakay ko ng MRT. Ngayon, araw-araw na talaga. Jusko, mas nakakapagod pa nga ang biyahe kesa sa trabaho. Sanayan lang, pero ito talaga ang mga nakakainis:

  • Wet and wild hair. Ayaw ko talaga sa mga pasaherong basa ang buhok pag umaga, lalo na pag siksikan; lalo pa pag mahaba ang buhok. Feeling ko, lagkit na lagkit ako pag nadidikitan ako ng mga basang buhok nila. At pag face-to-hair encounter na ito, mahirap kaya huminga! Ok, alam kong walang pakiramdam ang buhok, pero kung ikaw yung pasaherong basa ang buhok at alam mong nasasagi ng ibang tao ang buhok mong basa, hindi ka ba maco-conscious? Kahit na lang para sa hygiene mo? Ano na lang yung hawiin mo panamantala yung buhok mong basa?

  • Wet and wild hair. Mas prominente sa jeep ang wild hair--yung nakakain mo na ang buhok ng katabi mo dahil feel na feel niya ang pag-ihip ng hangin sa kanyang buhok. Sa MRT, hindi naman ganito ang eksena. Walang hanging iihip sa buhok mo, pero may iba, talagang may-I-flip-my-hair ang drama. Hala, siksikan na nga, gaganun ka pa? May ganda ka naman ba sa kasalukuyan??

  • The Cubao Drama. Ito talaga, the best. Tuwing umaga, iba't ibang linya mula sa sari-saring pasahero ang maririnig mo sa Araneta-Cubao station. Sorry for the term, pero ang barbaro lang ng dating. Ok, hindi naman maiiwasan ang pakikipagsiksikan, pero sa Cubao, bayolente talaga. At kailangan ng mga dialogue tulad ng:

    "Umurong naman kayo sa loob, ang luwag-luwag pa!"
    "Padaanin nyo ako, may dala akong bataaaa!!!!"
    "Magpapasok naman kayo, pare-pareho lang tayong male-late!"
    "Ouch! Anubeeeehhh!!! Ouch, ouch, ouch!" (akala mo naman, mayaman)
    "Bakit ba ayaw mong umurong??" // "Nakikita mong wala na akong uurungan, naniniksik ka pa!"
    "PALABASIN NYO MUNA AKO!!!!"


    Ang problema naman kasi, yung mga pasahero from North Ave to GMA eh ayaw nang umusog papunta sa "joints" ng MRT cars. Gustung-gusto nila sa may safety hand rails, samantalang sa Taft pa naman ang baba. Either gusto nilang may kakapitan o gusto pala nilang nasasagi at nasisiksik ng ibang tao ang kanilang mga likuran. Anong malay ko kung fetish nila yan?

  • Pole dancers. Minsan, nakaka-engganyong hilahin ang buhok ng mga babaing niyayakap at sinasandalan ang poles sa MRT. Inaangkin talaga nila na para bang gustong iuwi ang bakal na kinakapitan. Baka nakakalimutan nila, free-for-all yun. Baka gusto nilang pahawakin yung ibang na-a-out-of-balance sa tuwing pepreno ang MRT.

  • Seat plan. Seryosong nakakabadtrip yung mga umuupo sa aisle ng MRT. Tolerable pa yung umuupo sa "extension" ng seats sa gilid. Pero yung nasa gitna ka at wala namang upuan doon, tapos uupo ka na lang bigla dahil pagod ka na... aba, wag kang mag-arti-artihan! Nakaencounter na ako ng ganito: sa aisle mismo at sa joints. Hindi ba nila nare-realize na mas malaki ang ino-occupy na space pag ganun? At wag nilang masubukang magdahilan ng nangangawit na silang nakatayo. Ang sarap tadyakan ng ganyan.

  • Balyahan moments. Gaya ng sabi ko, di maiiwasang magsiksikan. Pero yung mambalya ka, ang garapal naman yata. Enough said.

  • "Securing" a space. Napansin nyo, kapag may lalabas sa MRT tapos medyo lumuluwag na, ayaw magpatinag sa puwesto nila yung iba? Nakakainis talaga yung ibang ganyan na ayaw magpadaan. Usually, sa Shaw, Boni, at Guadalupe ko nae-encounter ito. Medyo maraming bumababa doon at alam naman siguro nung mga pasaherong luluwag na yung tren, pero ayaw talagang magpatinag, bawal daw magpadaan! One time kasi, napuno lang kasi ako dun sa katabi kong mataba na ga-troso ang braso. Umiiwas na lang ako pag halos nakasalpak na sa mukha ko yung braso niya. Pero nung bumaba na yung mga tao sa Shaw station, umurong pa siya palikod, away from the seats para "makaluwag" sa puwesto. Eh ako naman, nowhere to go kundi palikod din, kasi nga nakabakod siya at ang braso niya sa posibleng uusugan ko paharap. Eh may dumadaan pa sa likuran ko. "Puwedeng bumitaw ka muna diyan? May mga dumadaan pa sa likod, o."


    Yan na muna for now. Magdadagdag na lang ako pag may naalala pa ako o pag may na-encounter akong bago. 'Wag nyo akong mahirit-hiritan ng "edi wag kang sumakay sa MRT kung ayaw mong maexperience yan." Don't tell me, perfectly OK with you itong mga pinoint-out ko. belat.



  • [ gdwn ]



    powered by FreeFind

    TAGBOARD






    READABLES





    CATEGORIES

    The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

    Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

    What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

    Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

    Unclassified: least important / least interesting entries




    CHURVA

    Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

    Creative Commons License
    This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



    RiceBowl Journals
    A Pinoy Blogger






    image from wastedlyf