|
"Super" at "Huwaaaaaaatt?!"
Yan ang dalawang salitang laging ginagamit sa PBB2. Ewan ko kayo, pero ako, tingin ko super overused na yung dalawang yun. Huwaaaat?! Sabi nga ni CherMan, naaawa na siya sa "super" at sa "what." Kung tao sila, at kung maniniwala tayo sa sabi-sabi, malamang ay super nabulunan na si What at si Super. Huwaaaat?!
Dati, tuwang-tuwa ako sa "Huwaaaat?!" dahil sa Bubble Gang spoof ng Dove commercial. Tuwing nababanggit ang "Huwaaaat?!," nakakatawa pa rin. Akalain mong na-sustain yung pagiging funny nun over the years? Pero nang ma-witness ko ang "Huwaaaat?!" overkill sa PBB2 galing kay Bodie na hindi naman marunong tumayming, nagpantig na ang tenga ko sa salitang yun. Etong Bodie naman, sa halip na period or exclamation point ang punctuation ng sentences niya, "Huwaaaat?!" ang ginagamit. And that's just Bodie. Idagdag mo pa ang ibang housemates. O diba, super what.
I still find PBB2 entertaining though. O sige, hindi yung buong PBB, kundi yung ibang eksena, lalo na yung andun si Nel. Si Ate Nel lang naman talaga ang nae-enjoy kong panoorin doon eh. At kahit ayoko si Quebral (lalo na pag umiral ang high school love team nila ni Wendy), natatawa talaga ako pag tinutukso sila ni Nel. 'Diba, perfect? hahaha. (Katulad nyan... ang "Bongga" at "Perfect" ay naa-appreciate ko pa dahil hindi overused sa PBB. Sadyang si Nel lang ang gumagamit.)
2 weeks na lang at Big Night na. 2 weeks na lang at pito pa rin sila!!! Susmaryosep. Sa totoo lang, kung wala si Nel sa bahay ay hindi naman talaga nakakatuwa panoorin. Siguro kung elementary ako, matutuwa ako sa Mickey-Geeann-Bodie triangle. Kung sucker ako for love teams (kahit ano pa yan), kikiligin ako kina Bruce at Wendy. Kaya lang hindi ako ganun. At gaya ng iba sa peyups.com, na-feel kong niloloko ng ABS ang viewers nang ibalik nila si Wendy sa bahay. At sa pagbabalik niyang ito, napadalas ang pagmamaganda ng lola nyo. Gusto ko si Wendy dati dahil gusto ko ang bitchiness niya. Kaya lang, sumobra. Tapos ni-loveteam pa! At aba, nakalimutan yata niyang hindi sila boyfriend-girlfriend ni Quebral para mag-inarte ng ganun. Pero nanonood pa rin ako dahil nga kay Nel.
At hanggang diyan lang talaga ang kaya kong ibigay na opinyon. Kasi naman super wala akong makitang distinct something sa personalities nila. Huwaaaat?! Kung yung PBB Teen Edition ay nagmistulang alternative for SCQ, mas parang artista search naman itong PBB2. Super plastikan to the highest level. Huwaaaat?! Pero gaya nga ng sabi ng ABS, mas gusto nilang napag-uusapan ang PBB kahit nega, kesa hindi.
Hindi naman ako anti-PBB katulad ng iba, pero hindi rin ako PBB fan. Ang masasabi ko lang, natutuwa ako kay Nel.
|