Entries for June, 2007
Enrollment na naman
June 5th, 2007 | 02:07 PM
|
|
|
Well, hindi po ako ang nag-enroll, kundi ang kapatid ko. At dahil ako ay kabilang na sa mga unemployed, nainggit naman ako kay kapatid.
High school na siya. Ako, isip high school pa rin. Sumama pa nga siya sa enrollment nung inenroll siya ng nanay namin eh. Samantalang dati, hanggang 3rd year high school yata, nanay ko ang nag-eenroll sa akin! Seryoso, pinagsisihan ko kung bakit hindi ako sumamang mag-enroll nung first year high school ako. Nakakainis talaga. Grshk.
Anyway, 7-Mercury ang kapatid ko ngayon. HAHAHA. Wala lang, "Mercury." Hindi kasi madating. FYI, ang sections sa UPIS pag 1st year HS ay planets. Noon, Mars ang section ko. Ang ganda no? Astig kasi, madating pa. Parang Jupiter din. (BTW, yung words lang ang aking tinutukoy ha, hindi yung mga taong kabilang sa section na yun. Just so you know. Baka may bigla kasing magalit!)
Ito ang naging sections ko noon:
7 - Mars
8 - Butterfly
9 - Lithium
10 - Dao
Mars. Sailor Mars, Mars Attacks, Mars chocolate, Mars Ravelo. Gustung-gusto ko ang salitang "Mars" noon. Lima ang sections namin noon: Mars, Jupiter, Saturn, Earth, Mercury. Gusto ko rin nun ang "Saturn," kasi wala lang, madating rin. Pero napunta ako sa Mars; the red planet, the God of war. Astig. hahaha. At doon nabuo ang barkada namin. At dahil ito ang huling beses kong makaexperience ng heterogeneous section, I must say na iba talaga nun ang 7Mars. Etchos.
Butterfly. Ayoko talaga ng "Butterfly." Ang girly kasi, tapos parang ang lame niya. Ok, masaya naman kami sa section at malupet ang aming presentation noong Linggo ng Wika (diba, Bill?), pero "Butterfly" kasi. Hello?! hahaha. Yung ibang sections, Firefly, Cicada, Dragonfly, at Beetle. Gusto ko nun, Firefly, kasi may "fire" at dahil na rin sa kanta ng Sandwich na Alitaptap. Yung Cicada naman, title ng kanta ng Silverchair tapos wala lang, sosyal kasi. hahaha. Yung Dragonfly naman, gusto ko dahil sa "dragon." Pero Butterfly ako. It was so gay.
Lithium. Ayoko noon maging Lithium kasi may (mga?) tao akong ayaw na Lithium ang section dati. wahaha ang harot. Pero natutunan kong ma-appreciate ang "Lithium" kasi maganda pakinggan, maganda ring kanta (Nirvana, not Evanescence). Yung ibang sections ay Iron, Silver, Gold, at Calcium. Maganda pa rin talaga ang Lithium! At masaya ang section namin. I am a tank. hahaha.
Dao. Ang dao ay isang puno. Kabilang sa sections noon ay ang Acacia, Kamagong, Yakal, Narra, at Lauan. O diba, akala mo dorm lang. Lauan at Kamagong ang gusto kong maging section noon. Sexy kasi yung "Lauan" tapos madating yung "Kamagong.". Yung ibang sections, nagagawa nilang xLa1 / KMG / YKL / NRA yung kanila, tapos kami, DAO. Kamustanaman?! (Pero kami may "The O" para malandi!) At nang sumikat ang Meteor Garden, naappreciate ko ang "Dao" dahil kay Dao Ming Si.
Hay nako. Basta.
'03 Dominates!
Dahil kami'y may super powers and not just any powers...
|
Ms. Minola Oil
June 12th, 2007 | 07:34 PM
|
|
|
Gusto ko lang ikwento yung nakasakay kong babae sa MRT. Nasa early 20's siya, morena (akshali medyo maitim), average height, at nag-Minola sa labi. Naka-headset siya habang may kausap sa phone at telebabad ito. Siya lang talaga ang nagsasalita sa tren.
Ms. Minola: Ako nga eh... baka naman ako ang nakakaabala. hihihi. Ikaw talaga! Eh ano ngang position ng brother mo? Pointer? Ahh talaga? (tapos narealize yatang mali ang sinabi) So ano nga siya, point guard? hihihi. Talaga? Chobby ka. Putul-putol. Chobby ka! ("Chobby" talaga ang narinig kong sinabi niya, pramis. Inulit niya eh. Sana mali ang dinig ko.)
Talagang ganun, hagikgik lang siya ever. Pakiramdam ko, manliligaw niya yung nasa kabilang linya at nasa getting-to-know-each-other stage pa lang sila.
Ms. Minola: Kasi nga yung mother ko, ______ ang name. Tapos yung father ko naman, _____. Kaya _______ ang name ko. hihihihi... Ah, so taekwondo pala sport ng brother mo? hihihi akala ko naman basketball! Sige try ko pumunta minsan. Sagot mo pamasahe ko ha?
Ms. Minola: Ano ka ba! Hindi nga pwede eh! Gusto mo maghintay ka na lang sa labas? Ano ka ba! hihihi. Sige, magkita tayo... sa mata. hihihi. Eyes to eyes! Oo, Cubao station na ako. Oo kaya! Oo nga eh, kapit lang ako dito.
Hahaha. Talagang nasa getting-to-know-each-other stage sila. Hindi ko naman ginustong pakinggan ang usapan nila, pero siya lang kasi ang nagsasalita doon kaya dinig na dinig. Halos katabi ko pa. Tapos kahit pinagtitinginan na siya ng ibang tao, tuloy pa rin. For the sake of love; thanks to Sun's unlimited calls. Eh yung mga tao sa paligid namin, nababasa ko sa mga itsura na parang gustong sabihin na: "Ateh, ano naman yang drama mo?! Ang aga aga!"
Ms. Minola: O sandali lang ha. Mawawalan ako ng signal. Mapuputol ka. Walang signal dito sa Buendia eh.
For once, nang dumaan ang tren sa tunnel, tumahimik ang aming paligid.
|
Layout 5.0
June 17th, 2007 | 11:47 PM
|
|
 May bago na rin akong layout after 10 million days. Actually, pang-anim na template ko na to, pero dahil hindi ko masyadong kinaligayahan yung "Some Kind of Monster" template, sabihin na lang nating ito ang 5th ko. hahaha. (Ni hindi ko man lang nga nakuhanan ng screencap yun eh.)
Bale, ang pinaka-huli kong layout ay yung Corpse Bride. At kelangan talaga documented, no? Nasimulan ko na kasi kaya ituloy na lang natin. Pero ang favorite ko pa rin talaga ay yung unang-una kong template na Nightmare Before Christmas. Sa tuwing magpapalit ako ng blog design, parang lagi ko na yatang sinasabi na yung Nightmare ang favorite ko. Hindi naman ako Tim Burton fan niyan?
Yun lang naman. Dinocument ko lang. Bukas ko na lang ulit aayusin ang sabog. (At lately talaga'y walang katuturan ang posts ko.) Nakakaburyong sa bahay!!!!
|
PBB2: Super Whaaaat?!
June 18th, 2007 | 11:57 AM
|
|
|
"Super" at "Huwaaaaaaatt?!"
Yan ang dalawang salitang laging ginagamit sa PBB2. Ewan ko kayo, pero ako, tingin ko super overused na yung dalawang yun. Huwaaaat?! Sabi nga ni CherMan, naaawa na siya sa "super" at sa "what." Kung tao sila, at kung maniniwala tayo sa sabi-sabi, malamang ay super nabulunan na si What at si Super. Huwaaaat?!
Dati, tuwang-tuwa ako sa "Huwaaaat?!" dahil sa Bubble Gang spoof ng Dove commercial. Tuwing nababanggit ang "Huwaaaat?!," nakakatawa pa rin. Akalain mong na-sustain yung pagiging funny nun over the years? Pero nang ma-witness ko ang "Huwaaaat?!" overkill sa PBB2 galing kay Bodie na hindi naman marunong tumayming, nagpantig na ang tenga ko sa salitang yun. Etong Bodie naman, sa halip na period or exclamation point ang punctuation ng sentences niya, "Huwaaaat?!" ang ginagamit. And that's just Bodie. Idagdag mo pa ang ibang housemates. O diba, super what.
I still find PBB2 entertaining though. O sige, hindi yung buong PBB, kundi yung ibang eksena, lalo na yung andun si Nel. Si Ate Nel lang naman talaga ang nae-enjoy kong panoorin doon eh. At kahit ayoko si Quebral (lalo na pag umiral ang high school love team nila ni Wendy), natatawa talaga ako pag tinutukso sila ni Nel. 'Diba, perfect? hahaha. (Katulad nyan... ang "Bongga" at "Perfect" ay naa-appreciate ko pa dahil hindi overused sa PBB. Sadyang si Nel lang ang gumagamit.)
2 weeks na lang at Big Night na. 2 weeks na lang at pito pa rin sila!!! Susmaryosep. Sa totoo lang, kung wala si Nel sa bahay ay hindi naman talaga nakakatuwa panoorin. Siguro kung elementary ako, matutuwa ako sa Mickey-Geeann-Bodie triangle. Kung sucker ako for love teams (kahit ano pa yan), kikiligin ako kina Bruce at Wendy. Kaya lang hindi ako ganun. At gaya ng iba sa peyups.com, na-feel kong niloloko ng ABS ang viewers nang ibalik nila si Wendy sa bahay. At sa pagbabalik niyang ito, napadalas ang pagmamaganda ng lola nyo. Gusto ko si Wendy dati dahil gusto ko ang bitchiness niya. Kaya lang, sumobra. Tapos ni-loveteam pa! At aba, nakalimutan yata niyang hindi sila boyfriend-girlfriend ni Quebral para mag-inarte ng ganun. Pero nanonood pa rin ako dahil nga kay Nel.
At hanggang diyan lang talaga ang kaya kong ibigay na opinyon. Kasi naman super wala akong makitang distinct something sa personalities nila. Huwaaaat?! Kung yung PBB Teen Edition ay nagmistulang alternative for SCQ, mas parang artista search naman itong PBB2. Super plastikan to the highest level. Huwaaaat?! Pero gaya nga ng sabi ng ABS, mas gusto nilang napag-uusapan ang PBB kahit nega, kesa hindi.
Hindi naman ako anti-PBB katulad ng iba, pero hindi rin ako PBB fan. Ang masasabi ko lang, natutuwa ako kay Nel.
|
Solar Boy in the Making
June 19th, 2007 | 05:55 PM
|
|
|
"Solar Boys" ang tawag ng batch namin sa mga upis06 na mahilig mag-basketball. "Solar," dahil kahit tirik ang araw ay naglalaro sila at dahil bukod sa maiitim ay amoy araw na rin sila. Bukod pa diyan, maliliit ang mga batang ito pero maangas. Nambabangga nga ng Boyband ang mga yun eh. hahaha. Sumikat din yata ang terminong ito at kahit mga guro, alam na ang ibig sabihin ng "Solar Boys." (Naaalala ko pa ang reaction noon ni Ma'am Abad dash Perillo dahil pag papasok sa klase niya ang Solar Boys, talaga namang bumabango ang simoy ng paligid.)
Every batch naman sa UPIS ay may group of kids (kids talaga??) na mahilig nagbabasketball. Pero hindi sing-tindi ang tolerance nila sa araw katulad ng tolerance ng 06. Kaya siguro nang dumating ang upis06, tsaka lang nabuo ang "Solar Boys" term. Hindi ko na rin maalala kung saan nagsimula yang pagtawag sa kanila ng Solar Boys, pero I'm sure na hindi sa akin yan. hahaha defensive? Grabe kasi talaga sila. Basketball in the morning, basketball during lunch break, basketball after classes, and basketball even when night falls. Minsan pwede rin silang tawaging Lunar Boys.
(Nakikita nyo na ba kung saan ang patutunguhan nito?)
Solar Boys. Hindi ko alam ang mga pangalan nila, pero pag nakita ko sila somewhere, hindi ako magkakamaling Solar Boys sila. At ngayong high school na ang kapatid ko.... huhuhu... nagiging Solar Boy na rin siya. Ok, sige, wala naman akong proof na basketball all the time ang drama niya, pero pag umuuwi yun sa hapon, bigla akong nagkaka-flashback ng Solar Boys scenes.
Susmaryosep. Nognog na nga ang kapatid ko, uuwi pa nang nanlilimahid. Tapos may pimple pa sa gitna ng ilong. huhuhu. How sad. Tapos pinamba-basketball pa niya ang school shoes niya. Lagot yan sa nanay namin pag ilang linggo lang ang itinagal ng sapatos niyan.
Solar Boys. Institusyon na kayo.
|
The Etymology of Chorva
June 21st, 2007 | 01:45 PM
|
|
(from a forwarded email, sent by Ate Chelle. Inedit ko na rin yung ibang parts. Kung gawa mo ito, sabihin mo lang. Napaligaya mo ako. haha.)
CHORVA has its etymology from the Greek word "cheorvamus," meaning "for lack of the right word to say," or "in place of anything you want to express but cannot verbalize." Ibig sabihin pala, siya ay parang "aloha" sa wikang Hawaiiano, which can mean many, many things.
"Chorva" can be used as:
Noun: "ano" / "kwan" / "or something"
"Ate Glow, kelan yung birthday chorva ni Big Mike?"
"Hoy, Vicky to, whatcha gonna wear ba? The sporty or the chinese chorva mo?"
Adjective: used if you want to be polite.
"Ang chorva naman niyan!"
(So, ano ba? Pangit ba o maganda? Baduy ba or maarte? They will never know what you really mean.)
Verb: can replace any verb
"Chorva lang ng chorva!"
"Chorva" is such an amazing word; it lets you choose your own adventure. At least, you will never be accused of putting words in somebody else's mouth. If you don't have anything to say, or you can't find the right word to say, or you want to say something but you don't know how to say it, just say
CHORVA!
Variations: Chuva, Chenes, Chenelyn
|
May Trabaho Ka!
June 26th, 2007 | 06:48 PM
|
|
Sa Lunes, July 2, hindi na ako kabilang sa mga unemployed. Matapos ang ilang buwan ng pagiging patabaing baboy, may trabaho na rin ako. Siyempre, mami-miss ko ang movie & series marathons, ang Internet, at ang simpleng paghilata sa kama, pero na-eexcite na rin ako magtrabaho. Kasi naman 'no, July na at may pasok na sa schools. Feeling ko dapat may pasok na rin ako! Isa pa, excited ako dahil ang sarap ng feeling na natanggap ako sa company na effortful ang application process. Di lang interview at exam yan ah, parang ACET pa yung exam! (At di nga ko pumasang ACET noon eh. hahaha)
Mukhang enjoy naman doon. Ok kami ng 3 ko pang kasabayan at hindi naman stiff yung employees. Marami din daw taga-AIT, hindi ko nga lang inabot. At aba, dun din nagtatrabaho yung boarder namin dati! Di ko nga lang siya maalala kasi elementary pa ako nun at sanggol pa lang yung kapatid ko. Ganun na katagal.
Pero dahil probie pa lang ako, wala pa akong uniform! huhuhu. Isa yun sa habol ko dun eh! hahaha. Kaya talagang dapat regular na ako after the probie period para makakuha na ako ng uniform. Sa ngayon, pwede naman daw ang blouse & slacks/skirt. Nagpatahi na nga lang din ako dahil nga special ako. Tapos magtia-tiangge kami ni inay sa Sabado para sa mga blouse. Kasi naman, kung branded blouses ang bibilhin ko, aba, di pa ako sumu-sweldo ay mamumulubi na ako!
Yun nga, hindi strict sa uniform at sa hair style na rin! Wahahaha pwede na akong magpagupit at magpa-relax at maglugay ng buhok! Yehessss! Kasi nung practicum ko sa hotel, strict sa uniform kahit back-of-the-house. Forever akong nakatali nun at ang mga kulay ng blouse ko ay blue, black, at white lang. Ngayon, I can color my world. Happiness.
(On Prison Break)
|
Quote of the Day
June 27th, 2007 | 03:38 PM
|
|
Kanina sa Game Ka Na Ba?, ang contestants ay stand-up comedians and sing-along masters. Bawat isa sa kanila, may quotes sa introduction. Dito ako sobrang natawa:
Walang baklang pangit sa lalaking gipit. - ACE
Hindi nga lang nakasama si Ace sa mga maglalaro.
|
|
|