First time kong makarating sa Enchanted Kingdom noong Lunes, May 6. Sobrang delayed na nga nitong entry ko. Paano ba naman, wala pa rin sa akin yung pictures namin galing digicam. ahuuuummm. Anyway...
Ito yung pinaka-goodbye gimik namin for Charm, who's already in London, riding double deckers and enjoying Internet-to-sawa for 1Pound. Perfect goodbye gimik to kasi takot yun sa heights, takot sa rides, at sa mascot. hahahaha. hahahaha. Ako naman, siyempre first time, at matagal ko nang pangarap mag-EK. Nainggit kasi ako sa kapatid ko kasi nung Grade 4 (?) siya, nag-field trip sila dun. Samantalang yung batch namin, ang mga field trip ay sa Botanical Garden, IRRI, Intramuros, at Bangko Sentral lang. Sabi nila dapat daw educational! Namaaaan!!! Bawal mag-enjoy? Kaya noong kapanahunan namin, todo-bonding sa bus. Dun lang kasi masaya.
Ok, ang dami kong side comments. As I was saying...
Yun nga, nag-EK kami. Una naming pinuntahan ang
Flying Fiesta (feeling naka-droga) at
Rialto. Warm-up daw para hindi kami mabigla sa rides. JOSKO, ang korni naman nung Rialtong yun! At talagang inabisuhan ako ni Paula:
"Kailangan, i-feel mo yan ha. Dapat OA. Kapag di mo fineel, makokornihan ka talaga."
(Space Shuttle)
[break=Geoff Eigenmann]Sunod, uminom kami. Ay sila pala. Wala akong pera eh. hahaha. Tapos nag-
Pirates4D yata kami then
Roller Skater (pambata yata to eh). Tama ba ang sequence ko? Hindi naman kasi masyadong enjoyable yung Pirates. Nakakatuwa pero hindi sobra. Slapstick kasi. Tapos yung na-experience ko dun sa theater seats na yun ay pwedeng-pwede ko namang ma-experience kapag sumakay ako ng Katipunang jeep na bumibiyahe pag gabi at kaunti na lang ang sakay. Yung Roller Skater naman, hindi kasi tulad ng shuttle ang loops kaya hindi masyadong *whoa.* Pero enjoy! Dahil nga sumakit ang mga panga namin kakasigaw sa Space Shuttle, tinry naming from the diaphragm naman ang pagsigaw dito.
(oo, may iniisip pa kaming ganung factors.) For that, all throughout the ride, sumisigaw kami ng "Margaret." Margaret, as in yung pangalan ni Heart Evangelista sa teleseryeng "Hiram," yung kasama si Geoff Eigenmann. And yes, inspired by Geoff Eigenmann ang sigaw naming "Margaret" na tunog dugong.[/break]
[break=Chubibo]Ok, kung tama ang sequence ko, Nag-
Ferris Wheel kami sunod. Para makapagpahinga after kumain, in preparation for Anchors Away. At etong si Charm, may arti-artihang factor na hindi raw niya kaya yun. After niyang mag-shuttle, di pa rin siya confident na kaya niya yun. Still, hindi ko minahal yung chubibo as I thought I would. Nakakakaba pala kapag mababa yung harang ng cars. Hindi tuloy ako makapagpicture nang maayos sa views, at lahat yata ng pix namin ay halata ang kaba sa mata. Pero boring siya ah. Mas enjoy ko sana yun kung nakakagalaw ako sa loob ng car nang hindi nate-tense malaglag. Try kaya nila maglagay ng new feature na pwedeng mag-bungee jumping from the top car? wahehe.[/break]
[break=Date sa Lake + the Predator]Sunod, nag-
Swan Lake kami. Ayoko nga patulan to eh kasi para naman kaming nade-date nun! At puro lovers yung mga nakita namin. Lovers o kaya nanay at anak na bata. Pero pinatulan namin, in preparation for Anchors ulit. hahaha. Si Grace ang kasama ko sa Swan. Baka kasi tumaob, eh para may sasagip sakin. hahaha loser. In fairness, na-enjoy ko siya! Hindi naman kasi pala mabaho yung tubig at nakakatuwa lang mag-pedal. Para kang nag-work out. Nung matapos yung oras namin, pawis na ang aming mga mukha.
At idagdag mo pa diyan yung dancing tribe cheverloo na bumubuga ng apoy. Saktong pag-ahon namin sa Swan Lake, performance na nila. Puhunan din nila yung long hair nila eh. hahaha. Long hair, as in pre-Californication Anthony-Kiedis-long-hair. At siya talaga ang naiimagine ko nun. Gustung-gusto ko yung make-up ng isang dancer doon, parang yung Predator. For that, nagpa-picture kami kasama nila.[/break]
[break=Anchors Away]So yun na. Prepared na kami.
Anchors Away na. Bakit nga ba kelangan mag-prepare? Eh parang swing lang yun diba? hahaha. Yung similar ride kasing nasakyan kong ganun, sa Paskong Pasiklab. Ateh, hindi solid ang "floor" nun ah. Ewan ko, hindi naman ako kinabahan. And so the time for AA came. Sabi ni Charm, di niya keri sa dulo, kaya sa bandang gitna kami pumwesto. Exciting! hahaha. Sabi namin, mag-"Margaret" ulit kami para hindi ma-stress ang panga. Aba 'ning, pagswing pababa nung ride, napa-Margareeeeeeetttttt! kami!
(Supposedly, Maaaaaaargaret yan.) Ang tagal nung swing ah. Ang sakit sa tenga everytime bababa. Etong si Charming pa, panay ang padyak sa floor. hahaha.[/break]
[break=Log Jam]Sunod, nag-Log Jam at Rio Grande kami. Gabi na kasi, last set of rides na kaya basaan galore na. Nung nalaman kong walang belts sa Log Jam, kinabahan ako
(naalala ko yung Star City)! Pero nung naalala ko yung logjam pic ni nanay at kapatid, keri lang. haha. Ano ba ang goal namin sa
Log Jam? Well, siyempre, makapagpa-picture nang maayos. hahaha. So nasa baba pa lang kami, hinahanap na namin yung camera at pina-practice yung left-right combi namin. Eto ang kinalabasan:[/break]
[break=Rio Grande]Nakakainis, hindi ko natantsa. Feeling ko kasi, matatakpan ako ni Grace kaya ganyan yung leeg ko. In effect, si Pau ang natakpan ko, at mukhang puputok ang mga litid ko. Hay. Tapos, ang daya, naka-ngiti sila! Akala ko dapat may sigaw factor! huhuhu. Kaya ayan, sigaw pero may ngiti ang mata. Dapat nga magra-round 2 pa kami eh. Para sa picture. Pero di na lang. Yung mga pinsan & sis ni Grace, umulit! Yes, para sa picture. And they did take a much better one. Astig talaga, pwedeng palitan yung sample pix sa booth!
So after Log Jam,
Rio Grande naman. Ready na kami talaga magpakabasa nito. Ok naman siya, pero mas naliligayahan kasi ako sa rides talaga. Yung makalaglag-puso at makaputok-tenga. Seriously, naha-high ako sa ganun. Gusto kong ulitin nang tuluy-tuloy. Bakit ba kasi kelangang pumila pa ulit?! So ito ang Rio Grande pics namin:[/break]
[break=Round 2]Yes, twice kami diyan. Para sulit naman diba? Actually, ayaw nila akong paalisin nang hindi nababasa. wahehe. Special kasi ako. Soaked na sila nung first round, tapos ako, 2nd round na ay likod pa lang ang nababasa. Ako lang din yata ang may tuyong sapatos. At si Grace, talagang mahal ng tubig!
Pagkatapos nun, balik kaming Space Shuttle para "magpatuyo." Dapat din, isa pang round ng Anchors, kaso napagsarhan na kami.[/break]
ENJOY. SOBRA.
Nag-overnight kami ni Charm kina Grace after ng EK escapades. Si Charm, being the narcoleptic that she was, tinulugan kami agad. Ako naman, nanood ng
Final Destination III. hahaha. So feeling ko, bahay ko yun no? FDIII nalang kasi ang di ko pa napapanood sa trilogy at gusto ko lang makita kung may impact pa rin. Balak ko ngang i-marathon yung tatlo (o kahit i-scan lang ang Devon Sawa scenes) kaso madaling araw na nun at tulog na sila. Owel, talagang first sequence pa yung moments sa fair, eh no? Kung napanood yun ni Charm before the EK trip, hindi na yun sasakay sa kahit aling rides. hehehe.
[break=Final Destination]Compared to FD I, nalamyaan talaga ako sa II & III. Yung dalawang yun ay ginawa na lang talaga para manindak and to gross out the viewers.
(And FD III was the least gross of the three) Aabangan mo na lang yung freak accidents, titingnan kung maganda ang prosthetics at execution, tapos kakalimutan mo na.
Story-wise, wala nang kwenta. Kasi andun na yung premise na may taong nagkakaroon ng vision (at the start of the movie) tapos may makakaligtas sa freak accident na yun kaya hahabulin sila ni Kamatayan. Sana Maulit Muli. Sa FD II & III, hindi ka na mag-iisip. Hindi ka na magdududa kung totoo ba yung sinasabi ng bida about Death's Design. Wala ka nang theories whether praning lang ba yung bida, o kung may tao ba behind the freak accidents, o kung paano yung Death's Design. At kelangan talagang may reference yung FD II & III dun sa flight nina Devon Sawa nung FD I. hahaha. Lokohan! Kung gusto mo ng ganitong klaseng movie, I suggest, Final Destination I lang ang bilhin mo. Hindi naman ganun ka-special kasi ang freak accidents sa II & III kasi masyadong pilit.
At dahil sa pinanood kong yan, napanaginipan ko yung Final Destination 3. hahaha. At naku, after a looooooongggg time, noon lang ako ulit natakot sa panaginip. Kasi kaming superfriends ang bida eh. Roller coaster sequence tapos kami ang characters. Natakot talaga ako nun tapos nagigising na lang ako bigla. Pinipilit ko talaga pumikit.[/break]
Ay, nakalimutan kong banggitin: Nung nagdi-dinner kami, nakita namin si
Ian Veneracion & his family at yung isang artistang malaki ang katawan na may kasamang (ex-) bold star. Suki ng Star Talk yung (ex-) bold star, hindi ko sure kung si Ana Lea ito. Yung lalaki, sabi ni Paula ay goon daw sa TV & movies, pero feeling ko hindi. Feeling ko nasa sports show siya. Kelangan talaga may artista factor!