|
(Oo, magkakaroon pa ng "Pogi Rock II")
May nadaanan akong blog kung saan inacknowledge ng may-ari ang kanyang sarili bilang Callalista, HALEr, 6cycleminder, Spongecolanian, at Hileran. Blog pa lang niya kasi ang nakikitaan ko ng ganun karaming "fan labels" kaya nun ko lang din nalaman yung katawagan sa fans ng ibang banda. "Haler" lang kasi ang alam ko noon.
Hindi ko naman siya tinitira as a person. Hindi ko lang mawari kung bakit ganyan ang tawag ng fans sa kanilang sarili. Nakakatawa kasi, dahil sa Pinoy bands lang yata ganyan; enlighten if I got it wrong.
Nung una ko talagang mabasa ang "Haler," akala ko, "haller," as in hello?! Tapos nagsunuran na yung para sa ibang banda. Pero napansin ko lang din, ang mga bansag na ito ay nilalapat lamang sa mga bandang "pogi rock" -- yung may maraming bashers dahil hindi naman daw magaling at puro papogi lang. "Daw," dahil wala naman ako sa posisyon para sabihan silang hindi magaling. Pero nasa posisyon naman siguro ako para sabihing hindi sila pogi. hahaha. Anu't ano pa man, hindi ko rin sila gusto.
Pero bakit pag foreign bands, wala yatang ganitong factor? Sorry, pero natawa ako ng sobra sa "Spongecolanian." Parang school kasi; tipong Atenean, St. Scholastican, ganun. So institusyon na ang Spongecola nyan? hahaha. Going back, yun nga, sa foreign bands... Ako, gusto ko ang Silverchair at Garbage. So kung fan nila ako, ang itatawag ba sa akin ay Silverchairista or Garbager? Eh kung fan naman ako ng Hole... tatawagin ba akong Holer? hahaha. Malamang hindi, diba?
Yun lang naman. Curious lang.
|