Entries for April, 2007
Hello, Summer Vacation?
April 2nd, 2007 | 08:56 PM
|
|
Finally, tapos na ang semestre ko. Matapos ang ilang buwang pa-aasikaso ng thesis at ilang linggo ng pag-aayos ng 198 (Alam nyo ba yan? Maganda lang kasi i-type ang numero, tingnan nyo), ganito na ang itsura ko:
Nakakaawa, ano? hahaha. Ikaw ba namang tutok forever sa computer at nagbabasa ng mahabang teksto, di ka kaya magkaganyan? Buti yung thesis namin, naenjoy ko. Eh yung 198 namin, masakit sa kalooban for various reasons. Aba, mahirap yata mag-ayos ng sentences na malabo ang thought at construction. Bukod sa masakit ito sa bangs, nakakakunot rin ng noo (permanently) at nakakapantig ng tenga kahit written lang ito. Mabuti't may Mean Girls sa aking tabi na nakapagpalubag ng loob ko. Salamat, from the bottom of my violently throbbing heart.
Charm and I. Hindi kami proud sa thesis namin (na may colored pages), ayaw naming mag-pose a la promo girls, at ayaw namin ang blue-and-pink color combi ng MMDA. Ayaw din ni Charm sa pearl earrings.
Still, mabuti lang talaga at tapos na ang sem ko. In fact, nung Saturday ay may trip ang org namin sa Batangas. Supposedly, coastal cleanup yun. But no... ang lagay eh wumitness lang kami ng lingkisan moments. So instead of being an org activity, parang yung Batangas trip namin ay naging bonding session lang for me, Leng, Gaor, Shin, and Charisse. Nevertheless, masaya pa rin ang trip. Nanghihinayang lang kami (ni Charisse) dahil walang underwater camera at hindi kami nakapagpicture ng corals nung nag-snorkel kami. Bongga, malalaki talaga sila. And being MS1 students, may-I-identify naman kami ng types and species of corals. sankapa. Yun nga lang, sumakit ang katawan ko dahil doon. Eh hindi naman kasi ako marunong lumangoy kaya nag-life vest ako. Nakakapagod pala lumangoy against the waves pag wala kang tinatapakan. Masakit din palang gumasgas sa corals. hahaha. Kaya nga twing nagbi-beach ako, pinababaunan ako ng mga pasa at galos. Ang ganda tuloy ng talampakan at ng legs ko.
In just a few weeks, officially out of college na ako. Pinapalayas na nga ako dito sa amin. In fairness to me, for final interview na ako sa PAL. Di ko nga lang alam kung papatulan ko pa kasi tinatamad na akong maglalalabas. Tapos bibili pa ako ng grad gown (Gown talaga? Kasal?). EH GUSTO KONG MAGPAHINGA!!! Naku ha. Sa 4 years ko in college, hindi man lang ako nakaranas ng summer vacation. Nung 1st year ako, CWTS. 2nd year, six units + PE. Nung 3rd year, practicum. O diba, saan ang social life ko don?
Grabe, pagod talaga ako. Kelangan ko ng beauty rest dahil naka-protrude na ang mga buto ko sa iba't ibang bahagi ng aking upper body. Kaya hangga't may oras pang magpahinga, kelangan ko talaga sulitin yun. May time pa ako para matulog, tumunganga, at higit sa lahat, magpakalunod sa Prison Break. (Season finale na bukas! Bitinan na naman ito.) Hindi ba't ang gwapo gwapo ni Wentworth Miller sa Michael vs. T-bag scene sa Ep21? hahaha. Pasensya na friends, kinailangan ko lang ilabas. *ngiti bigla then faints*
|
A-B-C...-Z
April 5th, 2007 | 12:22 PM
|
|
Ok, dahil wala rin akong magawa at gusto ko lang magtype, kinopya ko ito mula sa blog ni ~betch:
THE LETTER A
Are you available?: No. chuva!
What is your age?: 20
What annoys you?: "Nothing, really." hahaha. Sige, truthfully, ilan lang to: excessive use of text lingo, jumping jologs, jumping jologs fashion, people who are downright hideous but think and act as if they're hot
THE LETTER B
Do you live in a big house?: No. NO talaga.
When is your birthday?: December 10
Who is your best friend?: I don't have a BEST friend, but I do have a lot of close friends.
THE LETTER C
What's your favorite candy?: I don't like candy.
Who's your crush?: Anubeeeehhhh!!! Si Wentworth Miller.
When was the last time you cried?: Last Saturday (or Sunday ng madaling araw), during our Batangas trip. Related to acads, wag nyo na itanong. rawr.
(D-Z)
|
Pusang Ligaw
April 11th, 2007 | 03:17 PM
|
|
8:30am yung final interview ko sa PAL kahapon. "Ko," as in ako lang ang taga-AIT don. Ibig sabihin, wala akong kasabay papunta't pauwi ng Makati. *tears* Kaya ipinahatid na lang ako ni Tatay dun sa friend/officemate nila. Nakarating naman ako ng maayos sa Makati office ng PAL, at siyempre, may-I-pairal naman ng aking friendliness.
So dumating na ang inassume naming mag-iinterview sa amin. Sabi niya, i-e-endorse na lang daw niya kami sa airport. So easy-easy lang ako. After ilang cheverloo ng explanation about the interview, aba, ABA... medyo kumabog na ang dibdib ko nang biglang sinabi sa amin kung paano pumuntang airport at kung saan mismo ang interview. YUN NA. Nag-sink in sa akin na pagko-commute ang labanan. Akala ko pa talaga ihahatid kami. But no! Sariling sikap ito. Seryoso, ginusto ko nang mag-back-out nun. Tapos tinext ko na ang mga kaibigan ko at magulang ko kung paano uuwi from NAIA2. *tears tears*
Papuntang airport, sumabay na lang ako sa co-applicants (school org ito, ateh?) kong sina Sheryl & Jess. May kotse naman. At sankapa... di rin marunong sa direksyon ang mga yun. Di rin nagko-commute. hahaha. Pauwi, kami uli ang magkakasabay tapos nag-taxi na lang pa-Glorietta. Adventure talaga. Under the scorching sun.
(Ang loser ko talaga kahapon)
|
Council Issues
April 17th, 2007 | 03:01 PM
|
|
|
Dahil friends ko ang nasa student council ng AIT at ako lang yata ang nalalapitan nila para tumulong sa kanila ng walang bayad, game lang ako makipagtrabaho with them. Sa college grad namin this Thursday, ako yung nakatoka sa AVP. So keri lang gawin, nakakaawa kasi yung batch rep naming super haggard na.
Kanina sa grad rehearsal, kinausap namin ni batch rep yung college secretary kung kailangan pa bang ipakita sa kanya yung AVP. Hindi ko kasi kayang tapusin by tomorrow yun. So sabi ko in a nice way naman, "Kailangan nyo pa po bang tingnan yun? Wala naman pong profanity o anuman." Pero wag ka... pinagtaasan kami ng boses! Aba, sa buong buhay ko, di pa ko kinagalitan ever ng guro! Naman! Kahit nga dating involved ako nung na-pellet gun yung kaklase kong apo ng teacher, hindi rin ako kinagalitan! Tapos dahil lang sa lintek na AVP na hindi ko naman talaga dapat ginagawa, sisigawan ako?! Cammon! Kaya naman pala sila nagkakainisan ng council eh.
Sabi niya, they have to screen everything. I get that, but I was just asking if he had to see the video tomorrow, kasi if he really needed to see it, I could give him clips from the AVP. My point is that I might not be able to get it done by tomorrow within office hours, kaya ko tinanong kung kelangan pa ba niya makita. Eh hindi man lang kami binigyan ng room para magpaliwanag, kung namisinterpret man niya yung sinabi ko. Sana ang sinabi ko na lang pala ay "Anong oras po bukas nyo kailangan yung AVP?" na siyempre, di ko naman maiisip agad dahil nga mukhang di ko matatapos. Siguro ang dating sa kanya eh ayaw namin ipakita yung AVP simply because ayaw namin. Eh may issues kasi yata ang council namin at ang admin, so baka isa yun sa dahilan. Eh ang sakin lang naman, wala naman akong pinapanigan sa anuman. In fact, wala akong pakialam sa kanila and everything about the college that doesn't and will not affect me directly. Kaya yun, nagulat lang ako na tinaasan niya kami ng boses. Pwede naman sabihing "Yes, I need to see it tomorrow," edi kung ganon, gagawin ko talaga.
So ayan, nagkausap na yung council at ang college sec. Di na raw niya titingnan bukas yung AVP. Siyempre, feeling ko naman ang sama ko. Feeling ko ako may kasalanan kung bakit ganun at hindi na masasama sa screening ang AVP ko. Feeling ko tuloy super involved ako. kamustanaman. Ang init init na nga ng panahon, ganyan pa. Hmpf. Eh hindi naman kasi ako binigyan ng deadline ng council. Eh council ang nagpagawa sa akin so sa kanila ako naghihintay ng instructions.
Naku, wag lang nila masubuk-subukang hindi ipalabas yung AVP ko. Imbes na nagbubuhay baboy ako sa bahay eh yun ang ginagawa ko. Tsaka 9 minutes na ice-breaker din yun para sa boring na grad rites. Pag di nila pinalabas yun, magpapabayad ako!
|
Cute si Inang Ai-ai
April 18th, 2007 | 05:56 PM
|
|
Ok, delayed entry. Spoilerish din.
Pinanood namin yung Ang Cute Ng Ina Mo nung Monday. At talaga namang it was the best way to start my week. Hindi naman talaga siya comparable sa Ang Tanging Ina kaya hindi ko masasabi which movie is better than the other. Ang masasabi ko lang, Ang Cute ng Ina Mo is really funny. Walang dragging moments para sakin. Pag drumadrama na, babanat sila ulit ng patawa.
Eugene Domingo is the best. Hanep sa Australian accent. All throughout the movie, ganun siya. Panga ko tuloy yung sumakit. Yung facial expressions din niya, sobrang nakakatawa talaga. Animated! hahaha.
 Sabi ni CherMan, parang ako si Eugene Domingo nung nagtatatarang siya dahil sa kilig sa crush niyang si Junjun (John Lapuz). Napagtanto ko, oo, parang ganun nga ako. hahaha.
 Si John Lapuz ay hindi nag-stand out sa movie na ito pero gustung-gusto ko yung mga eksena niya. Nakakatuwa kasi yung mga linya niya. Kaswal lang. hahaha. Favorite scene ko ni Junjun yung nung pumasok siya sa kuwarto niyang may posters ng male models/celebs tapos hinaplos at dinasalan niya ang mga yun. hahahahahahahaha. Grabe talaga yun. Sino bang makakaisip na gawin yun sa pelikula? wehehe.
 Naappreciate ko dito sa Luis Manzano, as the ampon named Val. (Oo, si Val. Si Val na walang malay, si Val na ang tanging kasalanan lang ay maging anak sa labas.) Tuwang-tuwa ako sa attitude niyang "Gwapo ako at maraming nahuhumaling sakin." Para sa akin, hindi naman siya kasarapan, pero dahil maayos ang pagganap niya sa ganung role, nakakatawa naman.
 Fave scene ko ni Val yung drama scene niya sa may pinto. Yung sandal muna bago slide down. The fact na gasgas na ang eksenang ganito at ginamit pa nila sa malupit na comedy movie, nakakatawa na. Gusto ko rin sana yung "I never said that I loved you" sequence, kaya lang hindi tama ang timpla ng delivery. Sana, as in ginaya na lang niya yung pagsabi ni Sam Milby kasi feeling ko, the fact that they parodied that sequence would have already made it funny.
Ai-ai to DJ Durano: "Walang bumi-best actor sa pagka-OA." Tawang-tawa ako nung sinabi niya yun. Kasi naiirita na ako sa presence ni DJ Durano, pero dahil sinabi yun ni Ai-ai, parang na-justify na yung acting. hehehe.
 Sa pagkakaalam ko, tie-up ito with Viva dahil kay Nikki Bacolod. Kamusta naman, eh palamuti lang siya sa movie. Akshali, hindi nga siya palamuti dahil parang extra lang siya talaga. Parang gusto ko siya biglang kausapin nun at sabihang "'Ne, wag ka naman pumwesto diyan, nakaharang ka sa mga artista sa eksena." Sa credits ko nga lang nalaman na Lisa pala ang character name niya. Same with Jojo (hindi ko kilala yung artista eh). Wala din siyang kwenta, pero in fairness to him, bumenta sakin yung gay scene nila ni Val. After that, di ko na siya napansin, although di hamak na mas marami siyang exposure kesa kay Nikki Bacolod.
 Andito rin sa movie si Super Inggo. Ayaw na ayaw ko talaga sa batang yun. Mukha kasing tambay na nagbebenta ng ponytail at ng basyong bote ng inumin. Eyesore siya para sakin at ayoko siyang nakikitang kumikilos. Nabadtrip talaga ako nung lumabas siya sa pelikula.
 Panalo ang badminton tournament sequence. Panalo ang SFX dito. Exaggerated talaga ang game moves nila, parang sci-fi/action battle, ganyan.
 Even the tiny details in this movie were funny. Mababang chandelier na kulay green, macho dancers na luklukan ng kapangitan, billboard ng model ng deodorant, welcome party na singbongga ng fiesta sa kabayanan, packaging ng patis na kamukha ng Gerber, at iba pa.
"Tatlong dura lang ng maton, babaha ulit sa lugar natin." Sa Malabon ang setting ng pelikula. Ilang beses ring nabanggit ang pagiging bahain ng Malabon. Tawang-tawa lang kasi ako sa delivery nila.
 Ang galing nila mag-isip ng acronyms ala I.T.A.L.Y. and J.A.P.A.N. Gusto ko yung IRAN tsaka yung INDIA. At dahil napag-alaman kong maraming nagse-search sa acronyms na ginamit sa movie na ito, narito sila:
HOLLAND: Hope Our Love Lasts And Never Dies
ITALY: I Trust And Love You
MONACO: May Our Noble Affair Continue Onwards
IRELAND: I'll Remain Enamoured, Loving, And Needing you, Darling
PARANAQUE: Please Always Remain Adorable, Nice, And Quiet Under Ecstasy
WAIKIKI: Welcome Aking Irog, Kita'y Inintay nang Kaytagal. Imissyou.
INDIA: Inside, Now, Dahil Imbiyerna Ako!
IMUS: I Miss U, Sweetheart
BALIWAG: Beauty And Love, I Will Always Give
QUIAPO: Quiet U, I Am Pissed Off!
DUBAI: Don't U Believe Ako'y Iyo?
IRAN: Ikaw Rin Ang Nawalan
PIER: Please Ignore Everything, Right?
TIANGGE: Tama, Ikaw Ang Naging GungGong Ever!
 Malupit din ang production designer ng pelikulang ito! Nakakagago yung costumes nila, pati ang design ng bahay. Sa kwarto ni Aiai, may parol na umiilaw sa kama tapos may palawit sa ceiling. Yung kama naman ni Anne Curtis, pang-princess ang dating ng mga kukurtinahing tela. Pero ang pinaka hindi ko makakalimutan ay yung get up nilang lahat nung ending -- sa kasal nina Aiai & Jack Outback. Flower vase ang headdress ni Aiai tapos yung gown at barong nung iba ay galing sa tela ng kumot. Yung kay Val, ganun yung isa kong kumot. wahahaha.
Naku, kelangan ko talaga magkaroon ng kopya ng pelikulang ito. Nood din kayo! Kung mababaw naman kaligayahan nyo, maaappreciate nyo yung movie. hehehe.
|
College graduation
April 19th, 2007 | 09:35 PM
|
|
AIT's grad rites sucked, and Jeff was there to rub it in. hahaha. Kung nandoon ang buong OkSoc, fashion police ang magiging drama namin. Hemmingway, kahit ganon ay maligaya akong andun sina Adyssa, Cherry May, at Jeff para mag-cheer sa akin. At siyempre, ang napakaraming Esbi friends ni Charm na isinama na rin ako sa pagcheer. Ahlavyoo guysh. (breyshes?) For that, may utang akong grad sa inyo. Pero yung grad ni Anisah, wag natin puntahan ah? wahahaha!
Nakakadismaya lang kasi mas masahol pa sa practice itong grad namin. Wala talagang kwenta. Kung taga-CBA ka, malamang kalat na sa inyo ang mga kaganapan sa aming grad. hahaha. Yung ushers namin, wala naman talagang silbi. Basta ang gulo gulo. Tapos ang garapal pa ng theater at may tao pa ay nagpapatay na sila ng ilaw. Wala tuloy ako masyadong pictures. Akshali wala naman talaga sa camera ko. Mga pakuha lang sa iba. wahaha.
 Ang katangi-tanging naappreciate ko lang sa grad ay ang token for our parents na medallion ng UP/AIT tapos may malanding necklace. For that, sa akin na yun. hahaha. Very Nathan-Haley pa ng necklace. Kinilig naman ako bigla. (Actually ito lang naman ang gusto kong banggitin sa entry na to. Don't say I never gave you anything.) Isa pa, naligayahan din ako sa panggagaya ni Pauline kay Dean. hehehe. Kinailangan ko lang talaga ipakita yun. Ang galing kasi.
In fairness, hindi ako mukhang mapang-api sa picture na ito. At Shin, ikaw ang mukhang grad pic!
So yun. Walang kwenta. Owel. Oo nga pala, may kapareho ako ng damit. wahaha. Mabuti na lang inistrapan ko ang tube dress. Sa univ grad, sana naman wag kami maraming ganun ang suot. Di bale, maganda naman ang sapatos ko!
Bloom, sunflowers, BLOOM!!!!
PS: Raini, sana pumunta ka. Yung Sin City ko!!! =) Safe naman dun, wala namang unwanted guests gaya ng naisip namin ni Dia. wahehehehe.
|
Thanks to "OkRaY"
April 24th, 2007 | 09:14 PM
|
|
[EDIT] Just when I thought malala na yung kumalat ang aking profiles sa Multiply, I just found out that there is something worse: Okrayable Friendster Profiles @ Blogspot
KAMUSTANAMANYAN?!?!  Daanin na lang sa smileys.
------------------------
Nitong madaling araw, nag-post si "OkRay" sa aking tagboard:
Ha? eH kAoKrAy-OkRaY DiN nMn AnG "BLoG" mO eH!! AnG PaNgIt. Learn how to use CSS. akala mo perpekto ka. Para ka lang nagbabasa ng essay ng batang nasa elementarya. At ang theme mo ay para sa batang tanga. Protected pala ah, tignan mo to: http://bongroxas.multiply.com/journal/item/12 hehe engot.
OkSoc <- #1 Okrayable photos
Teka, bago ko pala siya pasalamatan, natawa naman ako dun sa "OkSoc <- #1 Okrayable photos." O diba, kami ang highest ranking.
O game, balik na sa pasasalamat portion.
Aware ako na kumalat sa email yung Okrayable Friendster Profiles at aware ako sa limitations ng protection & copyright of online content. Alam ko rin ang tungkol sa "pagnanakaw" ng site content, pero may ibang tao pa ring hindi alam yun. At sa ilang taon na rin ng pagba-blog, may ideya na ako sa profile ng marami sa (unwanted) blog visitors ko. (Oo, incoherent. Hindi ko madiretso eh.) Actually, sinabihan ako ni Raini noon na na-forward sa UPM group niya yung profiles ko at walang link back. Sabi naman niya, pinaalam niyang sakin galing yun. So keri lang. Hindi ko naisip agad na mafoforward siya sa marami. Akala ko kasi, small group lang yun at close silang lahat. So kebs. Tapos after nun, nakita ko sa referrals na search term yung ooohweeeh gUl, tapos may dalawa pang search results na pareho ng content ng Friendster Profiles page ko. Kebs ulit, dalawa lang naman. At naawa naman daw ako bigla nun kay ooohweeeh gUl. Sikat siya.
Pero mas sikat pala ako.
Dahil nga diyan sa napakaanong bongroxas na yan sinabi ni OkRay, tiningnan ko rin kung may iba pa.
(Ito ang ilan sa kanila:)
At ayun, naka-Multiply pa! Kaya anti-Multiply ako eh. Kasi everything there multiplies very fast. Tangina ang corny. Pero yun kasi ang napansin ko. Tsaka, not to offend anyone, wala pa akong nakitaang Multiply blog na maganda para sa akin. Parang ang bigat lang sa mata. Pero di naman nga design ang focus nila kundi uploads. (Disclaimer?) So ayun, sinendan ko ng message lahat ng yan! Worse, kinailangan ko mag-register sa Multiply para gawin yun.
Hindi naman ako galit. In a way, disappointed ako kasi walang link back. At, sige na nga, disappointed ako kasi sa Multiply lumabas yung profiles ko at ang gulo basahin ng entries nila. At eto na... mas disappointed ako kasi kahit flattering namang laman na ako ng email ngayon, wala namang link back. Hindi tulad ng TheManBlog, na kahit kumalat yung Atrocities of Friendster, may link back to their site. Nainggit naman ako. Buti pa sila. wahaha.
Pero in fairness ah, flattering. Kasi wala ni isa sa mga ito ang umangkin na hanap nila yung profiles. May referrals to other Multiply users. Tapos naappreciate nila yung gawa ko. Yung gawa namin. O diba, bongga. Still, hindi ko lang gusto yung fact na wala talagang link back. Chong, traffic din yun diba! At nakakatawa pa, yung iba sa mga yan, diretso copy-paste lang; pati yung side comments nung pinagkopyahan nila, kasama sa entries nila. Aba, may tendencies. hahaha.
Ok, sige, isipin ko na lang, sikat ako. Yung blog ko pala. To the point na forwarded email na yung content ko. Although hindi naman talaga ako natutuwa, kelangan ko na lang humanap ng pampalubag-loob diba?
Pag may nahanap pa kayong may kopya sa site ko, email nyo lang or ipost dito ang URL. Sige.->->
|
Pogi Rock I: Fan Labels
April 30th, 2007 | 01:46 PM
|
|
|
(Oo, magkakaroon pa ng "Pogi Rock II")
May nadaanan akong blog kung saan inacknowledge ng may-ari ang kanyang sarili bilang Callalista, HALEr, 6cycleminder, Spongecolanian, at Hileran. Blog pa lang niya kasi ang nakikitaan ko ng ganun karaming "fan labels" kaya nun ko lang din nalaman yung katawagan sa fans ng ibang banda. "Haler" lang kasi ang alam ko noon.
Hindi ko naman siya tinitira as a person. Hindi ko lang mawari kung bakit ganyan ang tawag ng fans sa kanilang sarili. Nakakatawa kasi, dahil sa Pinoy bands lang yata ganyan; enlighten if I got it wrong.
Nung una ko talagang mabasa ang "Haler," akala ko, "haller," as in hello?! Tapos nagsunuran na yung para sa ibang banda. Pero napansin ko lang din, ang mga bansag na ito ay nilalapat lamang sa mga bandang "pogi rock" -- yung may maraming bashers dahil hindi naman daw magaling at puro papogi lang. "Daw," dahil wala naman ako sa posisyon para sabihan silang hindi magaling. Pero nasa posisyon naman siguro ako para sabihing hindi sila pogi. hahaha. Anu't ano pa man, hindi ko rin sila gusto.
Pero bakit pag foreign bands, wala yatang ganitong factor? Sorry, pero natawa ako ng sobra sa "Spongecolanian." Parang school kasi; tipong Atenean, St. Scholastican, ganun. So institusyon na ang Spongecola nyan? hahaha. Going back, yun nga, sa foreign bands... Ako, gusto ko ang Silverchair at Garbage. So kung fan nila ako, ang itatawag ba sa akin ay Silverchairista or Garbager? Eh kung fan naman ako ng Hole... tatawagin ba akong Holer? hahaha. Malamang hindi, diba?
Yun lang naman. Curious lang.
|
|
|