i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links



Thesis Is Love
| 07:50 PM

posted in Entertainment / Fangirling, The Life of Gdwn


1 comments
Second interview namin ng aking thesis partner na si Charm with Star Cinema kanina. And I must say, na-achieve na namin yung primary objective ng aming thesis:
Ang makakita ng artista.

*deep breaths* *deep breaths*

After ng aming interview, paglabas namin sa waiting area yata yun or lobby ng Star Cinema, aba.... shinu-shoot si Jericho Rosales! Fine, fine, gwapo siya. hahaha. So dumiretso na kami kay Kuya Guard para mag-ayos ng gamit. (Kung saan, actually, ay naghihintay lang ng isa pang chance na ma-sight ang Jericho.) Pababa na kami ng elevator, saktong tapos na ang pagshoot kay Jericho Rosales. Pagdating naming ground floor, kasunod lang pala namin siya! Naman! Kung naghintay pa kami, sana kasabay namin yun sa elevator! wahahaha. For more, nun ko lang na-realize na sana nagpa-picture kami. AYUN. Pagkatapos nun, hinayang na hinayang na kami ni Charm. Sobrang hinayang na hinayang to the point na ang makakapagpalubag lang ng kalooban namin ay ang makita si Piolo Pascual. (And in my case, sina Nikki Valdez at Eugene Domingo.) Sayang talaga. Ang ganda pa naman ng damit ko kanina. (diba? diba? diba?!)

So even if we've achieved the main objective of our thesis, dala pa rin namin ang panghihinayang hanggang ngayon. In fairness, improving kami in today's interview. Bukod kay Jericho Rosales, nakita rin namin sina John Prats, Archie Alemania, Rita Avila, at yung sinasabi ni Charm na artista na may show tuwing Sabado. Pero dahil nga we let that photo opp with Jericho pass, di na namin masyadong naappreciate ang mga sumunod na artista. Improving pa rin naman. Dati kasi, ang mga nakita namin ay sina Jobert Sucaldito, Neil Ryan Sese (Kuya Boy in Maximo Oliveros), at yung isang member ng dance group na Anime.

Ang wish ko na lang, pag na-schedule na ang interview namin with Malou Santos & Olive Lamasan, makakita ulit kami ng artista. hahaha. Yung ibang lebel na. Kaya kanina lang, we promised ourselves na wala nang hiya-hiya pag nakakita kami ng artista. Kelangan magpapicture! At pag nakita ko si Nikki Valdez, ihihingi ko ng otograp ang kaibigan kong look-alike niya: si Cherry Manago.

(Nakikini-kinita ko na kung anong magiging itsura ng visual aid namin para sa thesis presentation. Isa siyang comprehensive manifestation ng kajologan at fangirling.)


[ gdwn ]

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

raini (guest)

Comment posted on February 9th, 2007 at 09:15 PM
mabuti ka pa may masayang naidudulot ang thesis! :(


powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf