i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for February, 2007




Potter Is No Longer A Baby
| 11:32 AM

posted in Entertainment / Fangirling


Ang title dapat nito ay "Because the Baby Is Now a Lady," pero di kasi lady ang topic nito.

Si DANIEL RADCLIFFE kasi.

Oo, si Harry Potter na in-adore ng marami dahil... (akshali ewan ko kung bakit).
I was actually going to wait until Order of the Phoenix was released before I swoon over Daniel Radcliffe again, but Ekang publishes a Dan entry with some disturbing picture, so here I am, blogging about the boy. (boy talaga?) Hindi ko na nga dapat papatulan to, kaso nakita ko sa TV kagabi.

I never really liked Harry Potter, until I got to read HP1. I grew to like the books and the movies as well. Pero gusto ko lang yung movies noon dahil hanep sa production. Never akong nagwapuhan kay Daniel Radcliffe, una, dahil ang bata naman tsaka dahil hindi lang talaga madating para sa akin; pangalawa, mas cute si Malfoy.

Then came The Goblet of Fire. Goodness. hahahaha ang loser ko talaga. Eh ang hot na niya kasi nun, o baka nasa style ng buhok lang. Basta. I used to think of Harry Potter as that child whom Hagrid can crush anytime, and I've never imagined that he would grow to be THAT gwapo. (wag na kasing "hot," irespeto naman natin yung bata.)

But he did grow to be REALLY good-looking.
And he did grow to be this... this... "this" na nga lang:




Yan din yung image sa entry ni Ekang. I cropped the image though, dahil yan lang ang keri kong tingnan. Nae-eskandalo kasi ako sa body hair kaya yan lang ang kinuha ko. Susmaryosep. I'd love to see JoanB right now. (more pictures)

Gayunpaman, di ko pa rin alam kung anong ire-react sa batang ito. hahaha. Nalulungkot naman ako nyan. Ang bilis naman niyang tumanda! Eh ano na lang itsura niya sa susunod na HP movies? Di na siya yung adorable little guy. huhuhu. Hindi na rin pwedeng yung kapatid ko ang kasama ko manood ng Harry Potter. Ang bilis naman ng panahon. *tears tears* (Parang nanay lang eh no?)


[ gdwn ]




Thesis Is Love
| 07:50 PM

posted in Entertainment / Fangirling, The Life of Gdwn


Second interview namin ng aking thesis partner na si Charm with Star Cinema kanina. And I must say, na-achieve na namin yung primary objective ng aming thesis:
Ang makakita ng artista.

*deep breaths* *deep breaths*

After ng aming interview, paglabas namin sa waiting area yata yun or lobby ng Star Cinema, aba.... shinu-shoot si Jericho Rosales! Fine, fine, gwapo siya. hahaha. So dumiretso na kami kay Kuya Guard para mag-ayos ng gamit. (Kung saan, actually, ay naghihintay lang ng isa pang chance na ma-sight ang Jericho.) Pababa na kami ng elevator, saktong tapos na ang pagshoot kay Jericho Rosales. Pagdating naming ground floor, kasunod lang pala namin siya! Naman! Kung naghintay pa kami, sana kasabay namin yun sa elevator! wahahaha. For more, nun ko lang na-realize na sana nagpa-picture kami. AYUN. Pagkatapos nun, hinayang na hinayang na kami ni Charm. Sobrang hinayang na hinayang to the point na ang makakapagpalubag lang ng kalooban namin ay ang makita si Piolo Pascual. (And in my case, sina Nikki Valdez at Eugene Domingo.) Sayang talaga. Ang ganda pa naman ng damit ko kanina. (diba? diba? diba?!)

So even if we've achieved the main objective of our thesis, dala pa rin namin ang panghihinayang hanggang ngayon. In fairness, improving kami in today's interview. Bukod kay Jericho Rosales, nakita rin namin sina John Prats, Archie Alemania, Rita Avila, at yung sinasabi ni Charm na artista na may show tuwing Sabado. Pero dahil nga we let that photo opp with Jericho pass, di na namin masyadong naappreciate ang mga sumunod na artista. Improving pa rin naman. Dati kasi, ang mga nakita namin ay sina Jobert Sucaldito, Neil Ryan Sese (Kuya Boy in Maximo Oliveros), at yung isang member ng dance group na Anime.

Ang wish ko na lang, pag na-schedule na ang interview namin with Malou Santos & Olive Lamasan, makakita ulit kami ng artista. hahaha. Yung ibang lebel na. Kaya kanina lang, we promised ourselves na wala nang hiya-hiya pag nakakita kami ng artista. Kelangan magpapicture! At pag nakita ko si Nikki Valdez, ihihingi ko ng otograp ang kaibigan kong look-alike niya: si Cherry Manago.

(Nakikini-kinita ko na kung anong magiging itsura ng visual aid namin para sa thesis presentation. Isa siyang comprehensive manifestation ng kajologan at fangirling.)


[ gdwn ]




Galera Trip
| 04:55 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


Galing kaming Puerto Galera nitong weekend para sa MS1. Eh siyempre, pag nakawala sa Maynila, kelangan maraming pictures! Eto yung ilan sa kanila. Para lang updated. Pag sinipag ako, magpo-post ako ulit ng iba pa.


Cha, Grace, Gdwn, Pinky. Tirik ang araw pero dapat naka-jacket.



hahaha. Di ko alam kung bakit may kuha akong ganito. Parang, "Ewwww!!! So kadiri, like, sobra!!! OMG!"


Charisse & Pinky, nanghaharass ng starfish.



Sa White Beach, para may postcard.


Sa pool ng Apartelle de Francesca. Ang ganda namin diyan no? hahaha. Ang kumontra, in denial!



CW: Cha, Grace, Gdwn, Pinky. Sa ilalim ng pool. Oo, maligaya na kami diyan.


[ gdwn ]




I Love Valentine's Day
| 01:27 PM

posted in The Life of Gdwn


Actually, I love pre- and post-Valentine's days. Hindi dahil sa mushiness, pero dahil sa mga pagkaing naeexperience ko pag Valentine's.

Dahil ang mga magulang ko ay maraming friends, maraming nagbibigay sa kanila ng pagkain. At dahil nga Valentine's, karamihan ay cake at chocolate. At dahil din mahal nila ako, ako ang lumalafang sa mga pagkaing ito. This is the life.

Dinadaig pa ng Valentine's ang Pasko at Bagong Taon sa lagay na yan. Paano ba naman, 'pag pasko, lagi na lang hamon at queso de bola. Jusko, naexperience ko na yata lahat ng uri ng hamon. Madalas din, nagbibigay ng pangkabuhayan showcase ang opisina nila at ang lolo ko. Eh hindi ko naman naaappreciate yun. Nauumay din naman ako sa de lata at hotdog. Kapag Bagong Taon naman, mega-plastikan ang kapitbahayan sa pagbibigay ng fruit cake, salads, pansit, at iba pang pagkaing pang-mahirap, hoping na makakatanggap ng mas sosyal na pagkain. hahaha joke lang. Basta. Dietang-dieta naman kasi ang dating ng mga pagkain. Eh hindi naman ako kumakain ng ganun. Kaya napansin ko nga, ako lang yata ang hindi tumataba kapag Pasko at Bagong Taon dahil wala akong makain sa bahay. Ok sige, meron namang makain... maarte lang ako.

Pero pagdating ng Valentine's, nagdadagsaan ang sweets mula sa mga kaibigan ng mga magulang ko. Dahil patay-gutom, siyempre maligaya na ako dun. For that, favorite ko na yata ang Valentine's. Wag lang ako makakatanggap ng bulaklak, balloons, shaped chocolates na lasang floor wax, or anything mushy. Dahil seryoso, inuugat ang noo ko pag nakakakita ako ng mga ganun. Hindi ko naman sila mapapakinabangan. Wala naman akong fulfillment na mararanasan mula sa kanila. Hindi ko naman sila mapagkakakitaan. Hindi ko naman sila makakain.

Owel. Friday na. Last day sa opisina. Sana may magbigay ulit ng pagkain kay Nanay. (nanginginain?)


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf