GDWN@Tabulas - Simpleng Balahuraan
Home Profile Gallery Content Pages Favorite Entries Archives Links UP AIT Website

Entries for December, 2006




The First Few Days of My Xmas Break
| 11:54 AM

posted in The Life of Gdwn


DEC 14, Th:
Pupunta dapat ako sa concert sa UPIS kaso nag-ayawan bigla yung mga kasama ko. Edi nag-SM na lang ako at bumili ng Mighty Ducks Trilogy. wahaha. amsohapi. Next year na lang ako bibili ng Harry Potter na DVD kapag may package nang apatan. Anisah, hihiramin mo?


DEC 15, Fri:
Manonood ako dapat ng Ms. Engg kaso wala akong kasama. Ayoko namang sina Mother M. at Father K. ang sumama sakin dahil magmumukha akong chaperone. Pumunta na lang kami ng aking Ecotour friends sa Lantern Parade para makiparada for a while bago tumuloy sa aming lakad. Eh malay ba naming cancelled yung parada?! So ayun, para kaming tanga sa AIT booth; eh ang aga palang umalis ng AIT people para bumalik sa Commonwealth. Ayaw naman naming pumunta nang AIT. ANG DAMI KASING GWAPO DOON.

Kaya after makipagchikahan kina Carmi at Jake (na hinahanap rin ang AIT lantern) sa AIT booth, dumiretso na kami sa Music Match sa Timog para mag-videoke. hahaha. Kasama namin si Charisse. At siyempre, lahat ng mga kanta niya (pati Ilokano songs), nairerelate niya sa imaginary lovelife niya. hahaha. At nakakainis, nabitin pa kami ni Agatha sa Ode To My Family!!!


DEC 16, Sat:
Umagang-umaga, pumunta ako sa MainLib para magnakaw ng Internet. SARADO!!! huhuhu. So sa Vinzon's na lang ako tumuloy. Mas mabilis WiFi doon, friends. Sa MainLib kasi putul-putol, tila nagla-lunch break ang connection every 11-1p. Parang OIS lang. hahaha.

Kinagabihan, may komosyon sa bahay. Ipa-konsulta daw ang aking mahal na kapatid. So ayun, minaygrain kaya na-confine. So ayun ulit, solo ko ang bahay kinagabihan. hahaha.


DEC 17, Sun:
Nasa Infirmary ako ngayon, nagnanakaw ulit ng Internet. hahaha. Naka-confine pa rin si Gdfry at ipapa-CT Scan pa raw. Sosyal. Si nanay naman ay mag-e-SM, pero tinatamad akong sumama. For that, dito na lang muna ako sa ospital (o sa bahay), and hopefully, sipagin akong mag-thesis. Premiere din pala ng Close To You mamaya sa CinemaOne at panonoorin ko na rin yun para pagtestan ng aming instrument. Ok, ok, panggap.


[ gdwn ]




Christmas In My Heart
| 08:08 PM

posted in What About Them?


Christmas is supposed to be the happiest time of the year (next to our birthdays?), but carollers make it hard for me to enjoy Christmas because of their modus operandi in pamamalimos. For one, these children scare me. Hindi ko alam kung kasisinghot lang nila ng rugby o nakaabang ang mga kuya nilang JJ para pasukin ang bahay namin o kaya manaksak ng ice pick for fun.

Also, I hate it when they pound on their tin cans too hard coupled with the violent shaking of their tansans as if they're singing a techno version of Christmas songs. Wala na nga sa tono yung pagkanta, nakakabulahaw pa yung "musical instruments" nila. For more, they don't really sing. They SCREAM.

Lastly, it annoys me that they "sing" this way:

-----------------------------------------------
Sa AMING bahay aming bati
Merry Christmas na WAWALHATI (diff versions 'to)
Ang pag-ibig AY/ANG siyang naghari
Araw-araw ay magiging Pasko lagi

Ang SANGHIPO (yep, one word talaga) ng pagparito
Hihingi po ng aguinaldo (aka "Namamalimos po")
Kung SAKALI KAMI PERWISYO (barok? o baka Chinese?)
Pasensya na kayo, KAMI NAMAMASKO

(At since medley ito, biglang ipapasok ang "We Wish You A Merry Christmas." Walang hingahan yan.)

We wish you a merry christmas (3x)
And a Happy New Year

Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya
Nagluto ang A-teh (withaneich talaga ang pronounciation)
ng manok AT tinola (hiwalay ang sabaw?)
Sa bahay ng Ku-ya ay may'rong litsunan pa (How do you spell that?!)
Sa bawat tahanan, may handang iba't iba

Tayo na, giliw, magsalo na tayo
Meron na tayong tinapay at keso
Di ba Noche Buena sa gabing ito?
At bukas ay araw ng Pasko


Namamasko po... Namamasko po! NAMAMASKO PO! NAMAMASKO PO!! NAMAMASKO PO!!!!!!
-----------------------------------------------


Pero kahit ginaganyan ko sila, I'm not as rude as I may seem. In fact, kapag sinisipag ako, lumalabas naman ako ng bahay upang tugunan ang kanilang "Namamasko po!!!" Lumalabas ako ng bahay para sabihing "Merry Christmas!" Kasi namamasko daw sila eh. Edi merry christmas. I loooove doing that. Pero in fairness naman, nagbibigay ako minsan ng limos kapag mag-isa lang yung nangangarolling kasi may awa effect. Kapag isang tropa ang nangangarolling tapos headache ang naidudulot ng "pagkanta," dinedeadma ko.


I'm sorry, I really feel this way about them. Kung kayo, nagiging mabait pag Pasko at nato-tolerate ang ganito, ako, hindi. Kung kayo, lubos ang pagrespeto sa mga taong namamalimos, ako hindi. Kung kayo, lubusang naniniwalang "Christmas is the time for giving," ako hindi. Or if you simply have a big, kind heart, yung akin hindi big. Kaya wag nyo akong itulad sa inyo at ayokong makabasa ng lecture diyan. I'm not bothered by the way I feel towards these dugyuting children na naglalabasang parang ipis na binombahan ng insecticide pag Pasko. (Ay, ang sama ko pala. hahaha. HAHAHAHA.)


Abangan nyo sa bagong taon, pag sinipag akong magsulat, paputok sa tapat ng bahay namin at videoke tuwing New Year naman ang irereklamo ko.


[ gdwn ]




Yearbook Writeups
| 10:59 PM

posted in What About Them?, Readme as a favorite entry


Dahil gagraduate na kami (excited??), nawili sa paggawa ng writeups itong kaibigan kong si CherMan. Siya ang gumawa ng writeup ko at grabe lang... napaka-safe nito: pwedeng-pwedeng ipabasa sa mga magulang at guro. hahaha. So dahil ligayang-ligaya ako sa ginawa niyang writeups para sa schoolmates namin, ishe-share ko sila sa inyo. Parang blind item ba.
NOTE: Hindi ito ang actual writeups nila. Mahal lang talaga namin ang mga taong ito kaya ginawan sila ng writeup ni CherMan. Hobby na niya kasi ang gumawa ng writeups.


Codename: ULTIMATE CRUSH

Who could resist Mr. ULTIMATE CRUSH?
He is called "the heartthrob," "the idol," and "the dreamboy."

Aside from being good-looking and overflowing with sex appeal, he's also THE Star. His mere presence is enough to cause a commotion; not because of his pretty face, but because of his oh-sooo-gwapong face!

He is a very shy and soft-spoken guy, but once you get know him better, you'll find that he's not as shy as you think he is. Behind his innocent and gentle appearance lies his naughtiness that just can't stop him from teasing girls.

This not-so-tall, definitely dark, but dashing guy is always around even when you wish he isn't.

Here is a man who firmly believes that a mere picture can speak for itself.
(Tapos nakalagay yung litrato na may tender smile nya.)

Truly, ULTIMATE CRUSH is a delight to behold. Intriguing and appealing, his looks sweep the ladies off their feet.


Codename: ROMMELYNNE
She is often teased about her boyish look but she couldn't care less. After all, tough times never last but tough people do.
She is half-girl, half-woman-izer; acts like a girl, thinks like a man.


Codename: ABRAHEIM
He is a responsible and a very religious person. He believes that "a family that prays together stays together." For him, life is not only a matter of black and white; there is also gray. He also believes that "Time is gold; and money too." Abraheim is tall, dark, and not really handsome although his mother says otherwise.



Meron pang dalawang writeups, pero di ko na ilalagay kasi hindi nyo talaga maaappreciate unless you know those people. Haaaayyy... dahil may natitira pa naman kasi akong hiya at pagmamahal sa kapwa dito sa aking puso, gaano ko man nais ilagay dito ang pictures nina ULTIMATE CRUSH, ROMMELYNNE, at ABRAHEIM, hindi ko na gagawin. Tutal funny na naman ang writeups nila on their own. Pag nireveal ko pa kung sino sila, baka bukas tambangan na lang ako ng mga yan sa kanto; lalo na si Rommelynne. hahahahaha.

eto pa pala, kay PAULITA naman:
She can be described through ABC. "A" as an attractive lady possessing two "B's" -- beauty and brains; having three "C's" -- creative, charming, and crazy. (hahaha kasama talaga yung unparallel na 3 Cs)


[ gdwn ]




Para May Bagong Cellphone
| 10:38 PM

posted in What About Them?


Nanakawan ang kapatid ko kagabi sa SM North.

Hindi ako kasama nun; bale si Kapatid lang, si Tatay, at si Friend. Naglalakad daw sila sa labas ng SM, dun na sa mga coffee shop sa tapat ng SM (oo, tatawid ka, ganon). Eh itong sina Kapatid at Friend, likas na maharot dahil nga may ADHD. hahaha. So habang naglalakad, nilapitan daw sila ng dalawang lalaking humihingi ng tulong. Something about their friend na binastos daw, ganun ganun. Eh etong si Friend naman, hindi ko alam kung anong lebel ng katangahan ang ipinamalas, sumama dun sa mga lalaki. Si kapatid, sumunod din, naulanan pa ng kabobohan. Eh for sure, ang target ng mga lalaki ay si Friend dahil mukhang pobre ang kapatid ko. Ang badtrip lang, effortful ba masyado para sa kanila ang tawagin si Tatay o kaya kalabitin man lang?! Tsaka naman... sino ba namang tao ang nasa lohikal na mag-iisip ang sasama sa strangers nang ganun-ganun lang?

Hemmingway, dinala daw sila ng mga salarin sa loob ng SM ulit. Pinaiwan nila yung mga gamit ni Kapatid kay Friend para daw magkita sila ulit. (Whaaat?!) Sunod naman sila. PARANG GAGO TALAGA. After nun, nag-tig-isa ng bata yung dalawang lalaki at naghiwalay na. So pinaghiwalay na nila sina Kapatid at Friend. Pero babalik daw ulit. Tangina, ang freaky nun ah. Ikaw, 12 years old ka, dadalhin ka ng stranger at ihihiwalay sa friend mo... freaky yun, pramis. Pero hindi naman sila thrineaten, kaya di ko mawari kung bakit sumunod sila nang ganun lang. Parang ang lame pa naman ng strategy nitong mga JJ. "Iwan mo muna gamit mo para magkita-kita kayo ulit.." Ang bobo lang. So ganun na nga, pinaghiwalay sila at iniwan, tangay ang valuables nung dalawa.

Ang tatay ko, andun naman sa labas ng SM (kasi nga dun sila nagkawalaan), humihingi ng tulong sa mga sikyu. Aba aba... sabi daw ng mga sikyu, alam na nung mga bata ang gagawin nila pag nawala kasi 12 yrs old na sila. Aba aba ABA!!! Hindi ba nila naisip na baka na-kidnap na yun o kaya nanakawan, o baka nahulog sa manhole?! So at some point, tatlo silang naghahanapan dahil nga hiwa-hiwalay sila. Mabuti nagkita sina Kapatid at Friend. Tapos nagtagpo-tagpo na sila sa guards' office (?).

Nanakawan si Friend ng phone, earphones ng iPod, relo, at pera. Si Kapatid, pera at phone lang. N3310 at N3350 lang naman yung phone nila kaya hindi ganun kabigat sa kalooban. Ang frustrating pa (sa side ng mga magnanakaw), P140 lang ang perang dala ng kapatid ko. hahaha. Sabi ko sa inyo, purita kami eh. Ang traumatic lang dun sa experience nila eh yung sitwasyong sinama sila nung mga magnanakaw. At hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila sumama. Si Kapatid naman, kung mag-isa yun, hindi sasama yun eh. Si Friend, hindi ko alam kung bakit sumama. Etong mahusay ko namang kapatid, hindi tinawag si Tatay. Ang tanga tanga tanga. Nakakainis kasi nga kung hindi sila sumama, walang churvang ganito.

MABUTI NA LANG, hindi sila pinakitaan ng baril, kutsilyo, ice pick, or whatever these JJs use these days. Mabuti na lang, hindi sila sinindak. Amateur lang talaga tong mga 'to, binatilyo daw eh. Not a boy, not yet a man. Mga high school na bobo lang marahil. O baka call boys. Pero siguro, kung hindi sumunod tong dalawang bata, baka pinisikal sila nung mga yun. Mabuti na ring hindi "ininspect" muna ang valuables nila dahil baka sinaktan nila yung mga bata pag nalaman nilang hindi kamahalan yung "valuables" nila. Akala siguro nila, tiba-tiba sila sa mga napagnakawan nila.

Still, traumatic pa rin yung pangyayari. Nagsi-hinugan na nga ang pimples ni Kapatid eh. hahaha. Traumatic kasi may "skit" pa itong mga magnanakaw. Pinaghiwalay pa sila. Siguro hindi masyadong mabigat sa damdamin kung nalaslasan na lang sila ng pantalon (as long as the JJs did it stylishly). Pag ganun kasi, wala nang contact, wala nang usap. Wala na ring sikyu drama.

Abasta. Kaya ingat na lang din kayo.
Yung friend ko nga, nanakawan ng buong bag sa jeep eh. Pauwi na siya from SM nang pinaliko nung magnanakaw yung jeep sa CP Garcia. Lahat ng pasahero nanakawan. At ang magnanakaw, may dala daw baril. Kung genuine o fake, hindi na raw niya alam. Ang nakakagago pa, talagang nakasakay yung mama simula sa SM. So hinala ko, taga-KNL lang yun o kaya Philcoa. hahaha. joke lang.

Kaya praning na praning ako pag lumalabas. Kaya hindi ako nagdadala ng malaking pera pag lumalabas. Kaya kahit P200 lang ang laman ng wallet ko, nakayakap pa rin ako sa bag ko. Kaya hindi ako sumasagot ng tawag/text sa jeep. Kaya hindi ako nagpapatext sa hindi ko kakilala. Kaya hindi ako ginagabi sa pag-uwi. Kaya mukha akong maldita pag mag-isa. Kaya nagtataxi na ako papunta't pauwi ng SM North dahil dun sa nangyari sa friend ko. Kaya ilag ako sa jumping jologs. Kaya mapagmata ako ng kapwang non-friend. hahaha.



O diba. Paskong-pasko, may ganitong drama kami.


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf