i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for October, 2006




Buhay Dormer / Boarder
| 12:57 PM

posted in The Life of Gdwn


Dahil sa 5-day brownout na yan, na-feel ko ang mawalay sa teknolohiya. Ang badtrip lang eh talagang ngayon pa nataon kung kelan ang dami daming visuals na gagawin para sa reports.

Hemmingway, ganito pala ang feeling ng walang TV, radyo, at computer. Parang nasa probinsya! Hehe. Wala akong choice kundi isulat-kamay ang reports at magbasa na lamang ng acad books pampalipas-oras. For more, di ko lang mapaniwalaan na halos matapos ko na ang buong promo plan naming pang-grupo (sabi ko nga major in written report ako diba?). Eh wala naman akong choice kundi gawin yun dahil walang ibang gagawin sa bahay at di ko makontak ang aking mga kagrupo (yes, ayaw din ng Smart sa amin).

Dagdag pa diyan, manwal ko ring ine-edit ang video namin para sa 121. Dahil walang kuryente, iniimagine ko na lang kung aling sounds ang lalapat sa aling eksena. Manwal din akong nagko-code ng website para sa visuals (as in sulat-kamay). O daba, para kong ginagago ang sarili ko. Kalunus-lunos talaga.

Ngayon, balik-klase na. Buti naman, na-move ang ilang deadlines. Wala naman kasing naitulong ang 5-day brownout na yan! Nawalan rin pala kaming telepono! Wala ring signal! At ngayon lang ako nakapag-internet nang maayos... as in ngayon lang. Mabuhay ang mga taga-bundok!


TEKA... ano palang magandang MST? Tapos na ako sa EnvSci, Math 1, Math 2, at STS. Anong maire-recommend nyo at sinong prof? Wala pa kasing MS1 sa CRS eh. Nga pala, ayoko ng NatSci. Ok ba yun?


[ gdwn ]




CRS Glitch
| 09:57 PM

posted in The Life of Gdwn


After 2 days, accessible na ulit ang CRS. Edi log-in naman ako sa aking account para makita ang na-enlist ko (at magdaos ng piging in case full units nga. hehe). Ngunit heto ang tumambad sa akin:



Nalaglag ang puso ko nang makita ko yan. Pramis. As in tumitibok siya nang OA. Naisip ko, baka di na maibalik yung mge inenlist ko dahil nag-login na ako tapos forever na siyang burado, maayos man ang glitch. Grabe, ilag na ilag pa naman ako sa manual enlistment.

Minsan na akong nabiktima ng glitch... sa Neopets yun noon. For a while, nagkawalaan ang avatars ng users pero bumalik naman eventually. Yung akin, hindi na... and i had over a hundred secret avatars that time. Ang avatars kasi dun, ina-acquire through certain events requiring points, random events, and special neopets days. Nawalan tuloy ako ng gana mag-Neopets dahil dun. Pero losing those avatars was something I got over with. Etong CRS, kung nagkataong burado lahat ng inenlist ko, aba'y yun ang di ko matatanggap.

(at ang rebelasyon)

Onga pala... wala pa rin akong grade sa CRS sa Tour 109 namin. Last summer lang yun. May grade na ako sa office ng institute sec pero wala pa rin sa CRS. Ok lang ba yun o may kelangan akong lakarin sa OUR?


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf