Entries for August, 2006
Madugong Midterms
August 11th, 2006 | 07:48 PM
|
|
|
Ito ang isa sa ever-dreaded days ng mga estudyante sa UP. Pag sinabi kasing midterms week o kahit ano pa mang hell week, aba'y lubus-lubusan talaga ito. Katulad ngayon.
Kahapon, nag-midterms kami sa T153 (Tourism Promotions). Kung ambidextrous ka, aba'y swerte mo, dahil sa haba ba naman ng exam, talagang mamamanhid ang kamay mo sa pagsusulat. Idagdag pa ang lamig ng Panel A sa pagtulong upang mangitim na ang mga daliri sa kamay. Essay ang labanan sa 153. Para kang nag-rewrite ng notes. Pero keri.
Ang malupet eh yung kanina... midterms sa T121 (Human Resources Management). Pinagtatawanan nga kami ng isa pang 121 class dahil nakakagago nga namang mahigit 500 pages ang "supplementary readings" namin. Kay Ma'am Solis last sem, tuwang-tuwa ang mga estudyante -- ang fun daw ng klase nila at natututo sila ever bilena while having fun. Kami naman... ano... basta, madugo ang exam kanina. JOSKO... instructions pa lang, nakakasindak na. Pwede lang daw magsulat sa "dorsal page" ng bluebook. Eh ang alam ko lang na dorsal ay yung "dorsal fin." Di ba sa likod yun? Hemmingway... makalipas ang humigit-kumulang isa't kalahating oras, lutang na ang mga diwa ng mga kaklase ko. Basta. MAHIRAP TALAGA. Kung nasa bagsakan stage ka sa Stat 101 noon, ganoon ang feeling ng exam namin kanina.
Dalawa pa lang yan. May T126 (M.I.C.E Management) pa sa Tuesday. Eto'ng isa pang memorization ang labanan. Eh MAHINA NGA AKONG MAG-MEMORIZE!!! Diyos na mahabagin naman... simula pagkabata, di ako natutong mag-memorize nang todohan kasi nga mas sanay ako sa explain explain lang (basta naiintindihan ang konsepto) at problem solving (yung may equations ha; isumpa ang proving).
Bakit ganoon, windang na windang tayo 'pag may exams na magkasunod? Magkaibang araw naman sila. Huhuhu. Samantalang nung high school (pati elem yata), kering keri lang kahit tatlo ang exam sa isang araw kapag dumating ang periodic exams. Sa amin noon, dreaded ang 2nd day of perio dahil magkasama sa iisang araw ang Social Studies at Math. Kamusta naman nung Econ at Trig na ang leveling nito? Pero mas madali... kasi.... kasi... multiple choice. hahaha. Gayunpaman, never pa rin ako nakakuha nang mataas na grade sa Social Studies dahil OA ang memorization. Parang Kas1. Gayundin ang Bio. wahehe. Kaya nga umaasa pa rin akong may lalabas na bagong MST next sem. Math 3, pwede rin. Ilagan talaga ang science..
Abasta. Naiinis lang kasi talaga ako sa mga kaganapan kanina. OA as in OA naman yung exam sa 121 eh! (at sa sarili ko na rin dahil imbes na mag-aral eh TV ang inatupag. pero kahit na!) Last sem, sabi nila, ang 121 ay inuuno lang. Eh jusko, yung 121 namin... ahem. Effort kung effort. Intro to HR management lang naman yun! Nakakainis talaga. Sana pala nag 4-5:30 sked na lang ako kahit gabihin pa ako. Grrrrr. Hindi siya nakakatuwa... the subject and everything else. chaross. maganda lang pakinggan. hahaha.
|
UP's Ball Game
August 20th, 2006 | 05:39 PM
|
|
|
Nawiwili sa panonood ng basketball ang nanay ko . hahaha. Kamusta naman yun? Kaya ako rin, "nanonood." At ngayon, di lang halftime ang pinanonood ko. I tune in to the game na rin. (Tune in? Radyo?) Yes, tune in, dahil scores lang ang inaabangan ko. Sorry naman, di naman kasi ako basketball fan. In fact... in fact... uhm... Sige, i-a-assume ko na lang na kilala nyo ako. hahaha.
Pero ayun, ang frustrating lang ng almost winning moments ng UP. Dikit na dikit, minsan lamang na lamang pa, tapos masasapawan lang uli ng ibang team. Owel. Wala akong macomment dahil wala naman ako sa posisyon para mag-assess ng magaling sa hindi. Pero at least, ngayon, nakaka-relate na ako sa mga kuwento ng mga kaibigan ko. Lalo na ni Charisse, na nahuhumaling kay Martin Reyes. (uhhh... no comment.) For more, kahawig ni Galen Cacha si Ralph Dimayuga. wahahaha. I'm enjoying this. Although I just hate seeing certain person/s on TV. (da who?) Nakakaugat ng noo, pramis. Gayunpaman, I enjoyed watching the past two games of UP vs. Ateneo. Masaya pag nagkakainitan eh. BTW, kudos to Ateneo, di kayo matinag.
So paano kaya ang next game ng UP? Basta dapat lamang sila sa 1st half para mapanood ko ang Pep routine. yun yun eh!
Eh kamusta naman kaya ang UPIS team? For more, kamusta ang Pep nila??? hahaha. Siguro naman, no one could ever be worse than the Babaing Korteng Sabon. (Safeguard family, to be exact.)
Sige, bye. Naghahanda ng sabaw ang nanay ko. Higupin hangga't mainit kahit walang laman.
|
Binaha ang Tagboard Ko
August 21st, 2006 | 06:19 PM
|
|
 In my opinion, a tagboard is different from a chat room. But no... but no... may mga nag-"chat" pala kagabi gamit ang tagboard ko!!! Pero eto pala ang depinisyon ng tagboard:
What is a Tag Board?
"A Tag board is a free service that provides visitors with a real-time discussion similar to a chatroom and without the complexity of forums... Tag Boards act as chatrooms for real time discussions. With a chatroom a person can not see what was previously written, while with a Tag Board you can. Tag Boards also act as a Guest Book for giving comments and suggestions to the website."
Still, I prefer that underlined part of the tagboard definition. From the word "tag" na rin... Diba tags are short words/phrases? E basta, uminit lang ang ulo ko nang masilayan ko ang flooding na naganap na ito:
August 20, 11:21 pm - 11:50pm
bubuy0g: masamang ugali..tsktsk,.
flying v: msama c bubuyog, aq lumilipad na bubuyog (anghel?) hahaha! ayos 'to grabehan nga lang..hehehe..pro nkakaaliw..
(Read More, as in MORE talaga.)
ORAAAAAYT. Tutal, di naman nila ako binash, sige, salamat na lang sa pagdaan. At salamat at natuwa kayo sa Okrayable Profiles (na pwede nyo namang idiscuss nang sarilinan). Pero ang text lingo at ang flooding, talagang pinaakyat ang dugo sa utak ko. You guys could use Y!M or whichever instant messaging program. Don't go flooding my tagboard again. But I do have to appreciate the fact that you were just chatting and not doing something else while you were on my blog. Or were you?
At aba, future schoolmates pala ha. We'll see. But if you plan on registering at Peyups.com, you better learn that flooding and using text lingo is a mortal sin.
*kumalma ka. kumalma ka.*
|
"It's prison yo!"
August 29th, 2006 | 07:04 PM
|
|
FINALLY, Crime/Suspense will be airing Prison Break's episodes 14-22 starting September 4. Natutuwa ako sa teasers, kasi kung di mo pa napanood ang 14-22, aakalain mong nakatakas na sila after Ep13. Eh from "Brother's Keeper" yung clips sa teasers ng C/S. Although I have nothing against them for replaying S1 1-13, I still think it would have been better if they had aired the whole season then just had a PBreak marathon. (WWM overload na yan!) Nabitin kasi ako sa ep13, only to find out na di pa sila makakatakas after that episode. At uuyyy, ang bitin din ng ep22 kaya Season 2 naman ang gustung-gusto ko nang mapanood!
For that, pinapatulan ko na ang spoilers at episode summaries! Eh pag dinagdag pa ang icons na ito, makakabuo na ako ng sarili kong konsepto ng kung anong ipinalabas. Hay. ANG TAGAL NG SEASON 2.
Ok, so Veronica gets killed in S2 Ep1. Ha. T-Bag is still alive... Sara is, too (and gets a note from TV hottie Scofield), and a new character, Mahone, figures out Scofield's escape plan because of the tattoos. According to what I've read from the peyups spoilers, two other characters will die, Abruzzi being one of them. At early in S2 ito ah. The other one was "described as an unarmed 'kid,'" and I honestly wish that he'd be Tweener. hahaha. Si T-Bag, tatagal pa yan... sana. Gusto kong madevelop pa ang character niya kasi ang disturbing nya. wahaha. Grabe na to, tuwang-tuwa na talaga ako sa Prison Break; dagadag pa yang oh-so-gwapong-Efrein-inspiration na si Wentworth Miller. ahiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!
*At dahil sa pangungulit ko sa mga kaklase kong manood ng PB (para may mapaghingahan naman ako ng saloobin), alam na rin nila kung anong itsura ni WWM.... naligayahan naman sila. hahaha.*
|
|
|