Grabe lang tong last few days ko. Sine't TV lang talaga. Ay sige, basa na rin pala ng
HP6 (lumalablayp!). Pero basta, sagarin ang mga araw na walang pasok. Last Saturday, nanood kaming
The Omen. Mababa talaga ang takot factor nito. Gulat moments lang talaga. Naaalala ko pa dati, matagal-tagal ang epekto sakin ng original The Omen movies, pero baka dahil lang sa bata pa ako nun. Owel, ganun talaga, ganyan ang mga kinalakhan kong mga pelikula-- The Omen, Amityville, Child's Play, Nightmare on Elm Street, Friday The 13th... ganun talaga. At talagang sinubaybayan ko ang mga sequel nyan; may basbas pa ng magulang.

Anyway, ayun nga...
The Omen. Gusto ko yung Damien dito. I mean, I found him cute. Hehehe. Hindi siya nakakatakot. Para siyang si Aaron (SCQ kid questor) na payat lang. Yung killings naman dito sa The Omen, parang Final Destination ang dating--freak accidents. Tapos medyo dragging nga kasi puro usap. Talagang ikwento ba daw ang puno't dulo. Di ka na binigyan ng room para pag-isipan. Pero na-enjoy ko.

For more, para na akong tinour sa Europe. wahehe. pasukin natin lahat ng simbahan at building doon. Maganda ha. Mapuntahan nga minsan.
So bukod sa The Omen, kina-Sunday-an naman ng umaga,
The Mighty Ducks marathon sa Star Movies! Grabehan! Ito talaga ang kumumpleto sa araw ko. Ayan, may lighter side naman ang pagsubaybay ko sa movies nung kabataan ko. Wahehe. Ang cute cute cute talaga ni
Adam Banks and I so love D2. Sana maglabas uli ng VCDs ng D1, D2, D3 na naka-package naman para mura!
Kinahapunan,
Fushigi Yuugi OVA naman. Sampung oras yata ito eh. Tinamad ako, di ko na tinapos. Landian lang naman. Hmpf. O tapos, nireplay nung Sunday night ang OTH kaya happiness.
(ang pathetic ko, grabe)
At kanina lang, pinanood ko na yung
40 Days & 40 Nights na binigay ni Raini. Sa Star Movies ko kasi unang napanood to. Andaming cuts, obvious naman sa sequence nung napanood ko dati. At dito sa video... jusme... nakakatakot. wahahaha. Nakakangiwi ng mukha. Yung tipong you like who you're seeing on screen, yet you don't really want to see him doing uhm... such things. basta. Patnubay ng magulang ay kailangan. Ay wag na lang pala. hahaha. Di ko na panonoorin to muna for a long time.
Ngayon,
Nightmare Before Christmas naman. Salamat ulit kay Raini. wahehe. i love you talaga. Ipapapanood ko yan mamaya sa nanay ko. Gustung-gusto namin yan nung aking kabataan eh. wahehe.
At mamaya, eto na naman ang routine kong
Smallville/OTH - The OC - Prison Break. Pagkatapos nun, magrereview na talaga ako ng Span 11.