i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for May, 2006




Sa aking mga bisita:
| 09:39 PM

posted in Unclassified


Kamusta naman kayo? Salamat sa pagtangkilik ng Okrayable Friendster Profiles, at pasensya na rin dahil hindi updated. May problema kasi ako: when i click the "Search" link in Friendster, puro error. Hindi lumalabas yung maramihang bagsakan ng profiles. Sabihan nyo ko kung pati sa account nyo ay ganito. Chenks.

Pero hindi yan ang gusto kong sabihin sa inyo, mga bisita. Gusto ko lang sorta kinda like-a i-commend kayo dahil balita ko, namulat kayo ng aking pandaraot sa katotohanang panget at nakakairita ang StIcKy CaPs at ang malanding text lingo. For more, balita ko'y nagsipalitan kayo ng profile content ah! For the betterment of our country naman sana yan...

At sige, salamat din pala sa inyo dahil tumaas daw ang page views ng friendster profile ng kaibigan ko. hehehe. That's very nice (?). Pero magdadamot na ako ng profile soon dahil wala na rin naman akong nakukuhang Okrayable Friendster Messages.

Ay, nakalimutan ko sasabihin ko...
Babay na nga muna!

Oh.... Wentworth Miller is sooooo hotttt nga pala.


[ gdwn ]




How Come You're Still Single?
| 05:39 AM

posted in Readme


Hindi sa nagrereklamo ako sa buhay ko ngayon ah. In fact, I am so loving being single. Pero natuwa lang ako sa pagkakasulat ng tekstong ito at sapul na sapul naman daw ako. Syempre palitan na lang ng context. Hehe.



Ilang ulit na bang nangyari sa iyo ito?
Ngayon ang kasal ng pinsan mo. Heto ka, ang ganda ganda mo. Naghanda ka talaga dahil minsan-minsan lang ang okasyon sa pamilya nyo. Kadalasan sa mga lamay na lang kayo nagkikita-kita so ngayong kasal ng pinsan mo, gusto mo namang maging maganda at mapansin nila. Aba, napansin ka nga.
Ganito ang tanong ng lahat ng kaanak mo sa iyo...

"O ikaw kelan ka ikakasal?"
"Uy, ikaw na ang susunod ano?"

Parang gusto mo na sa susunod na lamay sila naman ang sabihan mo ng "Ikaw, kelan ka susunod?"



Huwag kang malungkot. Ito gusto nga kitang sumaya kaya sinulat ko ito. Hindi ka dapat malungkot dahil maraming posibleng dahilan bakit hindi ka pa kinakasal hanggang ngayon. Hayaan mo silang mainip sa paghihintay. Basta kung okay ka, okay ka. Hayaan mo tulungan kita mag-isip kung bakit wala ka pa ring asawa hanggang ngayon. Naisip ko na 'yan eh. Ito ang sampung dahilan bakit wala pa.


1. Kailangan mong mag-concentrate sa career.

Hindi na uso ang mga babaeng pambahay ngayon. Kalimitan meron nang tinatawag na career. Habang hindi ka pa tinatamaan ng palaso ni kupido, hamo na munang magconcentrate ka sa trabaho mo. Kailangan mong ma-achieve ang full potential mo bago ka mag-asawa, kasi 'pag nag-asawa ka na, tanggapin na natin, iba na ang mga prioridad mo sa buhay. Lagi nang mauuna ang pamilya.

Habang feel mo pang lumaban ng lumaban sa rat race at umakyat ng
umakyat sa corporate ladder, huwag mong panghinayangan na wala ka pang sariling pamilya.



2. Masyadong mataas ang standards mo.

Ibaba mo kasi ng konti, baka naman kahit si Rizal hindi ma-achieve yung standards mo. Tandaan mo, si Rizal kahit na bayani medyo babaero din. Walang taong perpekto. Kahit naman ikaw di ba? Meron ka ding kapintasan? Baba mo ng konti, yung makatarungang pamantayan lang. Baka naman naghahanap ka ng Brad Pitt eh di ka naman si Jennifer Aniston. (oi, excuuuuse me?!) Lumagay ka lang sa dapat mong kalagyan. Baka naman naghahanap ka ng kasing yaman ni Zobel eh ikaw naman eh pobre din lang naman. Huwag. Huwag ganoon. Para kang gago non. Baka naman naghahanap ka ng smart na gwapong mayaman. Ate, kung ganon ang hanap mo, malamang tatandang dalaga ka na talaga. (can't i really have it all?) Di lahat binibigay ni Lord. Di bale kung salat sa face value, babawi na lang siguro yung sa bait at sa talino. Kung puro face value naman, at salat sa kaalaman or masama ang ugali, manalig ka na lang na baka pag pinakain mo ng gulay tumalino ito. (wahahaha oo nga naman) Better, lahat naman ng tao nagbabago. Pwede pa 'yan bumait.


3. Hindi ka lumalabas ng bahay.

O baka lumalabas ka nga ng bahay, sa opisina lang naman ang punta mo. Huwag ganon. Sumama ka sa mga kaibigan mo, mag-mall ka, magsimba ka, mag-outreach program ka. Huwag mong panisin ang sarili mo sa bahay dahil wala talagang makakapansin sa iyo sa bahay. Mag-aral ka ng painting, voice lessons at Yoga. Imaginin mo kung magka-boyfriend ka na Yoga master? O di ba cool 'yun? Magliwaliw ka sa bookstores, sa coffee shops, at kung saan-saan pang mataong lugar. Baka sakali mapansin ka doon.


4. Baka naman sobrang tapang mo.

Oo nga naman, baka naman sobrang masungit ka at natatakot sa iyo ang mga potential suitors mo. Baka dapat kang maging approachable ng konti. Baka masyadong maangas ang dating mo imbis na matuwa sa iyo, matakot. Baka sobrang independent mo, at parang mabubuhay ka nang wala silang lahat. Minsan may epekto rin 'yan. Baka sobrang talino ng dating mo pakiramdam nila mababara lang sila or baka 'pag pinadalhan ka ng love letter eh i-edit mo ng red ink pen. (oi benta sakin to, pramis!) Magkunwari ka kayang tanga paminsan-minsan, tingin mo?


5. Baka naman kasi losyang ka.

Oo nga naman, mag-ayos ka paminsan-minsan. Kaya lang, kung pangit ka, pangit ka talaga. No amount of make up can change that. Pero at least pwede ma-enhance nang konti.


(Reasons 6-10)


Sabi ko na nga ba... tatanda akong dalaga.
Hahaha.


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf