Di ko na dapat gagawan ng entry to eh.
Dismayang-dismaya kasi ako kahapon nang di nila ituloy yung
Tigbak Authority (MMFF edition) sa Startalk dahil kinover nila yung pinatawag na presscon ni Mother Lily about the MMFF scandal. Anubayan, institusyon na ang Tigbak Authority tuwing may awards night a!
Anyway, yung presscon eh sagot yata sa paratang ni Anabelle Rama na si Mother Lily ang nag-manipulate ng awards night. E syempre, mega-init ang dugo ng Anabelle Rama dahil wala ni isang award ang
Mulawin the Movie. Sa presscon naman, kinwestyon yata ni Mother Lily yung pagkapanalo ng
Kutob over
Blue Moon. Eh nahirapan ako sa pagsasalita niya kaya di ko na tinuloy panoorin. Jusko, babasahin na nga lang ang speech, di pa magawa nang maayos!
(Eto yung winners sa ilang categories)
Wala akong comment sa winners dahil wala akong pinanood na kahit anong entry ngayon. Yung sa Mulawin issue na lang ang cocommentan ko. Pagbukas ko kasi ng TV kanina, nagpapasalamat sa fans yung Gutierrez brothers tsaka yung isa pang artista sa Mulawin. Sensya na raw at wala silang maipagmayabang na award, pero ang tunay namang pagkapanalo eh yung tangkilikin ng fans ang movie mo. Tapos ipinagdiinan na lang nila na Rated A ang movie nila.
Eh bakit bitter? hehehe. Akala ko ba, ok lang na walang award?
Pero sabagay, pinaghirapan naman nila yun kaya masakit sa kalooban nila. Owel, di ko naman pinanood yung Mulawin kaya di ko alam kung kaaward-award ba ito.
Naalala ko lang ang mga katagang ito na nabasa ko sa isang yearbook (
note: hindi exact words pero medyo ganyan):
Hindi man kami nanalo sa kahit anong field demo, alam naman namin kung sino ang tunay na panalo. Inyong-inyo na lahat ng awards nyo!
Eh bakit tunog bitter?