Napanood ko na rin, sa wakas,
Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Nov30 pa lang, plano ko nang panoorin yun, kaso talagang walang time (at walang makakasama). Siguro, kung palabas na to nung nag-PanPil17 ako, madugong review ang hihingin sa amin.
Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros is not really a gay film, as i thought it was. There was more to the movie than a young boy's pagmumujer. It tackled life in the slums; how people like Maxi's family get through with their everyday lives doing what they do. Akala ko nga, api dito si Maxi eh; hindi pala. And his very good relationship with his dad and kuyas really moved me. wehehe.
Nathan Lopez is cute. Gwapo and pretty at the same time! Eto ang isa pang example ng sinasabi ni Ana na "payat pero masculado." Tuwang-tuwa ako pag kumekendeng siya, pag ngumingiti dahil kinikilig, at pag nag-aayos ng hair. Hehe. Though inconsistent at times kasi minsan maton maglakad, convincing pa rin!

Ligayang-ligaya ako sa
beauty contest scene nung tropa ni Maxi.
('Nay, malamig na ang pancit!!! Mas malamig pa kayo sa pancit!) Tapos yung baklang si Narda (siya rin si Ms. Pancit no?), kuhang-kuha yung self-introduction ng typical beauconeras.
"...from Venezuelaaaaa!," with matching panginginig ng mukha. Grabe, laugh trip! Kuhang-kuha ng eksenang to ang classic beauty contest boo-boos.

Nadisturb ako sa hepe ng pulisya, si
Kuya Bodjie. (ano nga pangalan niya sa
Maxi?) Lumaki kasi akong nakikita siya sa Batibot, tapos sa movie, he mercilessly killed Maxi's dad?! Waaaaah, isusumbong kita kay Pong Pagong!

Gaya ng katanungan ng iba, ano yung grudge between Kuya Bodjie and Mang Paco?

I don't like Victor. He flirts too much with Maxi. And his steroid-induced-looking muscles scare me. Anyway, sumakit ulo ko dun sa sipol scene nila ni Maxi. Ano ibig sabihin nun? Pero in fairness, nung tumulo luha niya sa scene na yun, natouch ako. hahaha.
Kuya Bogs. How I would love to have a kuya like him. aaawwww. Hindi naman yung adik-adik at fine arts ang dating, pero yung katulad niya--brusko pero sweet at maalalahanin sa kapatid. Sobrang natouch ako sa mga eksena nila ni Maxi: yung
jeepney scene (when Kuya Bogs was comforting Maxi, whose heart just got broken by his/her ultimate crush), at yung
"Tirintasin mo nga buhok ko" (nung naglalambing si Kuya Bogs kay Maxi). Ang sweet lang. huhuhu. He was all you wouldn't expect from a Kuya who had that bad boy image. Parating na ang mga Hathor! hehehe.

Akala ko mag-ama sa tunay na buhay si Mang Paco at si Kuya Boy. hahaha. Magkahawig kasi, share ko lang. (At nasa Etheria din pala si Kuya Boy ano? hehe.)

Sabi nga ni
Raini,
ang taray ng ending. Wala na akong masabi, tarush kung tarush. At yung fact na nagbagong-buhay yung mga Oliveros ay sobrang ok. hehehe. Ang cute cute kasi dahil kebubrusko to the mamamatay-tao level ng mga kuya tapos napag-aral pa nila sa Maxi tapos love na love nila.... abasta! hahaha ang jologs ko talaga. Di kasi tipikal. Yun lang yun.
Basta. Enjoyable talaga
Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Enjoyable, disturbing, at moving. I like. hehe. Films like this are what we need, not like those in the MMFF 2005. For God's sake, husto na ang Revilla movies at yung mga taga-Eat Bulaga ang cast! (ay, another entry na lang to.)
-----------------------------------------------
(The Makati Adventures (and the bus blooper))