ang hot na talaga ni Daniel Radcliffe.

daig pa ang flames na lumalabas sa Goblet of Fire. kamusta't pagpantasiyahan ang bata?
nakanood na kami ng
HP4. 10:40am yung habol naming screening pero dahil sa HABA ng pila, yung 11:15am na sa Cinema 1 ang inabot namin. may libre pa ngang kalendaryo eh, nagpakuha na lang ako kay Via dahil pinapapasok na nun yung para sa Cinema 1. buti mabait yung kahera at pumayag na si Via na lang ang kumuha ng kalendaryo ko! naenjoy ko talaga yung GOF kasi maaksyon dahil dun sa World Cup at Triwizard Tournament. akshali, kung movie lang din ang pag-uusapan, Triwizard lang naman kasi yung inikutan ng istorya niya.

gaya ng sabi ko, ang hot na ni Daniel Radcliffe. hahaha. wala siyang panget na anggulo sa GOF! grabehan. at nagkakaroon na siya ng katawan. at siyempre pinagtatawanan ko pa si Joan nung high school kasi tinitilian si Daniel. eh naman kasi, 11y/o pa lang siya nun diba? at least ngayon, 16 na. ok lang yun! wahaha. kamusta ang banyo scene? wheeee!
"Potter is a boy, not a piece of meat." hehehe.

kahit pahapyaw lang yung sa
Quidditch World Cup, ang lupet naman. manghang-mangha talaga ako dun sa stadium. nakakanginig ng laman sa excitement yung paglipad nila. wahaha. pero mas exciting pa rin yun nung binabasa ko. owel.

naaliw ako sa pagpasok ng Durmstrang at Beauxbatons. gwapo yung nasa unahan ng Durmstrang ah! peryang-perya nga lang ang dating. sana nagsama na rin sila ng kumakain ng buhay na manok. hehe joke lang. pero ok.
dragons, merpeople, and the maze. huhu bat ba manghang-mangha lang ako sa scenes na to? basta nakakamangha kahit kulang-kulang sa maze pero hayaan na lang natin silang manatili sa imahinasyon ko. bibili rin naman ako ng VCD niyan. hehe. naaalala ko yung Undin sa merpeople.

nakakaawa yung "pagkakagawa" dito kay Fleur. ang whiney niya at wala na kong narinig sa kanya kundi tili at iyak. bat naman nila ginanun? hahaha. ok naman siya sa libro ah! ayun lang, skl.
the yule ball. hahaha shempre mega-kilig ang Hermione! tawang-tawa ako sa pagpipigil nya sa pag-swoon ah. may kamukhang bandista si Krum, di ko mawari kung sino, basta meron. pero di siya hot. si Cho Chang.. uhm.. Sarah Geronimo? wala siyang ginawa dito kundi magpacute. ang awkward kasi ng facial expressions niya eh. parang di naman niya mare-redeem ang acting skills niya sa HP5 kasi ang pathetic ng role nya dun. owel, sige. oo nga pala, ayus yung banda,
The Weird Sisters.

talagang may naaalala akong prof pag nakikita ko si
Madamme Maxime. hahahaha. ang cute cute nila ni Hagrid.

nadisappoint ako kay
Cedric Diggory. sa posters lang talaga siya gwapo. kelangan bang lagi siyang naka-pout, o ganun talaga nguso niya? abasta.
ang pasko ng pagkabuhay. the graveyard scene didn't come out as i imagined. mas brutal yung naisip ko habang nagbabasa ng book. at pati yung death ni Cedric, wala masyadong drama sa movie (bale ok na yun), pero di ko naman inexpect na basta na lang titirik yung mata niya noh.
ABASTA. nagandahan ako. kahit kasama ko yung kapatid ko at hindi na sumama si monica (kasama nga naman ang orgmates. huhu.), naenjoy ko yung movie. kahit ang sarap sikuhin sa mukha nung katabi kong babae na hagikgik nang hagikgik, ok lang. mapapanood ko rin naman ulit to sa HBO.