so late bloomer na talaga ako no? nitong sem-break ko lang nabasa yung
Harry Potter 5 eh. hiram-hiram lang kasi ang ng mga libro. (thanks, charm!) hindi man kamangha-mangha gaya nung
Goblet of Fire, na-enjoy ko pa rin talaga tong
Order. hindi ko inakalang keri ko pala magbasa ng mala-bibliya-sa-kapal na libro.

andaming
pulitika sa Order of the Phoenix. kesho gusto raw ni Dumbledore palitan si Fudge sa ministry, tumatanggap pa sila ng "donations" from Malfoy, pinatay si Bode dahil taga Dept. of Mysteries siya, tapos lahat sa Hogwarts eh kelangang ministry-approved, etc.
Professor Umbridge is such a BITCH! sobrang nakakainis lang siya. ang epal epal niya. ang epal niya sa class discussions, ang papansin niya, andaming bawal, basta pakshet siya! hahaha. at bwisit na bwisit ako sa twing naglalabas siya ng bagong decree. napaka-specific talaga eh no? nakakapikon lang. isipin mo kung ganun ang pamamalakad sa school mo... sobrang bad trip diba? abasta, bitchesa talaga. now, that got her gang-banged by the centaurs. wahaha joke lang!

i really like
Snape. parang sina Harry lang ang naiinis sa kanya. hehe. pero kelangan talagang may malungkot-ang-aking-nakaraan-dahil-ako'y-tinatapak-tapakan-lamang effect dapat ang life story niya? cammon!

si
Cho Chang naman, hindi yata mabubuhay ng walang boylet. parang gaga. yun lang ang masasabi ko. akala ko naman idedevelop siya into an evil character kasi lagi siyang umaaligid kay Harry, eh kelangan lang pala niya ng shock absorber. parang tangek.

di ko gets yung death ni Sirius, seriously. ano yun, nalaglag lang tapos namatay? nung kinwento pa naman ni Ana dati yung pagkamatay ni Sirius Black, akala ko morbid tapos sobrang exciting na ganun. eh wala, parang walang dating.

anong mangyayari kay
Luna Lovegood, ganun lang role niya dun? ang chaka naman. parang andun lang siya para may kasama si Harry na namatayan na. wehehe. kamusta ba siya sa HP6?

gusto ko yung concept ng
Thestrals. you can only see them if you've seen death. ang freaky. hehe.
Gusto ko na rin mapanood movie nito. Sana exciting din. sana maganda pagkakagawa sa thestrals. tapos dapat maaksyon talaga yung HP vs. the Death Eaters! wahaha.
Shin, peram nung Half-Blood!