
wala akong mahanap na maayos na MP3 ng
Heart-Shaped Box na version ni Jordis Unga sa Rockstar: INXS. aynako. (onga pala, maganda yung version niya ng
The Reason, di tulad ng sa Hoobastank. wahaha) napanood ko na rin yung video ng bagong INXS na
Pretty Vegas, at owel, kelangan lang talaga magpakita ni JD ng skin. ok fine, he can really sing and perform. but i already want to see Jordis on MTV.

nanlulumo ako sa sem na ito. mukhang mamumulubi talaga ako sa dami ng gastos para sa subjects! eh halos lahat na ng subject ko ngayon, may trip. T136 lang ang wala -- accounting yun, pero waynat, baka maisipan niyang magpa-field trip. ililista ko ang gastos ko pagkatapos ng sem na ito. tapos di na ako makakapag-aral next year. huhuhu. purita nang tuluyan.

bukod sa trips, may required book pa sa
T175. nakahiram na ako kay Ever kaso nakay Buyco daw tapos hindi ata mahanap ni tangkad. kamusta naman at hindi naman kami close at in fairness ay tinatamaan naman ako ng hiya na kulitin siya. sana makuha na ni Ever.

para di na ako bibili. hahaha diba, Anj?

bukod sa trips at books, may
P2000 kaming gagastusin for
T112 para pag-aralan ang Amadeus.
(siyempre edited na. hahaha maraming nadadaan dito -- strangers, classmates, friends, mga guro't propeta... takot ko lang.)

hindi ako matahimik sa ginawa ni jaja. talagang pinangalanan niya yung crush ko nung grade3 sa harap ng orgmates namin. keri lang, luma na yun, pero nakakahiya dahil napakaliit ng mundo namin mga taga-UPIS!
(at pinost ko talaga dito. eh bakit ba. palaisipan din sa inyo yan, maiintriga kayo. hahaha.)

nakahiram na ako ng VCD ng
Shutter. ampogi talaga ni Ananda Everingham don!
alumni homecoming ng UPIS sa Dec 10. birthday ko yun. gusto ni bea pumunta. gusto ko makita ulit yung batchmates ko! kahit yung mga kabarkada ko man lang, ang GSP all-stars, at ang xDao. at ang aking '06 friends. oo nga pala, retired na si Ma'am Principe, nakasakay ko sa jeep.

excited na ako sa
Goblet of Fire. hottttt na talaga si Daniel Radcliffe. at most of the scenes (i hope) ay gwapo si Cedric Diggory. at eto na... i'll be seeing the movie
with monica and.... tendededen... my brother. wow, bonding.

i told Cherry May that Jeff and I would like to host
Ms. Eng'g. hahaha. mapapasubo ata ako. pero gusto ko lang talaga mambalahura on stage. the last time i did that was during Angelica's debut. tagal na.

galing Subic ang tatay ko. nakaka-isang pakete na ako ng tsokolate. baboy.

first time kong marinig ang
Datu's Tribe kagabi, sa MYX yun, Lakambini Bottom ang kanta. wahehe, iba ang boses ni Sir Cabs. mas mababa pag normal na nagsasalita. naaliw naman daw ako.

there's one person who has sent his/her friend (i guess) a friendster message last Nov12 with my blog's URL on it. sana ay ginagawa lang nila ito for fun, hindi ba, 210.1.85? hehehe. taga-Benguet ka? owel, the hell i care. gusto ko lang ishare. =) di na nga ako nagbabanggit masyado ng pangalan dito, pansin nyo? wahaha, kaba?