(
long entry. pero basahin nyo, ok to kung malakas inahinasyon nyo!)
hanggang 1pm of oct 12 ang paalam ko sa mga magulang ko para sa sem-ender ng
Ecotour, pero 8am ako nakarating sa bahay.
nanay: bakit ang aga mo?
gdwn: ampanget nung lugar eh. tsaka minulto raw kami kagabi.
nanay: o talaga?! may nakita ka? sayang, sana andun ako, masaya yun! hindi nyo na hinanap? wala kang naramdaman?
gdwn: wala eh. isang bata tsaka isang mamang walang ulo daw.
nanay: saan ba yan?
gdwn: sa east fairview, dun sa pinuntahan natin kasama sila tito dati. yung may piano.
nanay: eh may boarders dun ah. baka naman nagtatakutan lang yung mga ka-org mo!
gdwn: oo nga eh. tsaka andaming salamin. pero nag-iyakan sila eh. tsaka tatlo yung nakakita.
nanay: naku sana nakita mo! kung nakita mo yun, baka hinampas mo pa!
tama. hahaha. akshali sa kapraningan kong to sa masasamang loob, baka nga hinampas ko yung
mamang pugot na naka-dark blue shirt doon sa may pool. nakita kasi "siya" ni ariane. ulit ulit, every glance niya to that direction. sinabi niya sa mga kasama niya sa pool.
"may tao ba don? yung... walang... ulo?" pagtingin ni riza, andun nga si Headless Manong. sabi ni riza, tiningnan pa niya ulit, pero andun talaga. ayun na ang takbuhan nila pabalik sa sala.
(eto na yung ghost story!)
so much for a sem-ender noh? ayus. hahaha. bonded na bonded na talaga kaming mga pumunta, siksikan ba naman sa kwarto eh. pero owel. i don't really believe in ghosts. neither do i believe in aswangs and the like. but i consider the thought that there are elements lurking in another world parallel to ours. i've never had encounters with ghosts, i'm happy that i haven't, and i'm not looking forward to having any. but if ever i see one, ayoko yung gumagalaw, may mukha, nakatitig sa akin, distorted ang features, at higit sa lahat, yung nanghahawak ng tao o gamit. keri ko pa siguro yung mamang pugot; baka nga di ko marealize agad na mumu pala yun eh. pero yung gumagalaw, ibang usapan na yun. dun na lang sila sa nginiiig questors. isa pa, mas takot pa rin ako sa mga adik, mga taong may criminal tendencies, at siyempre sa freak accidents, lalo na't road pile up.
i'm contented with not having a third eye and i like my life as it is now, thank you very much.