Entries for September, 2005
*tears tears*
September 1st, 2005 | 07:22 PM
|
|
|
so i cried. this was the first time i cried in front of other people eversince i entered college. healthy din siguro to. i haven't cried for a loooong time.
naman kasi. bagsakan na nga ang mga grado ko eh; to think na tourism lang to. utang na loob ha. first exams lang ang basis pero
T131 - 52/100
T181 - 76/100
Stat 101 - 35/85
T114 - 55/100
T161 - 63.5/100
at talagang nilagay ko ang scores ko. patunay yan na di ako nag-iinarte; i.e. "nababaan sa 80 dahil aiming for a 95". i wish i could be like melai who could say "siguro isipin ko na lang na buti hindi ako nawalan ng payong na naman" or "isipin ko na lang, tapos na diba?" everytime she feels like she's done something wrong in an exam. (who by the way, ends up getting high final scores)
kaya sa iba diyan, try to be sensitive (ahwel, di naman nila to mababasa). di porket gaganito-ganito ako, ibig sabihin eh nagmomoment lang ako lagi pag tahimik ako. minsan, mas ok na hindi ako pinapansin pag mukhang ayokong makipag-usap. baka ayoko talaga makipag-usap diba? kaya ako naiyak kanina. i got my scores in two of my exams--failing, yes. kaya nung napag-usapan ang scores namin, naiyak ako. hahaha. jusko, span10 na lang ata ang matino kong subject ngayon eh.
nakakainis. i tried holding back the tears, but the more they tried to comfort me, the more they made me cry. hindi naman hagulgol pero ampanget lang kasing umiiyak ng public. it just doens't make me feel better when someone tells me na "ok lang yan" when it's not. not that i blame you for making me cry, it's just that i'm not the kind of person who'll feel better when you try to comfort me. pero salamat na rin sa concern. di nyo naman alam eh. basta next time, wala na lang pansinan. hehe.
screw this thought, but maybe, this isn't just for me. maybe i should have chosen a course that doesn't require memorization of every fact in order to answer questions.
PS: and yes anj, i might need your help. ako na lang lalapit sayo. salamat.
|
GONDONILLA
September 6th, 2005 | 04:55 PM
|
|
hi. i am the socialite bitch who is very annoyed with psychotic closeted fags. i have an attitude problem because i haven't fulfilled some particular definitions of "friendliness." i also tend not to reply to text messages because i don't know how to use a cellphone. (it must be a sin not to reply URGENTLY to messages i deem unreplyable.) and i guess, it makes me more of a bitch because i blog about people who talk behind my back. shet, i'm so enjoying this.
hemmingway...
malamang ay nabasa nyo na to at nag-enjoy sa nilalaman ng mumunting tekstong ito:
It's so hirap talaga to study in UP, the University of the Poor. You know, I never wanted to study here. But my parents kasi, they both went to UP and they said na it was the best school talaga. Eh 'di I went. But no! When I got here, Holy horrors!
I was ready to make himatay after the first day pa lang. Would you believe, there's no aircon na nga in the classrooms, the fan doesn't work pa. And then this guy who was like, wearing a sando, shorts and tsinelas lang made tabi next to me. He made pakilala pa! The nerve! So I made takbo to the CR to make tago. But I couldn't make hugas my hands that were so pawis from escaping such a near-death experience. There was no liquid soap! Not even a couch where I could sit to make kikay.
Do you feel my pain na ba? But wait, there's more. Last Thursday kasi Daddy's Volvo was bawal, eh the Eclipse was being repaired, so I had to make sakay with my yaya in the Ikot jeep. It was so siksik! I could like, smell the putok of the girl next to me. Like, it was sobrang mabaho talaga. kasi naman, the Ikot jeeps are old na nga, they're mainit pa! Sana they make palit na the jeeps with a shuttle system. Okey lang naman even if there's an increase in pamasahe di ba? So when the car is bawal, I can use my credit card na to make bayad.
Isa pa, you know the Shopping Center? It's so kadiri talaga. I'm forced na nga to make Xerox there, (as if naman I would be caught in that place otherwise) pero I'm so inis because it's so madilim and maliit, and most of the stalls don't have aircon. They should tear it down na and build a mall na lang. Then I wouldn't have to go to Katipunan pa to get my Starbucks fix.
My gosh, this place is so bulok I don't know nga why anyone would bother making turo here pa. Just yesterday, my professor was kinda inis kasi her whiteboard marker had no more tinta! Then she tried to make hanap a matino whiteboard marker but of course there was none. Duh! Kasi naman if we had laptops instead of desks in every classroom there would be no more need for whiteboards di ba? But you know even if there were laptops na, the seats are so tigas sometimes I find it mahirap to concentrate. Dapat may cushioning para malambot sa butt, like Downy.
Now I'm in my fourth year na. I don't want to stay in this place anymore. I don't give a paki if UP's the best university here. I'm going to transfer to La Salle, where the CRs have liquid soap. Now na.
eto naman, nakuha ko sa friendster bboard at kasama ng teksto sa itaas, (may reaksyon ang kung sino man na ganito:)
ABA. aba guinoong maria. malamang ay forwarded lang naman sa friend kong nagpost nito sa bboard yung violent reaction sa conyotic text, pero kung sinumang gumawa nito... hindi niya ata ma-distinguish ang joketime sa seryosohan. yun lang ang masasabi ko. for all we know, the person who wrote the conyo text might have been mocking La Salle, and not UP. then lasalistas have the right to react to that. pero kahit na. obvious naman na ginawa yan para sa katuwaan. mahirap talaga pag makitid ang utak.
|
hashna ivo masnum
September 16th, 2005 | 07:27 PM
|
|
|
now this one's worth blogging about. tutal, i haven't posted an entry for a loooong time.
medyo tapos na kasi ang trabaho ko. tapos na ang report namin sa Deluxe Hotels (Peninsula Manila, to be exact), at omaygad, karir kung karir ang report na ito! as in eto yung first time ko ngayong college na mag-effort nang buong puso't kaluluwa. (yung huli kasing naaalala ko eh yearbook days pa nung hayskul.) nakakapagod at wala pa akong tulog, pero masaya. pag pala nag-eenjoy ka sa ginagawa mo, sobrang nakaka-fulfill pag natapos mo na yun.
as for the entry title, may Encantadia part kasi sa report namin, ahem, starring melai. jusko kung napanood nyo ang performance niya as Pirena, maliligayahan kayong tunay! hahaha. yung multimedia parts naman, yun ang toka ko. mahina kasi ako sa manwalang gawain kaya eto na lang. hehe. nakakafrustrate pa kasi ilang beses nag-error at ayaw lumabas sa LCD ang video, buti hindi ako naiyak. tapos nagsisigawan na kami ni charm sa harap, at akala yata ng classmates namin eh nag-aaway na kami. (hindi po, ganun lang talaga epekto ng frustration. sorry charm!) kaya nung lumabas ang video sa LCD, sheeeeeet whattarelief! at wala lang... dahil naligayahan si mam at ang mga kaklase ko sa video, sobrang nakakataba. ay, nakakataba pala ng puso. pero basta, i'm so proud of myself! hahaha. hindi siya bonggacious, pero ang ganda kasi nung video para sa gawang Movie Maker lang eh. =) malupet pa ang sounds! (at talagang pinuri ko ang sarili ko)
after ng report, nag-karaoke pa kami. may mic kasi dun at shemps, karaoke.. kaya garapalang biritan. ang sarap ng feeling, lalo na ang kumanta ng OPM songs. basta, nagtatransform ako pag may hawak nang mic. it's so fun. haha. onga pala, ang lupet ng "set" namin. sobrang ganda ng AVR. hahaha. pramis, maganda yung pagkakaayos ng ng mga props. kudos to my groupmates. (ganun talaga, iba-iba kami ng lebel ng creativity). basta, ang saya-saya. nadama ko raw talaga yung palakpakan ng classmates namin pagkatapos ng presentasyon. how touching. naks. tapos nung sinabi pa ni Ma'am na "it's worth the wait", naligayahan ako lalo!
kaya sana, ma-uno namin tong T-181. I NEED THIS. haha. osige, 1.25 na lang. eto na lang kasi inaasahan kong subject eh. hahaha. owel. basta masaya.
bukas, screen caps (charm, mas maganda sana kung clip nung kill bill part no? hehe.)
|
UAAP Cheerdance Competition
September 18th, 2005 | 02:33 AM
|
|
1st: UST Salinggawi Dance Troupe, 90.98
2nd: UP Pep Squad, 90.76
3rd: FEU Pep Squad, 88.72
NOTE: base sa mga obserbasyon at opinyon ko ang mga nakalagay dito, walang kokontra. ay akshali, welcome din pala ang violent reactions. gusto ko lang ipaalam na opinyon ko tong mga to at hindi ko sinasabing ito yung tama o anupaman. ye. baka may magalit e!
----------------------------------------
bitter siguro, pero nung nag-3rd ang FEU at nag-2nd place ang UP, akala ko AdU ang magcha-champ. dahil siguro hindi ako masyadong naliligayahan sa floor dance at mas gusto ko ang matitinding stunts, hindi ako masyadong naimpress sa UST. ayun lang.
Ateneo: sorry, hindi ko naappreciate. medyo na-letahan ako sa performance e.
AdU: masarap sa mata ang uniform nila at swak na swak sa dance moves. astig pati yung hawaiian sa nestle cheer!
NU: masyadong busy ang damit nila. maganda lang siya pag malapit o kaya pag pinang-layout sa blog. hehe.
UE: na-off ako sa ilang cliche dance moves at sa palara pompoms, pero na-wow sa kongkretong mga kilos!
UP: una sa lahat, ang taas ng confidence level ng intro ni Gretchen Fullido to the point na maangas na. hindi nakakatuwa. tapos aliw yung banner na "UP KAMI, KAYO?" pero eto yung tipong sa loob ng campus lang dapat ginagamit dahil baka ma-misinterpret ng iba at mayabangan. ayun lang.
sa cheerdance, shet lang... di dahil taga-UP ako, pero dahil ang lupet ng pyramids, tosses, at lifts. and i so like "shake your groove thing", lalo na yung simula dahil napakabadet!
FEU: isa pa tong nakakamangha. ang smooth ng routine nila na parang lahat eh may transition to the other. dabest ang floor dance nila. :D kung eto pa sana ang champ, mas ok. at naaliw ako sa color-coordinated crowd!
UST: cute nung tiger uniform at maganda ang execution ng mga succession. tsaka gusto ko yung "UST" formation at higit sa lahat, ang nestle routine. akshali dun lang talaga ako namangha.
DLSU: natuwa ako sa moves ala bamboo. hahaha joketime. 
----------------------------------------
ayun, frustrating lang dahil 2nd lang. kitang-kita yung panghihinayang ng pep sa .22 difference. wag dapat ganun! dapat hindi makita sa TV! hehehe. dibale, ang lupet nyo pa rin. mahal kayo ng crowd, UP man o hindi.
at teka, sa TV, kelangan ba talaga yung sound effects na parang hinugot sa instant messenger sounds? langya, panira kaya! ang off off sa tugtog ng mga performer. tsaka kelangan ba talaga ni Boom banggitin lagi ang "baby"? watda?!
|
CS ako last sem...
September 23rd, 2005 | 11:01 AM
|
|
|
...ngayon, malamang hindi na. pero di yun ang punto ko sa entry na to.
before last sem naman, nagiging CS na ako. so i assume, meron silang tamang record ko. aba ngayon, mali ang spelling ng pangalan ko! kulang lang ng "e" pero kahit na... pano kung makaapekto yun sa ibang records ko? pordat, pakshet lang.
naiinis ako dahil sabi sa OIS namin, pumunta raw ako sa scholarship section sa vinzon's. may i punta kami ni joyA kanina, para lang sabihin nilang sa college ko raw dapat inaayos to! aba'y gaguhan? akshali, kebs lang sa certificate kung wrong spelling siya. ang problema ko eh yung records ko na baka mali na rin ang spelling ng pangalan ngayon. owel, hindi pala sa vinzon's inaayos yun (para na rin sa kaalaman ng iba diyan na baka namomroblema rin sa spelling).
isa pang hinanakit ko (akshali matagal na to) eh yung "no grade" (NG) na PE kong lumabas sa copy of grades ko. sabi nila balewala lang daw yun since no grade naman. pero kasi, ang punto ko, sa records ko e may DALAWANG softball na PE: isang may grade at isang "no grade." hindi ko alam kung bat nasa records ko siya samantalang sa form5a ko pa lang, cancelled na yung subject na yun. for that, malinis ang form5 ko at yung tunay na PE class ko ang nakasulat dun. trip to the OUR na ito.
kung sino mang nakakaalam ng tunay na misteryo sa likod ng subjects marked with "no grade," pacomment naman dahil hindi ko alam kung dapat ko bang problemahin yun o normal lang siyang kaganapan. ayjusko.
|
demi moore + ashton kutcher
September 27th, 2005 | 12:18 PM
|
|
una sa lahat, isang matinding cuteness si Ashton Kutcher. hehe ayun lang. ok, so they did get married. grabe, 15 years?! kamusta ka inay?
eto, post ni YinYang sa peyups:
"naisip ko lang, nung hindi pa sila ni demi siguro 'yung anak ni demi may crush kay ashton... 'yung tipong may mga posters pa ni ashton sa kwarto niya... sabay isang araw sinabi ni demi "anak, eto boyfriend ko si ashton"
hahaha. wala lang. oo nga ano.
|
friendster's not fit for stalking anymore
September 30th, 2005 | 09:46 AM
|
|
|
anong kalokohan to at may bagong feature ang friendster na pwede mong makita kung sinong nag-view ng profile mo?!
hahanap kasi sana ako ng okrayable profiles dun sa lower right ng home page. "meet people." sabay nakita kong "viewed my profile." ANAKNANG! buti may feature to view profiles anonymously. narelieve ako dun. pwede ko pa tingnan yung profiles ng mga tao-tao. hehe. at isa na namang limitasyon to ng pandaraot ko sa friendster dahil baka napupuntahan pala ng mga nasama ko sa mahiwagang listahan yung profile page ko.
owel, dahil isang malaking kevlar diyan sa bagong feature na yan, di ko na tiningnan kung sino nagview sa profile ko. 6 pages eh, kung di ka ba naman tamarin. pero nakita ko dun si diane. aba nag-iinternet ka pa pala! hehehe. miss na miss na kita! asan na chinese dynasties ko?
|
|
|