Entries for August, 2005
and to my dismay...
August 1st, 2005 | 05:21 PM
|
|
i almost failed my financial mngt acct exam. i'm just 2 pts over the passing score. nakakaguho ng pangarap. i'm not expecting to get a CS title this sem (kamusta naman kung US diba?). wag lang sana bumaba ng dos ang GWA ko for this sem. ayan, binabaan ko na ang goal ko. sheeet ang GC ko! hahaha. nakakadismaya kasi alam ko kung paano iso-solve at dahil lang sa carelessness ang mga mali ko. parang yung salvage value na in-add ko kesa i-minus. ang gaga lang. buti sana kung di ko talaga alam ang solution. tsaka ang baba ng partial points! gaguhan? and i have a stat101 exam on wednesday. pray for me to get a decent high grade. i need this, kundi, hindi na ako oblation scholar. hahaha oble daw o? chekah lang.
postponed na muna ang okrayable profiles for this week. sabi ko nga, every other week na lang. baka eto na ang karma ko. karma talaga? hahaha. anyway, kung gusto nyo na lang marinig ang boses ko, click here. (zip) yan yung kasama sa nirecord namin ni garma para sa contest.
|
Pantranco po...
August 3rd, 2005 | 07:12 PM
|
|
|
ay miss, highway lang
ay basta dun po sa pinakamalayo
hindi to abot ng pantranco
hahaha. tapos bumaba na ako sa jeep. buti nagbayad ako agad, kundi, hindi nila sasabihing mali ang sinakyan ko. dapat pala, may "PANTRANCO" sa placard ng salamin.
nagkita kasi kami ni maila sa pantranco para ibigay ko yung sulat for ACLE. nung sinabi niyang dun kami magmeet, sobrang ayoko nang pumunta kasi mawawala lang ako at walang maghahatid sakin. pero sige, tuloy lang. in fairness, hindi dumilim ang paningin ko sa favor na hiningi niyang to ah! sabagay, di naman financial obligation kaya ok lang. (hala inuugat na yung noo ko. takte yan, wag na natin pag-usapan.) tsaka parang gusto ko rin ng adventure!
sabi ni maila, may footbridge daw. andami kong nadaanang footbridge, pero di bumaba yung katabi kong pa-pantranco din kaya di ako bumaba. hahaha. nakakakaba, i swear! tapos nung tumawid ako pauwi (sa may STI), nawindang ako sa mga jeep dahil antagal na, walang pa-UP! kala ko magfe-fairview na ako, eh jusko, ayoko namang mag-commonwealth. tapos may dumating na UP jeep na may sticker. yesss. this is it. haha. :D (onga pala, hindi ganun yung inexpect kong itsura ng mga taga-STI...)
at kamusta pala ang pamasahe ko? una sa lahat, wala akong dalang wallet. ID, loose change, P50, payong, panyo, cell, at ballpen lang ang laman ng bag ko kanina. ganun ako ka-praning. so P8 lang ang binayad ko sa pantranco. sabi kasi ni maila, P8 lang. pagbaba ko, dun niya narealize na P10 pala dapat, at discounted na yun. hahaha. (parang dati pauwi ng SM, P5.50 ang binayad ko pero P7 pala dapat. aba, malay ko ba naman...)
|
Si Cesar Montano ang MANANABAS
August 6th, 2005 | 04:59 PM
|
|
|
ako naman, Manánabâ.
last week, halos araw-araw ang exams ko. buti nga, "halos" na lang eh. supposedly, araw-araw talaga. dahil dun, napatunayan kong nakakapampalubag ng kalooban ang pagkain. kamusta naman ang puro icing na sylvanna na nilantakan ko na naman kanina? nagpabili pa ako ng 2 packs ng Turones de Kasoy kay Gaor at 3 Oishi na mala-Planters kay Melai. may dinner buffet pa next week sa Diamond na siyempre, susulitin ko.
ganito pala ang epekto ng exams. buti sana kung treat ko sa sarili ko ang pagkain dahil sa magagandang results. hindi eh. kumakain ako para masaya. problema kasi, talagang majors ang mababa sakin. sana pala, mass comm course na lang ang kinuha ko. idagdag pa natin ang financial crisis namin.
di bale, ako nga, naglakad pauwi eh...
eto pala, galing sa kaibigan kong itago natin sa pangalang Marinel:
NO TO IMPOSITION!!! YES TO VOLUNTEERISM!!!
hahaha. i like.
|
SALAMAT.
August 8th, 2005 | 06:27 PM
|
|
wala akong masabi. ang saya-saya ko dahil sa tulong ng mga kaibigan ko. 75/150 raffle tickets na ang naibenta ko sa 1st day ng bentahan. shet, salamat. di nyo lang alam kung gano kalaking tulong yung palima-limang piso ninyo. (dahil hindi nyo lang alam kung gaano ako ka-unwilling mag-shell out ng pera for definitely less important matters.)
yung 50 tickets na lang kay gdfry at 25 tickets kay dia (salamat din pala!) ang di nabebenta. shet, salamat talaga.
salamat sa UPPMS mems na na-holdap ko kanina. mon, castell, ray, bes (buti hindi babes?), shiine (na nanakawan ko ng P5 :D), at dax (na malamang ay hindi ako kilala, kaya salamat. hehe.) sila kasi yung parang "one time big time" sa tanang bentahan ko ngayong araw. hehe.
sa aking T131 classmates na may mabubuting loob (at si andie ay determinadong manalo), AIT friends, UPIS friends (salamat dahil alam kong matindi rin ang pagkukuripot ninyo. ) at stat 101 classmates (na hindi ko kakilala. hehe. pero salamat.)
syempre pa, salamat kay charm sa P20. malaking bawas yan sa mga pasanin ko sa buhay.
nakakagaan ng kalooban. pero sana hindi na ako umabot ulit sa pamamalimos next time. sana matapos na.
|
EVIL? what evil?
August 9th, 2005 | 11:06 AM
|
|
sabi nyo masama tong site na to? hindi naman daw ah? hahahaha.
"pina-analyze" ko rin yung text ng okrayable friendster profiles & messages sa site na itrez. 39% evil and 37% evil ang lumabas, respectively.
however, pag the okrayable messages page itself, 42% evil, 58% good ang lumalabas. at surprisingly, 28% evil, 72% good ang profiles page.
wahaha pero deadmahin nyo lang. katuwaang analysis lang. alam ko namang kahit anong gawin ko, masama pa rin to. hehehe.
|
Mga Brilyante ng Encantadia
August 11th, 2005 | 05:00 PM
|
|
may kakabog pa ba sa kagarapalan ng mga larawang ito? sa The Peninsula Manila namin yan kinuha. interview kasi namin for research kahapon.


todohang adventure talaga yung kahapon.
 napigtas yung sandals ko nang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep. buti malapit pa sa bahay. pordat, pinahiram ako ni charm ng sandals. at ng skirt na rin dahil hindi bagay sa capri. (my friends have a very discreet way of saying "ang chaka ng suot mo!) hehe salamat charm! pramis.
 dahil malaki ang sandals, hirap ako maglakad. with matching palda-paldahan pa. naka-ilang palit din ako ng sandals. yung kay charm kasi, potential cause for blood clotting. yung heels ni paula, nakakalula. nauwi ako sa green na tsinelas pauwi -- masakit nga lang in between the toes. kamusta ang lakaran palabas ng Pen papuntang glorietta at mega? at siyempre, ang pakikipagpalitan ng tsinelas sa gitna ng mall? jologs talaga. hahaha.
 masaya dun sa employees' entrance ng Peninsula. hahaha basta masaya.
 taga-UPIS din ang ininterview naming si Ma'am de Vera. sosyal. hehe. pero hindi na kami nag-abot. baka early 90's siya. ok naman ang interview. malamig nga lang. kaya nung kalagitnaan na ng interview, nag-lock na ang panga ko.
 todohang picturan kami sa loob ng Pen. hahaha. si paula kasi, hapit sa picture. andaming bloopers dun. napadpad pa kami sa floor ng mayayamang foreign executives. hehe. nakakatanga kasi mag-elevator.
 naiwan ni melai ang payong niya sa taxi. malaking tao si melai. imaginin nyong nagtatantrums siya. hehehe.
 paula decided to give one mannequin in SM a handshake. then its hand fell off. dumating ang sales lady!
 rush hour na nang mag-MRT kami pauwi. kasabay na rin namin sina jake & lianne, mga taga-ait rin na 'di batchmate, na nakita namin sa glorietta. garapalan kaya sa loob ng MRT! ang ingay-ingay pala namin! hahaha. at first time ko kasing abutan ng ganun ka-siksikan. seryosohang walang galawan ito. i'll never let go, jack. i'll never let go. naramdaman ko ngang mag-collapse ang rib cage ko eh. collapsable kasi yun, parang bonbon bed. hahaha. pero na-experience ko naman ang upuan--sa GMA station na nga lang
 pag-uwi namin ni charm, hinarang kami ng mga aso sa street nila. nakakatakot pala. hahaha.
**ayun, ang saya. sayang, wala si grace. wahaha ininggit? hemmingway, dahil sa paglabas-labas na ito, nagkakaroon na ako ng sense of direction! siyet!**
|
iskandalosa.
August 17th, 2005 | 06:00 PM
|
|
si "elsa" ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSWD.

"RAID!!!!! flysung mga badet!"
|
to drop or not to drop
August 18th, 2005 | 06:30 PM
|
|
|
35/85 ang score ko sa 1st exam sa Stat101. sabi ni sir, kelangan kong maka-66% in every exam para maka-tres pa lang. siyet. kamusta yan. may dropping form na ako. first time ko tong maisipang mag-drop ng subject.
ano sa tingin nyo, idrop o itutuloy ko? sa guro naman, parang lahat na lang ng mapagtatanungan namin eh puro negative feedback ang binibigay. waaaaah! naiiyak ako. akshali maluha-luha na ako kanina after stat. pero ayaw tumulo ng luha. hahaha. gagayahin ko sana si cherry gaor, eh ayaw talaga.
pordat, nagpunta kami sa Grill Queen sa teachers' village para lumafang. masarap ang pagkain dun, pramis.
o game, to drop or not to drop? seryosohan to. naiiyak talaga ako. pakshet.
|
The Flash
August 23rd, 2005 | 12:12 PM
|
|
patapos ko na yung presentation ng Ecotour para sa ACLE sa thursday, sounds na lang ang kulang. jusko, kakakuha ko lang nung mp3 CDs ko kaya pinagtiyagaan ko tong sounds ko dito na minimix-mix na lang para magtunog iba-iba. (sabi senyo, recording artist ako eh.) nga pala orgmates, lalagyan ko ng Endless Love Theme ha. walang kokontra, pinapaalam ko lang. hahaha.
PLUGGING: punta kayo, PH230 ang kwarto namin, naka-aircon daw. "Bumpin' and Grindin'" ang title.
pero nafufrustrate ako dahil antagal-tagal ko nang nagfa-flash, ay simpleng presentations pa lang ang nagagawa ko at simpleng website lang din. nakakainis, sobra. ayoko ng templates. ayoko yung lumilipad-lipad na larawan at teksto lang. gusto ko bongga. parang Barkada Trip o kaya yung katulad nung commercials na nakikita natin sa TV na halos video na ang dating. ganun, malupet. eh dahil jologs, i feel hopeless. hahaha. gusto ko, yung kahit man lang lebel ni mere at siyempre, mas ok kung kalebel na ni castell! yikee, flattered!
sa sem break, kelangan ko nang ma-master to. ang chaka naman kasi kung ppt pa rin ang gagamitin ko sa reports ko noh. isang taon at isang sem na lang para magpasikat. hahaha. de, pero kelangan talaga dahil i find ppt presentations inconvenient at sasablay pa pag dun sa PC sa AIT bubuksan. hay.
onga pala: bagong trip
|
|
|