i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for July, 2005




nagmumukmok sa bahay
| 06:38 PM

posted in The Life of Gdwn


FRESHteeg ngayon. free concert for freshies. P120 naman sa non-freshies. naririnig ko na ang mga hampas sa drums. may faint na tono ng gitara. pupunta dapat kami dun, kaso nagback-out yung mga kasama ko.

pordat, andito ako sa bahay at nagre-research para sa T-114.

o, at least academically productive. ay ewan ko ba, lagi na lang, kapag ako ang nagyaya ng lakad, hindi natutuloy. e para naman akong gago kung manonood ng sine o pupunta sa concert nang mag-isa. yung Can This Be Love, tinanggihang panoorin. buti, natuloy yung House of Wax. yung A Lot Like Love, nakaplano na more than a week before. pagdating ng showing, tatlo na lang kaming nagpunta. for sure, sa susunod, pag ako ang nagyaya, walang sasama.

owel, paalam na nga. aakyat na lang ako sa kwarto. mas dinig dun yung concert eh. hmpf.

*buti pa si garma, nakapwesto sa band registration.


[ gdwn ]




ilabas ang wardeeeeeennn!
| 07:25 PM

posted in Readme


natutuwa ako sa picture na ito. tamang-tama. onga pala, naka-Firefox na ako. o raini, nagwork ang iyong plugging! hehehe. kasi naman noh, napapadalas na ang pagrereformat namin, at matapos lang ang ilang araw, virus galore na naman. nag-MSN explorer din kami kaso nakakatanga. at di siya cute. onga pala (ulit), may buddy na ako sa ecotour. si JO. at di ko siya kilala. hehehe. tiningnan ni wryzah sa apps' list kaso kamusta, ten million ang aplikanteng may "JO" sa pangalan. at isa pa, di naman sa ayoko kay Jo (di ko nga siya kilala eh), pero si kristel ang gusto kong buddy. mas convenient din kasi. taga-dito lang yun eh. tsaka basta, para makapagbonding ulit after ilang years. osha, tsaka ko na poproblemahin ang required (wag naman sana) P500 solicitations para sa org. bwakanangshet, san ako hahagilap ng ganung pera pag di ako nakapamalimos?! (ahem friends, nagpaparinig ako. baka pwedeng kahit tig-P10 lang, limusan nyo ko.) e ayoko naman humingi sa mga magulang ko dahil parang ako rin ang nagbayad diba? lahat naman ng gastos ko, sa kanila galing eh. at wala akong relatives na malapit lang samin. again, friends, nagpaparinig ako... konting tulong naman diyan! sige naaaa! (in exchange, pwede nyo kong kuning emcee nang libre. wahaha feeling!)


[ gdwn ]




class pictures
| 03:06 AM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn as a favorite entry


kachat ko nung isang gabi yung orgmate kong may crush na HS batchmate ko. pordat, naisipan kong tingnan ang class pix namin at haaay... napangiti lang talaga ako dahil sa messages nila sa likod ng pictures:

Grade 7
Kurei is yours, Grumpy is mine. - Dia (iyong iyo na talaga!)
I think you'd better leave Kurei or Recca. Dylan is better! - Aleth (wehehe anime obsession days)

sana lahat ng pangarap mo ay matupad na - Pio (naka naman!)
Ilang-Ilang rules! - Ekang (that was our section back in kinder)
sana mutual kayo ni "Kurei". - Marvin (wahaha supportive!)
Godsy & Kurei - solid, forever! - Nikki (panggatong lang. and i think i wrote "Nix & Taz forever" on her picture. )

heto na ulit ako, "singit lang siya ni Kurei" - Chester (coz i didn't want to tell him who Kurei was)

Grade 8
-wala masyado. late na kasi namin nakuha ang class pix noon eh. basta, cyvir had the best handwriting. :D

(Grade 9)

[break=Grade 10]Grade 10
oi! ikaw kilala na kita bago pa tayo mag-UPIS! good luck sa mga bagong buhay natin! - Roland (magkaklase kasi kami nun sa CCCC, kasama pa ang ibang upis people na ngayon ko lang napagtanto)

nakakalungkot na hindi na ulit tayo magkikita as a whole... (B*tch 03) - kaye
kahit malayo college mo, sana magkita pa rin tayo! - Lendl (talagang ipamukha mo pa!)

viva 4ever, marijuana 4 lyf! - garma (tapos may kasunod pang ibang kajologan yan.)

pataba ka ng konti tsaka medyo pa-enhance mo yung hinaharap mo! - Bambie

good luck sa buhay mo mahal na mahal kita hahaha kahit ganyan ka may nagmamahal sayo hehe - Bill (thank you, i guess?)

Mommy! - Gian O
ndi ako solar girl, marami lang akong split ends - Adyssa
pakabait ka at more power! - Ralph (more power? hahaha artista?)
tuloy mo lang mga panlalait mo! - Ben (shet, nagsasalita si ben!)
huwag mo masyadong sigawan ang kapatid mo. - Alvin (haha first time magsulat ng sentence! dati kasi, puro pirma lang niya.)[/break]

[break=G.S.P]G.S.P
na-enjoy ko po ang pagiging GS dahil sa inyong mga cadet. - Mariel & Kitel, 06

astig ako 4ever - Jooka

buti tapos na tong pagiging cadet natin. cool ka lang baka makapatay ka. - stoi

elo! tnx i am nyo - amelia =) love-lots, amelia mga cadets - tnx mabait ka mamimiss pero la na. - amelia (favorite ko talaga to! hehehe.)[/break]


[ gdwn ]




halo-halo espesyal
| 06:36 AM

posted in The Life of Gdwn


una sa lahat, natutuwa ako't 3 straight wins na ang UP Maroons. akalain mo yun! buti naman, dahil... uhm... wag na nga; baka mabugbog ako ng fans. :D shet ka marvs, di ko akalaing sisikat ka sa ganyang lebel! buti di ka dumaan sa solar boy stage.

ayun, sobrang busy ko at di ko na naeexplore tong blog ko. ngayon ko lang narealize na iba na pala ang itsura ng archive feature ng tagboard ko. may magugulo ring codes dito; hayaan nyo, sa late -bers, magpapalit na lang ako ng design.

anyway, gusto ko lang ikwento yung adventure namin ni paulaR sa roxas boulevard nung sabado. nagpunta kaming Hyatt at Heritage hotels para magdaan ng request for interview letters (na sana'y natanggap naman ng HR directors). SOBRANG NAKAKAKABA... ang paglalakbay, hindi yung interaction w/ the hotel people. jusko, eh inuna kasi namin yung Heritage and pordat, kelangan namin tawirin yung mahabang kalsada. mas konti ang sasakyan kesa sa commonwealth pero mas mahaba naman. so takot lang namin sa pagtawid talaga. at nangyari na naman yung may magso-slow down na sasakyan tapos biglang haharurot ng takbo. buti dati, ford yung muntikang makabangga sakin; may ipambabayad yun. eh nung sabado, taxi lang--yung yellow pa. marahil sa malamang, tatakbuhan kami nun.


[ gdwn ]




b.o.t.e.
| 07:16 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


basics of the environment. yan ang activity ng org kanina, kasama ang UP Haring Ibon. nagturo kami sa gr4 students ng Quirino Elementary School sa may Anonas. kamusta ang mga bata diba? wahahaha.

buti kasama ko si paulafig. sobrang salamat kahit useless ako sa pagtuturo kanina. hehe. ang galing niya mag-handle ng mga bata; kahit dati pang nag-aalaga lang kami ng mga kumukuha ng entrance exam for kinder sa UPIS. at sobrang buti na lang at hindi namin nakuha yung section na napunta sa mga (mukhang) tahimik na sina anj & sab. yun kasi dapat ang kukunin namin, pero dahil pagdaan namin ni pau sa room nila eh nagra-riot na, diretso na kami sa ibang room.

nakakatakot yung mga bata dun, buti behaved yung sectiong nakuha namin. may mga gr4 pa lang, tatlo-tatlo na ang hikaw sa bawat tenga. meron ding singkapal ng kadena ng bike ang chain na nakakabit sa pantalon. as in for sure, pwede talagang ipangkadena ng bike yun at ng cargo boxes! di lang yun, dahil ang batang yon eh may gigantic bling-bling din. parang ayoko na siyang i-imagine pagdating ng high school. lord, salamat at nagsurvive ako kanina. di sa pag-iinarte, pero sa mga nakakakilala sakin, alam nilang mababa ang tolerance ko sa pakikisalamuha sa mga bata. (apps, salamat sa pagpunta! mwah!)

nga pala, nasa TV kanina si rustom padilla. OA sa pangangayayat ha. parang plastic bag na hinigupan ng hangin. he looks like a homosexual dying from syphillis.

PS: jeff, kung binabasa mo to, ikaw na bahala sa profiles ha? pa-DC na rin ako eh. bukas ko na lang gawin yung share ko. kung may napili ka na agad, email mo na lang sakin.


[ gdwn ]




As I Mature
| 08:15 PM

posted in Readme as a favorite entry


*kopya lang sa email. hay wala akong maisulat na matinong entry ha. onga pala, asar... patay ni si Boone sa Lost! gaguhan talaga. hmpf. tapos isang episode lang yung boone-centric. grrr.*

I've learned that you can't make
someone love you.
All you can do is stalk them
and hope they panic and give in.

I've learned that no matter how much i care,
some people are just assholes.

I've learned that it takes years
to build up trust,
and it only takes suspicion,
not proof, to destroy it.

I've learned that you can get by on charm
for about fifteen minutes.
After that, you'd better have
a big willy or big boobs.

I've learned that you shouldn't
compare yourself to others --
they are more screwed up than you think.

I've learned that you can keep vomiting
long after you think you're finished.

I've learned that we are responsible
for what we do, unless we are celebrities.

I've learned that regardless of
how hot and steamy a relationship is at first,
the passion fades, and there had better be
a lot of money to take its place.

I've learned that 99% of the time,
when something isn't working right at your house,
one of your kids did it.

I've learned that the people you care most about
in life are taken from you too soon,
and the less important ones just never go away.


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf