i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for June, 2005




Maligayang Enrollment
| 05:08 PM

posted in The Life of Gdwn


woohooo! tapos na akong mag-enroll. akshali, dapat kahapon pa ako tapos, pero nag-inarte ako't gusto kong magpalit ng Span10 dahil 7am ang nakuha ko sa CRS. at dahil tinamad ako dahil tri-coll ngayon, minabuti kong magbayad na lang. tutal, blessing na naman ang maka-18 units sa CRS.

bayad na rin LAHAT ng may utang sa akin para sa sem-ender ng Ecotour last sem. yey! as in yey talaga! akshali may utang pa nga ako sa isa eh--may P26 pa si jhae sa akin. pero keri na yun.

nakapirma na rin ako dun sa manifesto para sa anti-late reg fee. sobrang suporta ako dun kasi dahil ayokong maranasang mag-late reg at ayoko magbayad ng P50, dati'y ipinagpipilitan ko na ang sarili ko sa mga prof bago pa man magpasukan. kung baga, "advanced prerog." hehe.

nga pala, SKL... ang saya namin kahapon ni shiine. pagbalik kasi namin sa PMS tambayan, walang tao. edi nagpatugtog na lang kami ng mp3 player ko. ang sarap-sarap pala sumayaw sa gay songs! wahaha. "I Am What I Am", "Young Hearts Run Free", "I'm Coming Out", "Fame", at iba pa... yan ang laman ng player ko. at ang sarap isayaw nun.

and lastly, to end this disorganized entry of mine, sino senyong kilala si Prof. Emmanuel Luis Romanillos? siya kasi nakuha ko sa Span10 kong 7am. gusto ko sana lumipat sa TFR kaso TBA pa ang prof. anyway, ok ba yung so Romanillos? pasagot na lang kung alam nyo. TY! =)


[ gdwn ]




Tag-Ulan, Pero Nagsi-Swimming
| 09:07 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


June 4 ngayon diba? last month, May 4, 19th birthday ni cherry may. pero dahil special child siya, ngayon ang party. hehe. supposedly, may program yun, pero nagkatamaran, kaya kulitan na lang. (pambawi sana sa 18th bday niyang tila isinumpa.) dahil tinatamad akong magkwento, pics na lang. basta, masaya. =) wahaha. ummmppahh! (SFX yan para dun sa isang nakita naming nagsi-swimming)

Image hosted by Photobucket.com
rona, megS, angie, & redsa: nagmamaganda sa poolside

Image hosted by Photobucket.com
redsa, angie, & ivy: nagpipilit magpicture

Image hosted by Photobucket.com
ivy, angie, redsa, & megY: mocking studio pictorials

Image hosted by Photobucket.com
rona, gdwn, redsa, & cherry: The Guttering

Image hosted by Photobucket.com
nagpupumilit kasi eh! ayan, subsob ka ineng!

Image hosted by Photobucket.com
redsa, jeff, cherry, gdwn, pio: nagpapapansin lang sa pool

Image hosted by Photobucket.com
jeff, gdwn, cherry, pio: mas papansin pa!

Image hosted by Photobucket.com
jeff, pumipep ito!

Image hosted by Photobucket.com
pio: oo, pep kung pep!





[ gdwn ]




random thoughts and endless rantings
| 03:13 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


i woke up at 8am this morning. when i turned on the TV, there was Grind on HBO -- some teeny-bopper film about skateboarding with this cute guy in it who looked like alex band. edi siyempre pinanood ko at past 10am na ako lumabas ng kuwarto.

i had my breakfast at almost 10.30a. i ate what i was supposed to have eaten for dinner last night. before 6.30pm last night, i already dozed off...the curse of having a 7am class. I SLEPT THROUGH SMALLVILLE! nyarrrr. good thing, last night's episode wasn't Spell yet. yummy yun, abangan nyo.

(of block handling and bumming during Wednesdays)

[break=final grades]the copy of my final grades just arrived. bitter pa rin ako sa Acctg1 grade ko at ayoko nang i-elaborate dahil putangina, unfair talaga ang grading system. at di lang pala ako ang may reklamo diyan. MARAMI KAMI. yung Hum1 dito, naka-indicate na prereq daw ang Comm II. eh Humanidades naman ang kinuha ko, hindi Humanities. yung english version ang may prereq eh! AT.. AT.. dalawa ang Softball na nakalista dito. NO GRADE yung isa. eh kinancel ko na yung class na yun ah! may grade naman ako dun sa isa, kung saan enlisted na talaga ako. pucha, kelangan ko pa yata ayusin to. AT.. AT.. AT.. wala sa list na to yung Tour 122. may card na naman ako dun. ano yun, di pa nagpapasa ng grade si mam ortiz? lintek, baka mamaya may problema pa sa papeles ko.[/break]

LASTLY, share ko na lang na kanina pa ako nagba-bloghopping. matagal ko nang gustong sabihin to, pero napepeste lang ako sa mga blog na disabled ang right click at text highlighting. dependent kasi ako sa dalawang yun. gusto ko kasi, sa ibang window bumubukas ang links at hina-highlight ko ang text pag nag-aaway ang font color & bg color ng site nila. nakakabwisit pa kapag may prompt na lalabas na tipong "Fuck Off" or "No Stealing!!" or "What are you doing, BITCH?" ang message. alam nyo mga ineng, kung nanakawan kayo ng content and pix ng tumitingin sa blog nyo, there are a lot of ways to do so. disabling right clicking won't help you much. nakakawalang-gana tuloy i-explore ang mga ganung blog. bukod sa umaapaw sa blinkies, pix, gifs, at nagngangalit na scripts, may iba pang site diyan na may auto-freeze na script para "labanan" ang simpleng right clicking. hindi nakakatuwa. isama mo na yung matagal magload ang site dahil sa malanding window transition. buti sana kung ang gaganda ng site ninyo diba? kaso hindi eh. usually, ang mga nakikitaan ko nito ay yung mga kumukuha lang ng templates sa blogskins, pinupuno ng pictures, at nagsusulat using sticky caps and text lingo. 'nyeta. so if your site works like this, do me a favor and don't post your url in my tagboard so i won't make the mistake of visiting your site that would take a million years to load. ayun lang. bwahaha.

nga pala, bisitahin nyo na rin ang blog ni karlos. (chong, traffic!) pinaayos niya sakin yan, gawa niya yung background image. at dahil taga-CFA siya, mas maganda yung gawa kong layout para sa kanya kesa dun sa akin. hay buhay. hirap pala pag di ka ma-art!


[ gdwn ]




the missing pencil case
| 11:07 AM

posted in Readme, The Life of Gdwn


nakakalungkot mawalan ng gamit. lalo na kung kasama mo na yun simula pagkabata mo. nung friday, naiwan ko sa CAL 404 yung Flintstones pencil case kong itim na nasakin na since 4th grade. 7am class kasi yun, Span10. nakakainis, na-realize ko lang na nawawala yung pencil case ko nung kinagabihan na ng Friday. bumalik ako sa CAL ng sabado para magpost ng announcement sa board. ganun ko kamahal ang pencil case ko.

actually, kaya hinayang na hinayang ako dun, eh dahil may silver metallic pen, pink gel pen, mech'l pencil, at staedler eraser doon. ok, ok, yung silver at mechpencil ang pinanghihinayangan ko talaga. hahaha. hinintay ko kanina yung 830am class sa CAL404 at yung 2 girls na maagang dumating ay yung mga nakapulot ng pencil case ko. too bad, iniwan lang nila dun sa teacher's table. waaaaahhh! yun na eh! malapit na, iniwan pa kasi nila! buti sana kung andun sa prof, but no... sila na daw ang last na umalis sa kwarto.

kaya ang hope ko na lang eh yung 10am class sa 404. nilagay ko yung cell # ko dun sa announcement ko sa board. anong oras na, wala pang nagte-text. pordat, feeling hopeless na talaga ako. aalamin ko na lang kung sino ang prof dun ng 10a at baka nakuha nya pencil case ko.

--------------start commercial--------------

pinaxerox ko nga pala ID ko para dun sa org recognition. hindi ganyan yan pag colored, pero gusto ko yung mata ko diyan sa B&W. nakakatakot. hehe.









--------------end commercial--------------

SHEEEEEEEEEEEEEEEEETTTTTTTTT! ang sakit sa ulo. naiinis talaga ako. gusto kong makuha yung pencil case ko.


[ gdwn ]




ugliness
| 06:20 PM

posted in What About Them?


nauubos na ang creativity ko. wala akong maisulat. nakakatamad. at ang okrayable profiles ay ovedue na kaya sa monday na lang ulit. anyway, share ko lang na may block C2 sportsfest kanina. at mukhang gago siyempre ang games. kina Kim at Ariane, salamat! hehe. wala akong masabi. basta hindi ako masaya. nasa ospital yung isang kabarkada namin. sobrang ang sakit sa ulo; nadidisturb ako. pordat, pictures na lang. hahaha. dahil hayok din sa picture ang kapatid ko, pumayag naman siya.



the shirt says it all.




[ gdwn ]




textmates?
| 10:42 PM

posted in What About Them?


last thursday, may nagtext sakin: "E£ow p0h."
yun lang ang sabi niya. at dahil di ko pinapatulan ang unreplyable messages, lalo na't malanding text lingo ang gamit, dineadma ko ang message. akala ko, isa lang yun sa C2 freshies na naka-unlimited text at walang magawa. chinikka-text ko kasi sila tungkol sa sportsfest for the next day. (na sa kapunyetahan naman ng iba, di nireplyan ang message ko, at ni joy na rin.)

kahapon, tiningnan ko sa lahat ng directory ko kung may ganun akong #. akalain mong wala. edi nireplyan ko siya para tanungin kung sino siya. normally, dinedeadma ko totally ang mga ganung tect, pero dahil naalala ko ang nawawalang pecil case ko, ginusto kong malaman kung sino siya.

kanina, nagtext ulit siya.
him: E£ow. (jologs, nakakainis!)
me: sino ka? may kailangan ka ba?
him: Me p0h c AN2Ny.. pd p0h m£man name m0h?
me: (umakyat sa ulo ko ang dugo ko nun. napeste talaga ako sa text niya. what's with "£"? eh di hamak na mas maraming keypress yun kesa sa "L." at kelangan talaga ng "h"? pero sige, keri lang.)
no, unless you have something that i need. do you? san mo naman ba nakuha ang # ko?
him: gnun p0h b...xensya kna kng ndstrbo kta. ingtz. (orayt, pakitaan mo pa ako ng "x", "z", at "h." gumawa tayo ng mathematical equation.)

i suddenly felt bad after that, kahit ayoko naman talaga ng katext na hindi ko kakilala. feeling ko, na-misinterpret niya ang text ko. gusto ko lang talaga malaman kung nasakanya ba yung gamit ko, pero mataray yata ang pagkabasa nya. ganun kasi talaga ako madalas--akala mo galit, akala mo sarcastic, pero hindi naman talaga. hindi ko lang siguro masabi ang thoughts ko in a nice-slash-maarte-slash-pacute way.

owel, hamunanga. god, i need to be friendly! hahaha.


[ gdwn ]




mahirap pumasa pag unfair ang grading system
| 05:59 PM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn


tuwing nagwa-114 kami, laging andun yung mga sulat-sulat sa board ng Acctg1 class. (hindi nga dapat ganun eh. naaalala ko pa yung sinabi ni sir andrada na pwede niya ireklamo yung guro bago sa Hum1 namin dahil di nagbubura ng board.) tuwing 114 din, abot-abot na bitterness ang nararamdaman ko.

math subjects in AIT are no fair at all. (sabi na rin ng upperclassmen) in my entire life, i have never felt bad about my grades in math. it's not because i always got good grades, but because when i got low ones, i knew that i deserved them. and more importantly, i knew exactly how my grades turned out like that. Math is the only subject in which a student can compute his grades in their exams and quizzes, then come up with a final grade equal (or very close) to what the teacher gives. during the first days of classes, my math profs have always explained to us the weight of the exams, quizzes, etc, and clearly applies the said grading system. kaya kahit naka-70 ako sa math nung grade 3 pa lang ako, balewala talaga sa akin. alam ko kasi kung saan ako mababa noon.

last sem, sa Acctg1, 1.75 ang final grade na nakuha ko. nag-expect ako ng 1.5. sabi kasi sa amin, long exams lang ang basis ng grade at add-ons lang ang quizzes. nakita ko ang grades ko at mababa ang quizzes, pero 95 ang LE. kung tutuusin, 1.0 na sana yun. pero dahil ginawang 70% - 30% ang hatian (na hindi kami ininform), hindi ko nakuha ang ineexpect kong grade. pero sige, tinanggap ko na rin dahil kinompute ng guro sa harapan ko. sana lang, sinabi sa amin dati na 70-30 pala.

pero nalaman kong hindi rin satisfied sa grades nila ang iba kong kaklase. CherryM got a 1.5 kahit mas mataas pa sakin yung mga LE niya. baka nadale rin sa quizzes. PaulaR got a 1.5 too, at siya, sobra pa sa perfect ang LE dahil sa bonuses. sabi naman ni andie, si jj daw ay binigyan ng 2.0 kahit perfect ang lahat ng exam. lagi raw kasing absent. pero malinaw na sinabi ni sir dati na di importante ang attendance at ang quizzes na mamimiss ng absent ay add-ons lang. dahil malinaw nga yun, hindi lang iilan ang madalas umabsent pero bumawi sa exams. but no... hindi sinunod ng guro ang ganung sistema nang icompute ang grades namin. si kim naman, pinag-finals. sabi ni sir, either 3.0 or 5.0 lang ang pwedeng makuha ng mga nagfinals. 3.0 si kim. pero may mga naka-1.25, 2.0, etc sa mga nagfinals. may mga nag-removals pa (na wala naman sa usapan). sabi ni kim, dapat may incentive kaming exempted sa finals at di naman tamang mas mataas pa ang grades ng mga nag-finals kesa dun sa amin, to which i completely agree. but no!!! counted as a fourth exam ang finals, at dahil madali daw yun, nagsitaasan ang grades nila. sana pala, nagfinals na rin ako.

siguro dapat makuntento na ako sa grade ko. 1.75 pa rin naman eh. pero yung 1.5 na gusto ko, malaking hatak din. at ang kinaiinisan ko pa eh andami pala naming nakakuha ng grade ba mas mababa sa ineexpect namin o sa dapat na ibigay sa amin. at mas mataas pa ang grades ng nag-finals, samantalang pinilit naming makakuha ng ok na grade para makaiwas sa finals. aba, di rin niya kami binigyan ng option na magfinals kung gusto namin eh!

ngayong sem, may T131 ako. accounting din yun. sabi-sabi, unfair daw mag-grade yung prof dun. shet, ang malas ko naman. kampante pa naman ako sa math dahil nga alam kong ako ang gagawa ng grades ko at magrereflect yun sa final grade ko. madaling icompute ang scores dun, supposedly. pero sabi nila, kelangan mong magpakabibo sa class para makilala ka at para mataas ang makuha mong grade. e lintek naman, math nga yun eh! pano ka magpapakabibo dun? magrerecite at sasabayan mo ng salita ang guro habang nagsusulat sa board?! naman!

naiinis lang talaga ako. ngayon, tumitibok talaga yung ugat ko sa noo (na occasionally lang nagpapakita). tsss... sana man lang, makapagreklamo kami tungkol sa grading system na yan. aaaahhhh ewan! kung socsci, languages, lit, o history, maiintindihan ko pa eh. badtrip.


[ gdwn ]




U.S. na ito!
| 07:30 PM

posted in The Life of Gdwn


but no, i chose to have my practicum here in the philippines. pano ba naman kasi, yung "US practicum" na sinasabi nila eh hindi naman talaga approved ng practicum committee. akshali, OJT siya abroad. OJT at oo, may sweldo! around $3000 ang magagastos mo at either mag-break-even ka lang or madagdagan pa ng $2000 - $3000 ang pera mo. ok na sana siya eh. yun nga lang, 2 units lang ang credited dun. 5 units ang practicum namin, meaning, kelangan ko pa mag-summer ulit. so, 1st sem of 2008 pa ako aakyat sa entablado. AT.... before March 15 ay aalis na dapat kami dito at sa July na ang balik. 4 months yun, 2 months more sa regular practicum. pordat, kung magyu-US ako, di ako gagraduate on time. ayoko nga nun. edi sana, nag-shift na lang ako sa Broad Comm kung magpapadelay din pala ako.

sayang talaga, nakakainis. hmpf! pinayagan na nga ako ng mga magulang ko eh. owel. di bale, masaya naman sa pilipinas. naks! hahaha. at di bale rin, mag-co-comedy bar na lang ako dito. wahaha.

osha, tama na ngang kaka-net! may quiz pa ako sa Span10 bukas. Tom Welling es muy delicioso!


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf