i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links



turning 19
| 04:33 AM

posted in What About Them? as a favorite entry


comments
it's nikki's 19th birthday on the 15th. nagkausap kami kagabi at para kaming tangang binabalikan ang high school memories. hahaha. i texted her a few days ago, saying that i might not make it on the 15th, if ever she has plans for her birthday because of ecotour's sem planning. the initial plan was for the meeting to eat up the whole Sunday this week and that we would meet at maila's bf's house in manila. (at saan yun diba?) since nauna yung plano dun, i told nix that i'd make it up to her next time. good thing, she didn't have load to text back or else (so she said), she would have texted me "wala na nga nung 18th, wala pa sa 19th. baka naman sunod tayong magkita eh kasal ko na". sabi pa nung isa kong friend na sinabihan ko dati pa na ayoko yung sked ng sem planning namin, kung siya daw yung nasa kaso ko, di siya pupuntang meeting. sasabihin niya, namatayan siya ng kamag-anak. hahaha.

anyway, tinawagan ko si nix dahil kating-kati na akong ilabas ang mga nasagap kong balita na kay monica ko lang nasasabi dahil siya ang kasama ko araw-araw. nakakamiss pala yung telebabaran namin nung high school. nikki & dia were my closest kabarkadas back in 7th grade. i've known them since grade school and we've been through a hell lot of kachorvahans in life.

si nikki, sister-in-crime (term nya to) ko nung grade7. bago pa mabuo barkada namin, si nix lang yung kasama ko nung high school dance dahil kung hindi siya pupunta, di rin ako pupunta. siya yung lagi kong kadaldalan sa klase at kasama maglakad sa corridors. siya yung nagpauso ng "mag-jansport tayong walo" trend sa barkada (kahit eventually eh naasar siya sa kulay ng bag niya. buti akin, itim for all seasons.) pag pairwork, siya yung mas madalas kong ka-pair (naaalala ko pa yung interview na pinilit niya. hahaha) kaming dalawa lang na '03 yung pumunta sa GSP camp nun. buti na lang mabait samin yung 2k cadets. nadamay rin siyang napagalitan ni nanay after ng summer camp. haha. lantern parade, xmas party, etc, kasama ko siya. pareho kaming adik sa lugaw-tokwa combi sa canteen noon. pati siya, iniirapan nung mga higher batch (akshali, iisa lang yata yun eh!) na asar samin (come to think of it, sa'ting dalawa lang mainit ang dugo nun. move on!).

sobrang namimiss namin to. namimiss namin ang grade7 days namin--bad times man o good times. yung mga picturan moments namin sa bawat sulok ng upis, yung pangungutya namin ng ibang tao, yung mga simpleng pagtambay kasama ang barkada, the crushes and the crushables (na paliit nang paliit ang population), yung buong 7mars, at yung GSP experience. sabi nga niya, forever part na ng HS life namin yung GSP cadets 2k dahil sobra sobrang nice talaga nila samin kaya hindi nakaka-others kahit konti lang ang 03 scouts nun. pordat, talagang miss na namin sila. parang kelan lang, pinaglalaruan nila kami sa OST, tapos ngayon, turning 22 na sila. at si nikki, pinakaunang magna-19 sa amin. haha. shet. we really miss high school.

everything seemed so easy back then. tssss. bat ba tayo nagre-reminisce? ang tanda mo na kasi nix.

[edit]ay naalala ko bigla. may logbook pala kaming walo nung grade7. nakay ana yata yun. para siyang scrapbook na may pictures pa namin. at.. at.. may nalalaman pa kaming top10 cutest guys sa upis. hahaha. at ipinipilit nina nix & ana na maisama yung crush nila sa top5! wehehe. shet yan. meron pa ngang katangi-tanging lalaki dun na nasa top10 pero ampanget talaga (para sakin ha). ana, sana di mo yun nawala o naiwan kung saan. nakakahiya. sunugin mo na lang. :D [/edit]


[ gdwn ]

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf