i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for May, 2005




itim
| 08:07 PM

posted in The Life of Gdwn


andami ko palang itim na damit. as in. at halos lahat sila, tshirt.

kelangan ko kasi ng red shirt bukas para sa reporting namin sa STS. excited na kong mapanood ang video. hahaha sana ayus na. sana walang problema. ito na ang simula ang aking career. nyahahaha! basta gusto ko nang makita ang buong video na andaming katarantaduhan.

parang strangebrew yun. ako si erning. (alangan namang si tado noh. haller.) badet ang pangalan ko dun. ilang araw ding yellow shirt - gray pants ang get up ko noh. pero in fairness naman, nilalabhan yun ni nanay. wala akong dilaw na damit. kay nanay din yun. hiniram ko lang. iisa lang pala ang dilaw kong damit na medyo matino pero akshali hindi na - yung pinang-field demo namin nung grade8.

bukas, red shirt naman. naisuot ko na kanina yung red shirt kong "mabait... pag tulog." akala ko may iba pa akong red shirt. wala na pala. shet yan. meron akong maroon. yun na lang siguro ang gagamitin ko. o kaya, hiram na naman kay nanay.

wala rin akong de-kwelyong blouse, corporate attire, at non-denim skirts. shet. kelangan ko nang mamili ng damit bago mag-1st sem. haha.


[ gdwn ]




nyork.
| 10:25 AM

posted in The Life of Gdwn


fitness test na naman kanina at parang bumaba pa yung stats ko. bwakanangshet na PE yan. yung sit & reach ko, mula sa mga 50+ eh naging 40+; yung curl-ups ko, "0" pa rin. push-ups ko lang ang nag-improve.. by 2 counts. wahaha ang leta leta leta ko!

ewan ko ba kung dahil lang yung sa ang aga aga tapos ganunan na eh. o baka sadyang di ko lang kaya. tama. baka di ko nga kaya. hahaha. bwiset. sa 3rd test, dapat maka-3 akong curl-ups man lang para kunwari may improvement. kelangan ko nang makapartner si meiling para pareho kaming magbebenefit! wehehe.

hemmingway, ibabalik ang Meteor Garden!!! sa lunes na ang simula, before TV patrol. so mga 530p yun ano? sus, diretso uwi galing STS. di bale... di bale. nyahaha. daoenlei, come to mama! yak.


[ gdwn ]




barush
| 08:01 PM

posted in What About Them?, Entertainment / Fangirling


i've seen Aishite Imasu for the third time. pag pala nanood ka sa Film Center (ay, institute na pala), kahit anong genre ang pinapanood mong pelikula, magiging comedy talaga. hehehe. bentang-benta sakin yung side comments nung mga nasa likod namin! ayus! "bakla, mag-Japan na rin tayo!!"

nakaraos din kami sa STS reporting at ewan ko ba... parang lahat ng eksena ko dun ay bloopers. yung ppt kong may voice clips ay nagloko, at kelangan talagang pati yung last slide na malupet ang afax ay madamay. di bale, malupet naman ang ending remarks (ui remarks!) ni david.

i've forgotten how good-looking Vic Zhou is... until i saw Meteor Garden this afternoon. haha. putek yan. one reason to smile.

pinag-uusapan ako kanina nung kapatid ko & nung friend niya over the phone. neopets talk. aba, pabulung-bulong pa ha. tapos yung "friend" nyang yun eh hinihingi raw ang account ko. sino namang gago ang makakaisip nun? chong, palaguin mo sarili mong account! at sana marealize ni gdfry na ginugulangan lang siya nun. (a high school student asking favors from a 5th-grade dude? come on.)


[ gdwn ]




peke ang class card ko
| 10:24 AM

posted in Unclassified as a favorite entry


bigla kitang narinig na kumalampag
dala marahil ng poot na matagal nang kinimkim
hinintay kitang umiyak
hinintay kong gumuhit ang liwanag
blag.

isang malutong na hampas ang ibinigay mo sa aking bintana
ngunit wala ang hudyat na liwanag na karaniwa'y
hinahayaan mong tumawag sa akin.
blag.

bigla ka na lang kumakalampag.
gumuhit ang ngiti sa aking mga labi
akala ko'y iiyak ka nang muli
ipinikit ko ang aking mga mata
habang dinadama ang pekeng hanging
humahagod sa aking mukha.

isa... dalawa... tatlo...
aagos din ang iyong luha.
nawa'y hindi ito humupa hanggang kinabukasan.
aagos ang iyong luha
pero hinintay mo munang ako'y mawala.

--------------
walang pirma ang class card ko. ok lang ba yun? pero sabi ni sir, ok na daw yun. or punta na lang ako sa kanila. e nahiya naman ako. 1.75 ako sa Acctg1. i expected something higher since perfect yung dalawang exam. yung una kasi, sobra sa perfect. yung 3rd naman, 2 mistakes lang. yung 2nd, mga 70+ percent nga lang. but i don't think that's low enough to earn me a grade of 1.75, unless pinakamataas ang weight nun. my quizzes are ok too. hehe sayang kasi, mababa yung ibang major ko kaya sa acctg ako umaasa ng pagsalba.


[ gdwn ]




turning 19
| 04:33 AM

posted in What About Them? as a favorite entry


it's nikki's 19th birthday on the 15th. nagkausap kami kagabi at para kaming tangang binabalikan ang high school memories. hahaha. i texted her a few days ago, saying that i might not make it on the 15th, if ever she has plans for her birthday because of ecotour's sem planning. the initial plan was for the meeting to eat up the whole Sunday this week and that we would meet at maila's bf's house in manila. (at saan yun diba?) since nauna yung plano dun, i told nix that i'd make it up to her next time. good thing, she didn't have load to text back or else (so she said), she would have texted me "wala na nga nung 18th, wala pa sa 19th. baka naman sunod tayong magkita eh kasal ko na". sabi pa nung isa kong friend na sinabihan ko dati pa na ayoko yung sked ng sem planning namin, kung siya daw yung nasa kaso ko, di siya pupuntang meeting. sasabihin niya, namatayan siya ng kamag-anak. hahaha.

anyway, tinawagan ko si nix dahil kating-kati na akong ilabas ang mga nasagap kong balita na kay monica ko lang nasasabi dahil siya ang kasama ko araw-araw. nakakamiss pala yung telebabaran namin nung high school. nikki & dia were my closest kabarkadas back in 7th grade. i've known them since grade school and we've been through a hell lot of kachorvahans in life.

(Read More)


[ gdwn ]




happiness
| 10:53 PM

posted in Entertainment / Fangirling, The Life of Gdwn


ayan, pwede na akong magtrabaho ulit. parang tanga. andami ko pala dapat gagawin, pero kelangang may 1hr free para manood ng Meteor Garden. waaaah kinikilig ako! hahaha ang jologs. kahapon pa to; nangingiti ako mag-isa habang nanonood. kahapon yung continuation ng 1st date nina Dao Ming Si at Shan Cai tapos ngayon naman eh yung beach scene nina Shan Cai at Lei. baka bukas, yung basketball showdown na! waaaah. kadire, can't get enough of it.

dapat kasi, gumagawa na ako ng reaction papers sa STS eh. bukas na ipapasa yun. parang kahapon... sinimulan ko na yung group paper namin sa STS pero dahil nag-Meteor Garden na, tigil sa paggawa. jusko, very bad habit. at ngayon, eto ako, nagba-blog. hahaha ang tamad tamad ko talaga. may take home exam pa nga kami sa PI100 na ipapasa sa friday; di ko pa nasisimulan!

owel, pagaya na nga lang din. eto ang sked ko for next sem. sinong may Stat, Span, at 131 nang ganyang sked? comment ka dito kung classmates tayo. para alam ko kung ica-cancel ko o hindi. salamat!!

yey 18 units!



[ gdwn ]




pwede na ko magrelax.
| 06:23 PM

posted in Entertainment / Fangirling, The Life of Gdwn


"...patitigilin ko ang oras."

yan ang sabi ni Lei kay Shan Cai nung nagbabasketball sila. kilig na kilig din ako sa scene na yan. di ko alam kung dahil nakakakilig ba siya o dahil eye candy si Vic Zhou. if i've had this blog running when i was in 1st year college, this might have been an episode-by-episode reaction blog for Meteor Garden. good thing, i didn't.

anyway, last day na ng summer classes ko ngayon. (kahit may ipapasa pa pala akong 2 reaction papers sa PI100.) ang saya ng feeling; makakahilata na ulit ako sa kama magdamag. pero mamimiss ko ang brutalang paglalaro sa philippine games, ang mga hirit ni ma'am abad sa PI100, at ang STS experience (naks!).

hay. owel, nga pala... i think i'm losing my magic touch (liquid eraser?). i'm looking for someone in Friendster and it's just so frustrating not being able to find him. kung tutuusin, bilib din talaga ako sa kakayahan kong maghanap ng tao sa friendster; pero this time, mahirap talaga. hahaha jologs. my stalking talent is wearing off.


[ gdwn ]




wag po
| 03:31 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


hindi mapigil, biglang nawawala. naglalahong parang bula.

goda, kolehiyo na, stalker ka pa rin ba? naku, ayan na si safeguard, hinihiritan na ko. nakaka-frustrate palang magka-crush sa college. ang lawak kasi ng UP...san naman ako maghahanap? umaasa na nga lang ako sa "random events" e (neopets term!!). andito minsan, paglingon ko, wala na. daig ko pa ang namamaligno. ang masama pa neto, ilang porsiyento lang ba ng kalalakihan sa UP ang gwapo? ilan doon ang taken at ilan ang bading? bwakanangshet. ngayon na nga lang ako magkakagusto sa may katawan, mukhang nagbabadya pa ang pagdaloy ng berdeng dugo sa kanyang sistema! hoy, first time kong magka-crush sa may katawan at di na sa isang aparisyon lamang. asan na yun? hahanapin pa ba o dededmahin na?

laging pagod, wala namang ginagawa. di na marunong mahiya

haggard na ko. a day's work always eats me up. anong work yun? wag mo na alamin. minsan na lang ako mag-inggles. nananaginip nang gising, nakatulala sa hangin...nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin. wala etchos lang yang halik, aegis fan kasi ako. pero oo, tulala na naman. ngarag dahil sa rebelasyon. ayoko maniwala dahil sayang talaga, pero ewan... iba na naman ang umiiral. dati, inggit. biglang happiness runs in a circular motion. wala pang 1 week, panghihinayang na. langya, sayang. kaluluwa ng jeremiah, lubayan nyo ang katawan ng babaeng to!

kay rami nang napuntahan, hindi pa rin matagpuan.

ikot dito, ikot doon. asan na? asan na ang tunay na pag-ibig?! lorelai, hindi mo pa eksena ngayon. ipaubaya mo muna ito kay ishta. wala lang to, gusto ko lang mapunan yung lyrics. haha.

san galing ang luha? hindi naman umiiyak.

wala namang luha a? nakakapanghinayang lang. ang sad. bakla ba siya? hinde, nagbabadya pa lang siguro. waaaaah! ngayon pang wallpaper ko na siya sa phone ko (charossss!). ang sama nang pakiramdam nang malaman ko ang rebelasyon. hirap pala. ang gwapo kasi. sayang.

pero kebs. kras lang naman. hahaha. i go for the looks anyway. nagbabadya pa lang naman e. di pa ganap. wis din naman sigurado. haka-haka lang ito. anu't ano pa man, ang bottom line nito e... "kebs, gwapo pa rin talaga siya."

meron pa bang masasakyan?

wala na. maglakad na lang pauwi. limang piso na ang ikot. papayat na ko sa kalalakad. dahil sa init, magkakaroon na rin ako ng permanent sleeves sa aking braso. langya, hating-hati na ang kulay ng mga braso ko.

huwaw ang creative ng entry ko. epekto siguro yan ng depresyon at isang malaking rebelasyon. ay de, ganado lang ako magsulat. walangya.


[ gdwn ]




walang kupas
| 03:39 PM

posted in Entertainment / Fangirling as a favorite entry


may nag-text sakin kanina. sino kaya ito? papangalanan ko ba? clue na lang. hindi siya si dia. sabi niya, si patrick garcia daw ay topless at naka-boxers lang sa "mangarap ka". sayang, di ko naisave yung message. di ko na tuloy maalala eksakto. nakakatawa kasi e. atat! hahaha. (pangarapin ko mang makita pa yun, di ko nagawa) e bukod sa malayo sakin yung remote ctrl, andon sa sala yung nanay ko. nahiya naman ako. ahihi!

naalala ko tuloy...

dati ko pa kasi crush tong si papa patrick. ahiiii! basta. naalala ko kung pano nalaman ni nanay yun. di ko na maalala yung sinabi ko pero ganito yung scene:

nasa kwarto kami. yung TV nun e against the windows pa. gabi nun. magkatabi kami ni nanay na nakaupo sa kama sa tabi ng TV. haaay. biglang ikinommercial yung "dear diary, carlo sat beside me today..." basta sabi ko ata kay nanay, crush ko yun. ahaha! tangeneng, bangag na. gwapo naman daw. e kasi noon, ang ganda ganda pa ng buhok ni patrick tapos may braces pa tapos ang ngiti... susmaryosep! bale, ngayon, gwapo pa rin naman siya. walang kupas, sabi nga ni dia.

nasabi ko na bang grade3 lang ako nun? ahahaha. si nanay naman, simula nun, binibilhan (ay past tense na dapat pala) na niya ako ng magazines na may laman na kung ano tungkol kay patrick garcia. binilhan nya rin ako ng isa pang magasin na sama-sama sina patrick garcia, devon sawa, at brad renfro. (o diba, combo meal!) gudnes! nakakahiya. pero nasakin pa yung mga magasin na yun.

alala nyo pa yung magasin na Glitter? fineature dun yung batch nila sa star circle e. binili ko yun dun sa tindahan ng diyaryo malapit samin. sabi nung tindera, bat daw ako nagbabasa ng ganun. (pang-matanda ba ang glitter?) o basta. asakin pa ang mga koleksyon. ahehehe.

osha tama na. wala talagang kupas. haaay phrase of the week na to...


[ gdwn ]




dito lang meron nito!
| 03:48 PM

posted in Readme as a favorite entry


* Nakasulat sa pader:
"MARUNONG KA BANG TUMAHOL? ASO LANG ANG UMIIHI DITO!"

* along a highway in Pampanga:
"WE MAKE MODERN ANTIQUE FURNITURE"

* in a Baguio grocery:
"FRESH FROZEN CHICKEN SOLD HERE"

* in Cubao:
"NONE ID NOTHING ENTRY"

* on a parking lot:
"TAXI AND OUTSIDE CAR NOT ALLOWED"

* along Luneta Boulevard:
"BAWAL TUMAE SA BULEVARD"

* on Jeepney and Bus signs:
"BEFORE PAY, TELL WHERE GET THE ON BEFORE GET THE OFF"

* on a Flower shop in Rizal Avenue:
"WE SELL ARTIFICIAL FRESH FLOWERS"

* on a delivery truck:
"NOT FOR HERE"

* on window of a restaurant in Baguio:
"WANTED: BOY WAITRESS"

* A grafitti inside the cubicle of a ladies' C.R. in a university:
"PLEASE DON'T SIT LIKE A FROG, SIT LIKE A QUEEN."

* At a men's comfort room, above a urinal:
"HAWAK MO ANG KINABUKASAN NG BAYAN"

* at a construction site in Mandaluyong:
"BAWAL OMEHI DITO. ANG MAHOLI BOG-BOG"

* somewhere along San Andres:
"NO URINATING, ON THE OVER WALLS"

* vacant lot near makati ave.:
"DON'T PARKING"

* at an eatery in Cebu:
"WE HAB SOPDRINK IN CAN AND IN BATOL!

and this is the best of them all!!
* on a building somewhere in the Philippines...
"NOTARY PUBLIC TUMATANGGAP DIN NG LABADA KUNG LINGGO"

----nakuha ko sa email yan. ako rin may dagdag pa----

*sa isang tindahan sa Nangka, Marikina:
"BAWAL MAGPATAE NG ASO DITO."

*sa may burger store sa may tumana, nakalagay... [from phippo]
"buy 1 free"

hehehe... mga pinoy nga naman. nga pala, meron pa akong ibang ganyan, sa ibang bansa naman. eto yung link



[ gdwn ]




ang kagimbal-gimbal na interbyu kay EDDIE GIL
| 04:39 PM

posted in Entertainment / Fangirling, Readme as a favorite entry


bilib na ako sa Yes Yes show. kagabi kasi, nakuha nilang guest si eddie gil. interview ek-ek, at shempre, puro katarantaduhan lang ang mga tanong. sina candy pangilinan & tuesday vargas ang hosts. edi ayun, pasok na si eddie gil, naka-peace sign pa. si eddie gil talaga yun! hindi impersonator!

Q1: sa palagay nyo po ba, ang design ng eroplano ay nanggaling sa itsura ng tutubing kalabaw?

A1: ahh... hindi naman. tutubing kalabaw yun. (ano daw?)

Q2: sinong mga dating love-team na nagkahiwalay na ang gusto nyong magkabalikan? kunwari, guy & pip, etc. kahit hindi po love team, basta mga couples na naghiwalay na..

A2: ako dapat ang ibalik. hiniwalay ako sa laban sa pulitika kaya dapat ako ibalik. (peace sign na naman)

Q3: kung kayo po ay magiging isang prutas na tumutubo dito sa pilipinas, anong prutas kayo at bakit?

A3: magic prutas.

>at saan naman po tumutubo iyon?
>sa lupa. (honga naman!)

Q4: kung may maisasakay po kayong sexy star sa helicopter, sino po ang isasakay nyo.

A4: lahat ng sexy (mautak si tatang!)

Q5: nacu-cute-an po ba kayo sagupit ng F4?

A5: ano nga ulit yung tanong? .... ahh.. ok lang.

grabe! hahaha. benta talaga. sisikat na si eddie gil nyan! sa sunday nga, nasa tanging ina siya e. lord, maawa po kayo sa bansa namin! bakit ganito?! *nga pala, di ganyan exactly ang questions pero ganyan ang sense*


[ gdwn ]




Racumin
| 04:45 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


ui may hamsters kami! basta nung sunday binili ni nanay. e natutuwa sila dun e. apat sila: dalawang babae, dalawang lalake. 2+2=4! yeye! sila ay nananatili sa katawagang "puting lalake", "babaing beige", "blakenwayt na babae", at "lalaking brown & white". kung tanga ka, try to figure out kung bakit. hehe.

owel, may pet na naman kami. pag nagkaanakan yang mga yan, gagawin kong business. magtatayo kami ng carinderia. waha! in fairview, cuteness naman sila a. mukha silang cotton. yun nga lang, kadire pag hinawakan kasi hindi naman sila mataba. mabalahibo lang kaya mukhang cute. pag basa yan, mukha rin silang dagang bahay.

nakakaasar nga lang kasi wala naman silang silbi. by nature, tulog sila sa umaga at gising sa gabi. malalandi. tapos wala nang ginawa kundi lumamon. si blakenwayt na babae nga e ang tindi mag-imbak ng pagkain sa bunganga. mukha tuloy siyang sasabog. naaalala ko sa kanya si... [wops! da who?!]

haaay, naalala ko tuloy yung pets ko dati. ui, italicized na naman para kunwari nagmu-muni-muni!!! meron akong pet sisiw na pato dati. kasabay nun yung dagang puti na sa fishbowl nakatira. yung mga sisiw e sa binaliktad na basurahang see-through naninirahan noon. isang gabi... matapos naming umuwi galing sa kung saan, (ui nakakaiyak to) nakita kong patay yung pets ko!!! waaaah! yung tatlong sisiw e nilapa ng dagang bahay. ganun din yung dagang puti--pero tinira yung buntot (baka mapait). nakakalungkot talaga. iniyakan ko sila noh!

meron din ako pusa dati. ewan ko kung san galing. basta Pretty ang pangalan nya. malay ko bang lalake siya? e bata pa ko nun noh. malay ko ba. mukang babae kasi yellow & white e. kaso di na siya pwede sa bahay kaya dinala nalang namin sa infirmary. tutal, uso naman ang mga pusa sa mga lugar sa UP at isa pa, dun ako tambay. basta dun ko na lang siya nilalaro. may iba pa ngang pusa dun e. yung blakenwayt na si "babie" (ba-bî) and friends. mataba yun e. mukhang baboy. basta nawala na lang sila bigla. kakalungkot. hmph! marami pang sumunod e. namatay din lahat. may naatrasan ng kotse, naipit sa ilalim ng kotse (dun kasi natulog. may siksikan ba don?), may kinain din ng bacteria. hahaha. ang galing kasi namin mag-alaga e. owel. kakamiss naman sila. pero ayus lang. dinosaur na lang aalagaan ko.



[ gdwn ]




House of Wax
| 09:00 PM

posted in Entertainment / Fangirling


Chad Michael Murray is so much of an eye candy. as in nakakabusog siya.

nanood kami kanina ng House of Wax sa metroeast. si ana lang ang wala, and pordat, iinggitin namin siya! nanood ako nun dahil sa simpleng gusto ko ng brutal & gory films and to see Paris Hilton die (her character, at least). kanina ko lang nakita yung poster nito, and to my surprise, Chad's (close kami?) in the movie. di ko naman kasi siya naaappreciate sa One Tree Hill dahil sa chakang hairstyle niya, pero sa House of Wax, grabe... ligayang-ligaya ako sa scenes niya, isama pa yung nagtanggal siya ng sando. hehe. mas bagay sa kanya ang bad boy look.

yung movie naman...
ok siya for an R-13 film, ha. brutal kung brutal talaga! (mere, manood ka nito!) para sakin, yung unang victim ang pinakamalupet ang death. winax siya nang buhay, so para siyang naka-cast. molded and all, nakita siya nung black guy friend nila na may-i-haplos pa ng pisngi ni waxed boy. dahil bagong gawa, sumama yung flesh underneath (technically, di pwede yun, pero astig). waxed-up na siya pero conscious pa rin at gumagalaw ang eyeballs. dumating ang killer, natamaan ang mukha niya at... nabangas ang right side, leaving his skull. hahaha. kelangan ko makakuha ng clip nito!

as for Paris Hilton, kelangan talagang may striptease scene siya at kelangang tumakbong naka-undies. sabagay, dun siya magaling eh! natuhog lang naman siya ng tubo sa ulo.

ayun, astig ang wax sculptures at yung mismong house of wax ay malupit lang talaga ang pagkakagawa. ok na rin kahit hindi believable na natagalan nina Chad & yung sis niya yung init ng wax nang masunog yung museum. at disturbing man yung thought na lahat ng tao sa town na yun ay gawa sa wax (na hinubog nang may tao sa loob), ang husay lang talaga. :D

hindi siya nakakatakot. the movie was simply gory. astig. nevermind the storyline, the stupidities, and the underlying values about family ties.


[ gdwn ]




Baguio, mehn!
| 11:13 AM

posted in The Life of Gdwn


ewan ko ba kung bat naisipan ng tatay ko na magpunta kaming baguio. eh wala na namang bago dun diba? anyway, umalis kaming maynila ng 12am nung saturday at nakauwi kami ng mga 12a din ng lunes.

The Bus Ride to Baguio
sobrang naiinis ako pag di pamilyar sakin ang mga dinadaanan sa biyahe. feeling ko, maliligaw talaga ako pag nagcommute ako. pero parang ang saya mag-road trip pag malalim na ang gabi. wala na kasing sasakyan sa kalsada; better yet, wala nang mga naglalakihang truck. nakakaloko lang dahil for some freaky reason, i kept waking up 10 minutes after the hour. feeling ko, pag dumungaw ako sa bintana, may maghe-hello saking kaluluwa.

(The Hotel Experience)

[break=Taxi Galore]Taxi Galore
dahil malay ba namin kung paano ang pasikut-sikot doon, mega taxi kami. pero dun, P25 lang ang flag down at considered na isang taxi lang ang FX. nakadalawang jeep rides lang kami sa buong stay namin as baguio. [/break]

[break=Trip]Trip
sa Burnham Park, nag-rowing ekek kami. akshali si tatay lang ang nagsasagwan at si godfrey naman ay nagfi-feeling. nandidiri pa rin ako sa tubig, although hindi nangangamoy. parang marikina river kasi. wahaha. at andaming raket ng mga tao dun, may manghuhula pa! sa Mines View Park naman, lahat may bayad. mula sa CR hanggang sa P10/picture sa mga kabayong pink ang mane. pucha, si nanay, shoot ng shoot, di ata alam na tig-P10 ang kuha. pero punyeta, ang mahal ng SAMPUNG PISO ha. wala naman espesyal sa mga kabayo nila. sa Botanical Garden, haharangin ka ng mga batang nagbebenta at sasabihan ng "Miss, flower seeds! Tutubo po yan kahit saan!" sa mala-santo niñong boses. sa loob, may art gallery at dun lang ako natuwa. dumaan din kami dun sa sakayan ng mga kabayo pero ang baho talaga at P100/30 mins na ride. mahal kaya paalam na lang. hehe. the next day, PMA naman ang pinuntahan namin. wala lang. hahaha. parang tangek. may treehouse dun. ok naman.

nagpunta rin kaming SM, shempre. hahaha. umuulan kasi pag hapon kaya pagsapit ng hapon, SM na lang kami. naliliitan ako sa SM nila. akshali malaki siya, structure-wise, pero ang konti ng tindahan. walang YRYS pero may artwork, at may new shirt ako. ay masarap ang pagkain sa food court nila. wala sa SM North yung mga andun eh. [/break]

[break=Punyeta ang mga Bata sa Fast Food]Punyeta ang mga Bata sa Fast Food
nung Saturday, sa Jollibee kami nag-lunch. yung nanay ko, pinupuno yung bote namin dun sa fountain. may-i-singit itong mga dugyuting bata at nakikitapak pa dun sa apakan ng fountain! punyeta, ayaw maghintay? tapos umaagos na yung sipon nila. ang sarap pagbabatukan. seryoso.

sa food court ng SM, may toddler na laging umaalis sa table nila. at kelangan talaga, dun sa table namin pupunta ano? eh ako lang ang andun noon dahil bumibili ng pagkain ang mga kasama ko. yung nanay naman niya, di man lang siya akayin pabalik. talagang susundan nung nanay para subuan gamit ang kamay. ang baboy lang. at ang bata... niluwa sa sahig yung pagkain. aba, tinuruan yatang wag magkakalat kahit saan kaya pinulot niya yung pagkain at.. at... inilagay sa isa sa mga upuan namin. gusto ko baliin ang leeg niya nun.[/break]

[break=Ukay-Ukay]Ukay-Ukay
may nabili akong skirt na P50. wahahaha ayus! P280 naman yung dalawang top. ok na yun! tapos may nakita akong black skirt ala-The Late Isabel na P150 lang. kaso ayaw bilhin ni tatay kasi di raw disente. tsaka itim na naman raw. akala yata, ipangfo-formal party ko. may isa pang skirt dun na black at may white sa laylayan. gustung-gusto ko talaga sana, kaso dalawang tao na ang kasya dun sa bewang eh.[/break]

[break=The Bus Ride Home]The Bus Ride Home
sa terminal ng victory liner sa baguio, narealize kong ang pagsakay pala sa bus ay parang pagpe-prerog. nauuna pang maupo ang chance passengers kesa dun sa may tiket talaga. damang-dama ko yan nung PI100 namin. hehehe. owel, etong si tatay ay yung apat na pinakaharap na seats ang kinuha kaya hilong-hilo ako sa biyahe. nga pala, isang beses, tinanong ako ni nanay kung asan na kami. may nakita akong sign na "JOLLIBEE PANIQUI." sabi ko, with confidence, "Bulacan." hahaha. pucha, babagsak akong T114 nito! ayun, namangha nga rin pala ako sa NLEX. sosyal![/break]

owel. sabi ni nanay, gusto naman niya, sa susunod, sa vigan naman kami. eh diba puro lumang bahay lang dun? ayoko ng tingin-tingin lang. gusto ko, adventure! seryoso. mga pang-extra challenge talaga. anyway, di naman siguro matutuloy yun anytime soon dahil practicum ko na next summer. bleh.


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf