i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links

Entries for April, 2005




Summer Preenlistment
| 11:32 AM

posted in The Life of Gdwn


this is it. mamayang 5p, cut-off na ng preenlistment for summer. the next day ilalabas ang results. nyaaarr. sa totoo lang, di ako mapakali. kailangan ko kasi talaga ng PE. e lahat ng PE2 classes (maliban dun sa mga bagong bukas), sobrang taas ng ng demand. swertihan talaga kung makuha ko yung PE na gusto ko. akshali, kahit ayoko yung PE, papatulan ko na, makakuha lang talaga ako. or else, masisira ang mga pangarap ko sa buhay. kinukulit na nga ako ni nanay eh. punyetang PE naman yan noh... ang konti ng binubuksan nilang classes tapos irerequire nilang matapos mo sa first 2 years yun? anak ng tokwa. isumpa ang PE! mas isumpa kesa sa math! rarrr.

pero nananalig pa rin akong makakakuha ako ng PE. at stat 101 na rin (since konti naman ang demand). kaya ngayon ko kelangan ng tulong nyo. ipagdasal nyong makuha ko yung subjects na kailangan ko. haaay. please? hehehe. kaloka, na-feel ko na ang power ng prayer nung enrollment last sem; sana gumana ulit ngayon.

bukas na pupuntang batangas ang Ecotour. magpipictorial talaga ako dun. hahaha. "Magpakailanman" mode. ayan, something to blog about.


[ gdwn ]




ang pagbabalik
| 05:53 PM

posted in What About Them?, Readme as a favorite entry


nitong weekend, may mga dumaan palang mga tao sa blog ko na na-offend sa okrayable profiles. mukhang dinibdib, eh ngayong tuesday lang ako nakapag-online nang maayos (at offline ko to tina-type para tipid sa net card. ) kaya di ako nakapag-react nung nag-post sila sa tagboard. explain ko na lang yung side ko ngayon.

pixie: "parang ang perfect niyo para siraan ang ibang tao... malay niyo ba kung ano yung pinagdadaanan ng mga yan. tignan mo nga sarili mo, baka mas nakakatawa ka pa kaysa sa kanila eh... sory pero hindi ko makita yung point mo para ipangalandakan sa buong mundo yung pagkakamali ng iba.. sorry pero sobrang foul nito.."

"ok bahala ka.. naniniwala ako sa karma e.. enjoy now, pay later...paalala lang...nasasaktan din yung mga taong anjan sa list mo...sige.... yun lang."

alam naming di kami perfect at alam naming mali yung pandaraot ng kapwa just for the fun of it, pero dun talaga kami nag-eenjoy. sige, wag na lang "kami"; "ako" dapat para walang damay-damay, tutal blog ko to. at baka nga mas nakakatawa at kalait-lait ako kaysa sa kanila, diba?

napansin ko lang, masyado ka yatang affected dun sa okrayables ko. ikaw yung kauna-unahang ganyan ang reaction sa mga na-foul-an sa list. kung may kakilala ka sa mga naisama ko doon, o may koneksyon ka sa kanila, sabihin mo lang, i'd be glad to take that part down. pero alam kong ang panabla sa statement kong yun eh "hindi naman maa-undo yung fact na naging bahagi sila ng okrayable profiles kaya kahit alisin sila dun, wala na ring silbi." at yung "hindi makita ang point para ipangalandakan ang pagkakamali", wala talagang point tong ginagawa ko. post ko nga sa tagboard, this is my way of having fun. come to think of it -- other people might have more offending ways of having fun; it's just that mine happened to be seen by someone who really thinks that the okrayables section is foul, so i guess that's what makes my way of having fun look relatively worse than others'.

yung tungkol sa karma, naisip na rin namin yan. at tinatawanan lang namin. nasa kanya-kanya namang paniniwala yan eh. pero siguro nga, feedback like this is what i'll get by doing what i do. i never meant to hurt anyone included in the list, that's why i look for people that have no close connection to any of those in my friends list, hoping that none of them and none of the people who know them would chance upon the okrayables section of my blog.

and because i offended you, i'm really sorry, though i don't think that you would take my apology as something close to acceptable, coming from me who still wouldn't take down that particular section despite the offensive content. pero sorry na rin, dahil di ko naman intensyong ma-offend ka.

blacksword: "palagay ko di naman siguro ganun masasaktan yung mga tao na nasa list.. after all, nilagay nila sa profile nila yun eh, so baka tama sa kanila yun, and baka nga sa kanila, itong list ang mali, LOL. pero sana di ganito ka-tactless yung pang ookray, LOL. ok sana kung ala-blind item. medyo nakaka violate na sya ng tao eh, ehehe.."

yung sinabi mong "baka sa kanila, itong list ang mali", eh yun na nga yun... para sa akin, itong ginagawa ko ay para sa simpleng katatawanan lang; para sa enjoyment ko at ng mga nabebentahan nung okrayable profiles. kung baga, kanya-kanya tayo ng opinyon. para sa iba, offensive ito dahil pinagtatawanan ko ang mali ng iba. para sa akin, hindi naman ito offensive kasi hindi ko naman intensyong yurakan yung pagkatao ng mga nasa list; problema nga lang, yun yata ang nangyayari.

at agree ako sayo, kelangan ko nga i-tone down ang pang-ookray dito. dahil una sa lahat, may na-offend na; at isa pa, hindi ito yung orig na plano para sa okrayable profiles. aminado akong over na nga yung panlalait ko sa iba, at yun, sorry. sorry dahil nakaka-violate na pala siya ng tao, di ko man lang na-realize. ngayon lang na nagreact kayong dalawa. hehe.

so eto ang gusto kong sabihin ngayon: (debate ito? hehe.) i never meant to offend anyone, as i have said. and i do not intend to judge or put down people because of how they write their friendster profiles. but apparently, that seems to be the effect of what i'm doing (?). i admit that i have judged the personalities of those in the list and that, i think, is my biggest mistake. we decided to look for okrayable profiles just to have fun (yes, make fun of others), but we were just supposed to react to what and how those people write their profiles and pose in their pictures. my bad is that i did more than that. for that, i'm sorry, and i'll try to keep my "panlalait" in moderation.

but i'm also sorry to say that i wouldn't be taking down the okrayable profiles section anytime soon, since i still enjoy updating it. after all, that part of my blog is what the visitors come back for, most probably because they, too, enjoy reading the profiles. to those who find this way of making fun of people really foul, then don't go exploring my blog anymore. after all, the okrayables section is not for you but for those who share the same twisted interests i have.

------------------------------
kanina pala sa search for the new rejoice commercial model:
contestant 1: i have a looks and a talent show.
contestant 2: i can sing, i can dance, and i can sing & dance at the same time.

akala ko sa forwarded messages lang may ganyan. totoo palang nasasabi yan dahil sa nerbyos. hehe. =)


[ gdwn ]




wooohoooo!
| 11:54 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


shet. sobrang saya saya saya ko ngayon. posted na ang CRS results ng 3rd round at... at... at... may nakuha na ako, finally! hahaha. ganito pala ka-hyper ang feeling pag wala kang nakuhang kahit isa after 2 rounds tapos biglang makukuha ka ng isang (kahit isa lang!) subject. wala naman prereq ang STS diba? oo tama tama. at nakuha ko na sa CRS eh... di na naman siguro ako palalayasin dun sa klase. at swerte pa, kay Nazarea to! yebah!



kelangan gusto ko pa ng PE (para matapos na to!). papatulan ko na siguro kahit ano. at gusto ko pa ng stat 101 (wala daw proj pag summer eh). pero ayoko mag-6 units. haha. bahala na. pag nakakuha ako ng stat, aalisin ko tong STS. ang mali ko lang eh hindi ko pinansin yung number of students enlisted nung 2nd round. ewan ko kung di ko napansin o di talaga naka-post nun. kasi kung dati sana, malamang nakakuha pa ako ng PE or stat. shet. ngayon ko pa natutunan ang sistema ng effective enlistment (or so i think) kung kelan di na ako makakapag-summer ulit at tapos na ang summer enlistment.

on the brighter side, at least, di nangyari sakin ang ganitong pasakit sa regular sem. kung sakali, patayan yan pag ni isa sa 18 units eh wala akong makuha! di bale, naging mabuti naman sakin ang CRS nung past sems eh. ikaw ba namang makapuno ng 19 units. rare yun ah!

hay, despite my enlistment stupidity, i'm still sooo happy to have been able to get ONE subject! yebah!


Feeling: ecstatic
[ gdwn ]




feeenk!
| 01:59 AM

posted in The Life of Gdwn


dahil bibili ng pangregalo ang aking kapatid at gusto ko na ring makaalis sa bahay namin slash pet shop slash home for the aged, sumama ako sa kanila ni tatay sa greenhills.

gustung-gusto ko talaga mag-tiangge. yun nga lang, iritable akong tao. hahaha. ang arte. pero yun lang, nakakapanghinayang. kaso nakaka-haggard ang siksikan. tunay.

anyway, bumili akong sapatos dahil bumigay na ang sapatos ko dahil sa softball. nakanganga na siya. [nga pala, may nakita akong pogi dun na kahawig ni baklaing krasness] jusme, grabe mga tindera dun, tindi ng "sir, mam!" sensya, di ako pala-labas kaya 2nd time ko pa lang magpunta dun. o balik sa kwento. nakakuha ang ng white sneakers na may feeenk. nyahaha ang bading bading, pero ang cute lang kaya binili ko. hehehe. tapos bading din yung nagpapatakbo dun sa stall na pinuntahan namin at in fairness, nakakatuwa siya; di tulad nung ibang tindera na over mamilit ng customer.

may nakita rin akong chucks na white tapos blue ang loob. gusto ko bilhin kaso nag-iisang pair na lang. ang laki pa sakin. hmpf. pucha, mawiwili ako sa peke nito.

at aba, ang aking ama, sabi, bumili raw ako ng puting pantalon at damit. wala daw kasi akong puting damit. hahaha. oo nga ano? elementary pa lang yata, sinasabi na niya sakin na andami ko nang itim na damit. tiningnan ko yung aparador ko kanina.. aba, oo nga. rarrrr.
------------------------------------
owel, gusto ko lang naman ikwento. di na ako nagpost ng entry tungkol sa enrollment dahil jusme, puro reklamo na naman ang ilalaman nun. ang masasabi ko na lang, napakaimportante pala ng prerog skills. hehehe. at mukhang yun na ang ikabubuhay ko dahil wala namang nagaganap sa pagpila.


[ gdwn ]




*sigh*
| 05:23 PM

posted in The Life of Gdwn


excited pa naman akong mag-summer classes nang matapos ang 2nd sem. ngayon, nakaka-3 days pa lang akong pumapasok, parang ayoko na. keri ko naman ang 3 subjects eh. hindi lang pala talaga maganda ang sked ko.

830a-945a, philippine games. laking tuwa ko nang makapasok ako sa subject na yun! aba'y malay ko bang parusa yon? kala ko, puro games lang; as in fun fun fun. yun pala, may fitness tests din! *growl* nananakit ang katawan ko ngayon. nakaka-aligaga pa kanina nung sinusukat kami at kinikilo. karneng-karne.

11a-1p, PI 100. (akshali hanggang 1230 na lang daw) masaya naman dito. masaya kung makakakuha ka ng upuan! 63 kami sa klase. pang 35 ang room. wow. siko-to-siko kaming magkakaklase. nakaka-others din dahil tatlo lang ang kilala ko dun at hiwa-hiwalay pa kami ng grupo. di bale, ok naman si ma'am abad. haha. sobrang natawa ako dun sa sinabi niyang mukhang may tatlong anak na yung kaklase kong lalaki. mamahalin ko siya kung ganun siya lagi.

3-5p, STS. siesta ito, kaya nakakaantok talaga. ampanget pala ng ginawa kong sked. at sabi ni monmon, walang long exam kay nazarea... aba'y meron pala! nakaka-others din dahil karamiha'y graduating na sa klase. buti andun si ate kaij at mukhang ok naman ang group namin. hehe.

nakakapagod. ayoko na. 3 weeks to go. matutuyo ako sa philippine games. sana nag-line dancing na lang ako. andun pa sina monica, ria verdolaga, at carlo (PE classmate dati). at may kaklase silang vakler na parang si chokoleit (kahawig din). nainggit tuloy ako. hehe. at mas nakakainggit, dun lang sila forever sa vanguard. ilag sa araw!


[ gdwn ]




good luck talaga...
| 05:44 PM

posted in What About Them?


...sa akin. nakatulog na naman ako sa STS kanina. parang yung pagtulog sa bus. hahaha ang jologs. ang basag kasi ng sounds nung ipinapanood samin kanina. gusto ko pa namang panoorin. tapos patay pa yung ilaw, syempre. edi ayun. zzzzz....

anyway, nakalimutan ko kasi gumawa ng entry kahapon, sobrang gusto ko pa naman ito ikwento: nagkita kami nina monica, bea, dia, & raini. dala ni raini yung 1998 grade school yearbook ng kapatid ni dia para isoli. edi siyempre, maiiwasan ba naming buklatin yun?

ang saya saya tingnan ng mga prep students! may mukhang "ham yan", may mukhang "tatawid sa tulay" after a few years, at may itsurang "andiyan-si-nanay-katabi-ng-photographer-kaya-kelangang-maganda-ang-ngiti-ko-or-else-paluluhurin-ako-sa-liha-mamaya." meron ding kamukha si Lady Lee, may mukhang mayaman, may mukhang di pa nanananghalian, at may mahigpit-ang-ponytail-ko-kaya-singkit-ako-sa-picture. pero higit sa lahat, naawa kami sa mga walang grad pic kaya tambay picture nila ang andon.

pagkatapos i-enjoy pix ng prep students, grade 6 naman! akshali, boring tingnan ang grad pix, dahil na-stereotype na namin silang lahat at after some time, iisa na lang ang mga mukha nila. edi siyempre, profile na lang. [nakakainis, walang motto!]

hobbies ng lalaki: playing basketball/ computer
hobbies ng babae: reading pocketbooks
ambition nilang lahat: to be a doctor

pero enjoy din tingnan ang names. share ko lang. pero alangan namang banggitin ko pa! hehe. anyway, yung isa dun eh "Aphole" ang nickname. i guess, "a-pol" ang pronounciation nun. di lang namin mapigil na basahin yun as "ap-hole." meron ding pangalang aso (blackie ang dating), pero palampasin na natin yun. di niya yung kagustuhan.

owel. ang saya. hahaha.


[ gdwn ]




nagsesenti
| 07:19 AM

posted in What About Them? as a favorite entry


friendster message to ng isang kabarkada ko. nakaka-touch lang. awwww.. hehe. pero di ko na lang sinama yung name niya, baka kasi hindi magustuhan ng college friends. hehe.

Date: Friday, April 29, 2005 2:17:00 PM
Subject: godsy.. :D

Message: last night, kausap ko yung pinsan ko.. usap ng mga buhay-buhay tapos napunta usapan sa mga friends tsaka college life.. shempre, being her ate, i knew things better than her.. kwento-kwento tapos bigla na lang seryoso mood na ko.. sabi ko sa kanya, sa high school mo makikita mga tao na talagang andiyan for you through thick & thin.. sa college kasi, its a competition, career na usapan eh.. others would be using you to get what they want.. hindi naman real friendship na usapan diyan eh.. yah, you'll get some friends while you're in college pero hindi yan yung friends na pwede mo takbuhan sa lahat ng bagay.. parang may limitations.. more on studies, career ang matter lagi.. pero when it comes to real stuff na, as in life matters, you're not sure if you can count on them.. i can say na meron akong friends sa college, shempre naman, i won't survive college siguro if i don't have some.. pero hindi ko alam kung talagng hanggang saan yung so-called friendshp namin.. then the thoughts of you guys came.. sabi ko, yung mga kada ko nung high school, kahit hindi kami lagi-lagi magkita, actually, minsanan na nga lang eh.. alam ko na anytime, pwede ko yan takbuhan.. we can talk about anything under the sun.. kahit tungkol pa saan yung problema ko, alam ko na andiyan sila for me.. alam ko na i can count on them on anything, as in anything! i won't be shy to tell them anything.. coz i know for sure they'll understand.. yan ang high school friends ko..



[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf