Entries for March, 2005
interview
March 4th, 2005 | 07:26 PM
|
|
 FLOP. yan ang final interview ko sa ecotour. nyahahaha. badtrip yan. pano ba naman kasi, nauna yung mga pakabang tanong bago yung constitution ineffortan ko pa namang imemorize. e since 10th grade, di na ko talagang nagmemorize ng mga kataga. kaya ayun... natense ako sa question about env'tl issues kaya nadismaya ako sa sarili ko dahil di ko nasagot and pordat, di na ko naging perky perky sa pagsagot ng mga sumunod na katanungan. PLUS nalimot ko pa yung ibang chorvang kailangan na pinanghihinayangan ko dahil inaral ko pa naman. hay. but still... maganda ang makeup ko. nyahahaha.
|
keri mo?
March 6th, 2005 | 06:42 PM
|
|
amazing!
March 9th, 2005 | 08:17 PM
|
|
ay nako, i can't help but get amazed by how my blog's visitors find my site. the search term "troy montero sex video" is still on top (plus the other search terms for sexvids), but "dennis trillo" has already gone back up in the countdown. oha, music chart ito? nyahaha. pansamantala kasing nawala yung search term na yun nang mauso nang husto ang sexvids. and i remember the time when my stats shot up to 400-500 visits per day -- eto yata yung nung lumabas yung nude pix ni christine reyes (at in fairness sexy siya).
anyway, eto na yung amazing: someone found my site by using "okray fez" as a search term. ha. okray goddess na talaga ako. and.. and... and... some people are actually searching for "jon johnson manhunt." nyahaha napapangiti ako. sikat sa singapore ngayon yun eh. yak, close? pero grabeeeh. nangingiti ako, makita pa lang ang pangalan niya. ngak.
nga pala... naglagay na rin ako ng creative commons license. paalala lang: yung pix dito, gaano man na-cute (lalo na yung nasa gallery) eh pawang sa akin/ sa aming mga 03 lamang. mangyaring wag kukunin. buti yung gumamit ng B*tch pic eh mabait tsaka sumunod naman nung pinaalis yung yung image sa account niya. yung iba pang pix dito.. malamang naman eh di kayo interesado kasi mukha namin yung andon. wag na rin pag-interesan. di naman kabonggahan ang mga laman ng blog ko e.
isa pa, yung okrayable profiles kong main attraction dito eh wag kopyahin. maghanap kayo ng ibang lalaitin; wag yung mga nagawa ko na. salamat dun sa mga nag-link back dito na mga gumawa ng entry tungkol sa okrayables ko. traffic din yun. hehe. at kay karla (na ang laugh trip din ng blog), salamat sa kontribusyon. enjoy noh? hahaha. 
basta respeto na lang sa gawa ng iba. seryosohan. lalo na yung ibang entries. at siyempre pix na rin, diba?
osha. just for the sake of posting. ang leta leta kasi eh. hintayin nyo na lang yung ipopost kong pix dito... malapit na. may version kami ng mano po -- Mano Po 4: My Cat. (calling cynthia girl... pasend na! hehe.)
|
Boyfriend
March 11th, 2005 | 10:32 PM
|
|
eyng? nyahaha. kasi babae ako kaya "boyfriend" dapat, diba? hemmingway, di ako inlababo. natuwa lang ako sa kanta. Girlfriend ng Kamikazee (pambawi sa nakakapesteng Tsinelas nila). aishuuu!
it never even crossed my mind that i would fall in love with you you were always there behind me but i never looked that way friends are friends i looked at them nothing more and nothing less familiar things you say and do seem so strange its not like you
it never even crossed my mind that i would fall inlove with you you were always there behind me but i never looked that way funny things that made me laugh is when i think about the past i never saw it coming but when i turn around and you were there
I learned today that i need you more each day grab on to you dont ever let go... I learned today that i need you more each day grab on to you dont ever let go...
dont ever let go...
|
goodbye, 2nd sem.
March 14th, 2005 | 11:37 PM
|
|
|
di pa naman officially tapos ang classes namin, pero narealize ko lang kanina na oo nga... patapos na ang sem. last meeting na kasi namin sa Anthro 10 kanina. at wow, the class ended with a quiz. wny not? haha. di ko kasi talaga na-feel ang anthro class kong yun. as in hindi ko naramdamang may nagaganap palang klase. pano ba naman, lagi na lang MTh ang tinatamaan ng holidays. kulang na lang, pati sakuna ay umentrada na. ang leta leta although na-enjoy ko rin naman yung anthro kong yun. (kahit na hanggang ngayon eh yung 2 groupmates ko lang ang kakilala ko)
last sem, sobrang atat akong magklase ng MTh sa kadahilanang masaya ang mga klase ko at sa iba pang kadahilanang wis ko irereveal sa inyo. ngayon, pag MTh, ang inaabangan ko lang ay ang pagtambay sa pugon para makipagkulitan at ang stressful na pagbabay ng sunken papuntang econ galing sa kadikit na anthro class (tanghaling tapat ito, take note).
pero come to think of it... kanina ko lang pala na-realize na wala na akong mga klase. matagal na akong walang T151 dahil inabandona na kami ng guro upang gumawa ng project. wala na rin pala akong T144 at matagal na kaming abandonado sa paggawa ng project. may T122 pa pala ako pero di ko nararamdaman ang existence niya. acctg at econ na lang pala ang aalalahanin ko.
gusto ko nang mag-summer classes. kelangan ko na talaga matapos ang PE para makaraos na. nababagot ako sa sem na to. kelangan nang matapos ang projects. nga pala, groupmates, ayus na ang posters natin kanina pa. malupet. haha feeling.
|
sino nagsabing bading ako?!
March 16th, 2005 | 02:32 PM
|
|
Your Brain is 80.00% Female, 20.00% Male |
Your brain leans female
You think with your heart, not your head
Sweet and considerate, you are a giver
But you're tough enough not to let anyone take advantage of you! |
this proves you wrong. di ko dinoktor ang pagsagot diyan ha! mas female pa nga ako kay ekang eh! wehehehe.  ang haba ng hair! ay charrrs.
|
recap
March 21st, 2005 | 08:20 AM
|
|
wala akong time mag-blog last week; andami ko pa namang gustong ikwento.
 badtrip ako sa mga kagrupo ko sa T144. nag-overnight para gumawa ng written report pero come the next day, aba'y hindi man lang naayos ng husto. di rin nila binasa yung part sa sinulat kong walang laman. day before the reporting, anong petsa na nang sinend ang written? naghahabol tuloy kami sa paggawa ng presentation. ang malupit diyan, hindi sila makontak. pero nang matapos ang T144 report, bati na kami lahat. hehe. (wag na mag-aksaya ng panahong magsumbong. alam nila yan; sinabi ko na sa kanila mga hinanakit ko eh.  )
 sem-ender para sa ecotour; kami ang mag-aayos. hindi pala pwede sa AIT kaya hanggang ngayon eh wala pa kaming venue. bukas na yun. tsss. sori sori, kasalanan ko kung bat walang venue dahil di ko naasikaso agad. pero pucha lang... andami pang may accounts payable sakin ha! aba'y magrereklamo pang mahal daw ang P110? anak ng tokwa, sagot ko na nga ang LCD, lap_top (nagha-hyperlink kasi pag tama spelling eh), mga kagamitan sa pagluluto, at idagdag mo na ang effort, tapos di matutong magbayad? e kung pabayaran ko sa kanila yun, ano say nila? punyeta lang talaga ha. (eto, can't get it over with pa rin.)
 sa ecotour din... ako na rin pala gagawa ng tribute at hanggang ngayon ay di ko magets ang Vegas 4.0. to think na mas madali daw siya sa flash ha. pero pakiramdam ko, flash pa rin ang bagsak ko mamaya at ang kalalabasan ay parang ppt lang.
 nairaos ko na ang same day exam sa econ at acctg. mataas ako sa acctg, for sure. sa econ... aba'y di ko na nga naiintindihan mga ginawa ko dun eh. ang sigurado ko lang ay kung ano ang benefit principle, horizontal equity, at ability-to-pay principle.
 na-rape yung isang hamster namin. nalaglag siya dun sa kulungan ng mga lalaking hamster. ayun, nanganak ngayon. pag isang araw, nandilim paningin ko, mawawala dito sa bahay ang mga yan. ititira ko lang si cotton.
 lunes na, wala pa ring okrayable profiles. sensya, hectic eh. bukas na lang o kaya sa wed. sige, gagawa pa ko ng presentasyon.
|
sem-ender
March 23rd, 2005 | 02:35 PM
|
|
kagabi yung sem-ender namin. sabi na, chipipay na flash ang kahahantungan ng tribute eh. the epitome of haggardness ang drama ko nun. nakakabwisit pala talaga ang manigil. huli kong naramdaman yun nung sulyap days nung high school (na hanggang college ay minulto kami). calling my remaining co-apps na di pa nagbabayad... hanggang bago tayo grumaduate, sisingilin ko kayo ng accounts payable nyo sakin. i swear, di ko kayo tatantanan; itaga nyo yan sa bato. kahit sa chopping board, itaga nyo yan.
anyway, yung sem-ender mismo, flop para sakin. salamat na lang sa mems dahil na-appreciate pa rin nila yun. di rin ako ang host. ipinaubaya ko na kay paulajunne. di ko feel maghost nun; baka dahil stressed out talaga ako. isa pa, feeling ko, i'm at my best when i'm with oksoc. sila lang talaga yung nakakapagpabuhay sakin kahit pagod para mag-host. i miss you! (pordat, may bago kaming primary pic.  kaeos, asan na yung "logo" natin?)
so ayun. officially tapos na ang akin sem. ay mamaya-maya pa pala. pag nakuha ko na kay ate jang yung mga papeles na ipapasa niya sa akin, masasabi ko na talagang tapos na ang sem ko.
osha, maghahanap pa ako ng okrayable profiles at mag-eenlist pa ako. pinakyaw ko na lahat ng PE para sa summer ha! pag di pa ako nakakuha, masisira na ang aking college life. hahaha. kahit line dancing, papatulan ko talaga. nga pala, mas ok bang mag-summer ng Stat 101 kesa GE MST? wala pa kasing Physics 10 at Geol 1 eh. yun ang kukunin ko sana. di ko alam kung offered pag summer. kung alam nyo naman, pa-comment lang dito o. salamat!
|
post-holy week cheverloo
March 28th, 2005 | 10:52 AM
|
|
ngayong holy week, nagkaroon ako ng pagkakataong magnilay-nilay. ikaw ba namang di makapag-internet ng ilang araw, di ka mabagot? (i'm sooo sorry, delayed ang okrayables!)
eto ang mga unforgettable moments ko nung HS. share ko lang.
Grade7:
 sindak kami nun sa social studies. kay mam pagulayan pa naman! isang meeting, sinabi niya samin, pag daw maingay kami, bibigyan niya kami ng gulay. shet, ano daw, gulay? walang nagreact. bigla siyang naglabas ng maliliit na art paper. di pala gulay ang ibibigay niya samin... kulay pala.
 masarap ang lugaw at tokwa sa canteen... kahit magkahalo.
 nagpakita sa akin ang puting Buddha!
Grade8:
 sa health...
8bfly: mam, bday po ni ___(insert name)___!
mam lirag: talaga? ok, kantahan natin siya. hapy birthday to you... (lasts for 15 mins)
8bfly: si _______ din po, birthday niya!
 test sa chinese dynasties yata yun kay mam calingasan. binigyan kami ng communication paper. bawal magsalita. pairwork. sa papel, sina bill at jona ay minumura na si mam. after the test, pinapasa ang papel.
 may substitute teacher nun sa english class ni sir cabs. tinawag niya si arix...
sub: "aarica"? (a-arika)
class: silent "a" po
sub: ah, a-aric?
Grade9:
 natuto akong magbake ng kukis!
 algeb - dinasalan kami ng student teacher
 muntik akong lamunin ng apoy nang sindihan ko ang oven sa PA. shet. doon ko narealize ang kahalagahan ng buhay!
Grade10:
 ang adviser naming si prof francisco ay kahawig ni beverly salviejo!
----------------------------------
nga pala, galing kami kahapon sa Cubao. naghahanap kasi ako ng swimsuit. oha! hahaha. nakakadismaya kasi, large ako sa pambaba, medium lang sa top. kung pwede sana pagpalitin noh? at grabe, ang stressful pala maglaka-lakad dun. buti di kami nanakawan..
|
|
|