dahil ginawan na ni
raini (the ULTIMATE dennis trillo fan girl) ng review ang
Aishite Imasu, dadagdagan ko na lang ng comments.

gwapo talaga si dennis trillo; maganda pati at the same time. teka, na-encounter ko na to ah.
sana 'di siya bading.

magaling si angelu de leon sa bitchy roles. dun na lang siya

ang disturbing nung scene na pumatay sila ng random pinoys tapos pinicturan nang nakahilera yung mga patay. ang evil ng itsura ni angelu don.

dekorasyon lang sina iya villania at yung ka-loveteam niya sa movie. andun lang sila para-ijustify ang pag-cast kay yasmien!

sobrang nakaka-touch ang story nina Ichiru (jay manalo) at Ignacio/ Inya (dennis trillo). haaay. kung alam nyo ang dialogue nila dun sa scene bago mag-harakiri si ichiru, post nyo dito. kabisado ni ana yan kaso walang pang-reply. hehe.

tumaas lalo ang respeto ko sa mga non-haliparot at non-inutil na mga bakla nang mapanood ko ang pelikula

ang chaka ng pagkaka-dub ng singing voice ni dennis trillo. parang galing sa lumang jukebox.

ang wala lang ng role ni raymart santiago dun.

oo, magaling talaga umarte si judy ann (pumayat pa!). magaling siya magpatulo ng luha.

ang joketime pakinggan ni jay manalo mag-english nang may jap accent. hahahaha. i rub you.

gusto ko umiyak nung pinanonood ko yung movie kaso wag na lang dahil public place yun. isa pa, matagal mawala sakin ang pamumula ng ilong at pamumugto ng mata.