GDWN@Tabulas - Simpleng Balahuraan
Home Profile Gallery Content Pages Favorite Entries Archives Links UP AIT Website

Entries for December, 2004




10 reasos why it sucks to have a 7am class in UPD
| 10:10 AM

posted in Readme as a favorite entry


1. you have to force yourself to wake up early. (isn't that reason enough?)

2. there are no employees/ teachers in their offices yet, so you have no one to call about suspension of classes.

3. the chancellor hasn't decided yet whether to suspend the classes or not.

4. 7am classes tend not to meet on first days.

5. professors do not come to class on time (while you try your best not to be late).

6. you'll most probably come in late (which stops you from availing .25 incentives).

7. more often than not, you'll not be able to eat breakfast.

8. you'll have to wait outside because nice classrooms haven't opened yet. (sorry, airconed rooms ko!)

9. you'll most likely drowse off, half an hour into the discussion (at the latest).

10. cute guys do not (or do not intend to) get 7am classes.


[ gdwn ]




valentine's na?
| 10:37 AM

posted in Readme as a favorite entry


kuha ko sa friendster. post ni castell. haha

Bakit ganito?
Pag may mahal tayo,
Hindi tayo mahal.
Pag may nagmamahal sa 'tin,
Madalas hindi natin mahal.
Gulo 'no?
Sinasabi natin..
"Bakit ang manhid nila?"
Pero hindi natin alam,
Tayo rin pala.
Kung iniisip mo
Bakit di ka nya pinapansin?
Bakit di nya nakikita
Na mahal mo siya?
Naisip mo rin ba..
Bakit di mo pinapansin ang iba--
Yung mga taong akala mo
Nandyan lang sa paligid mo?
Bakit hindi mo napapansin na
May iba rin palang..
Nagmamahal sayo?
Di ba manhid ka rin?
Ang gulo talaga ng mundo.
Pero bakit merong iba
Kahit alam nila
Na mahal nila ang isa't isa,
Pareho pang nagpapakatanga
Sa piling ng iba.
Haay buhay..
Meron namang iba,
Kung kelan wala na,
Saka nila nalalaman na
Mahal pala nila
Yung taong binalewala nila.
Saka maghahabol
Kung kelan
Huli na ang lahat.
Yung iba naman,
Naghihintay pa rin...
Umaasa...
Na sana maging sila
Ng taong mahal niya.
Mahirap maghintay
Lalo na kung
Malalaman mo sa huli,
Naghintay ka pala...


[ gdwn ]




18 na ako...
| 04:12 PM

posted in The Life of Gdwn


...and i don't feel anything special. pwede na kong magka-lisensiya, pwede na ko sa R-18 movies, at iba pa. pero di ko naman kelangan ng lisensiya sa UP (at di pa ko nagda-drive) at nalusutan ko naman ang R-18. isa pa, pwede na ko makulong.

BUT i definitely am happy [i am happy, i am happy (may tono yan)]. masaya ako dahil naalala nung mga kaibigan ko na birthday ko pala. si jooka ang unang nag-greet sakin at 11:56pm ng dec9 ang registered date. kahit sinabi niyang binata na raw ako, na-appreciate ko ang pag-greet. masaya din ako dahil nagparamdam si jona na matagal ko nang di nakakausap. pero higit sa lahat, masayang-masaya ako dahil mapayapa tong birthday kong to (kahit MAINGAY ang kapitbahay). walang handa, walang blow-out, walang bisita. (at sana walang dumating mamaya) sana ganito ka-peaceful lagi.

>may digicam na ko. yehey! hahaha. kahit di ko na nakikita sina kras (na paggagamitan ko ng cam), ok lang. 4MP naman!

>natapos ko na regalo ko kay raini at ginagawa ko yung kina shiine. excited na ko. bukal sa kalooban ko ang pagbibigay ngayon.

>may exam bukas sa acctg1 and i'm proud to say na naiintindihan ko ang leksyon.

>may maagang birthday treat kahapon.

>may pink and red balloons dito sa bahay. hahahaha ang vakler kaya.


[ gdwn ]




ngaragan blues (and reds and pinks)
| 06:04 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


today is the day after my birthday. therefore, it is my after-birthday day. so it's safe to say that it's not my birthday anymore. i just finished my birthday photoshoot. i will post it here sometime in the near future although my future is not near.

i have a pink birthday cake with matching pink and red balloons. so vakleric, don't you think? you don't think. therefore, you're bobo. my cake is strawberry-flavored. so is my lip gloss.

anyway, i just wanna share that i went to dia's house earlier. in the jeep, i saw a baby boy (you're still on my mind, fulfill my fantasies). the baby boy was wearing shades. he had chubby cheeks but i wanted him run over by a truck. i'll be driving the truck, don't worry. then i para-ed to the driver. i went to dia's house to drop off a CD. dia's house is near the gardens of roses and bougainvillas. but there are no gardens where dia lived. only squatters down the street. but dia is not a squatter, mind you. if you don't mind, i don't mind also.

sorry for the chona-ish english of mine. i had a long exam in acctg1. please bear with me and brother bear also.


[ gdwn ]




picture picture!
| 05:35 PM

posted in Unclassified



hehe click nyo na lang yung dalawang pix. diretso na sa albums yung isa pero kalat yung hamster pix. hahaha. mahal ko na ang hamster kong iyan. we have 12, mind you!

yan nga pala yung pictures ko nung aking bday. hahaha ang landeee. tila may pagpipilit!


[ gdwn ]




korean cyclops
| 05:24 PM

posted in Unclassified


hehe pinicturan ko yung cyclops toy dun sa isang tambayan sa AIT. koreano kasi siya. click nyo na lang. may bago ring pictures dun sa aking friends album at sa vanity.




[ gdwn ]




carollers = manlilimos
| 09:33 AM

posted in What About Them?


soooobrang lapit na ng pasko at malapit na ang MMFF (pero mamaya na yan). pag ganitong panahon, dumadagsa na ang mga nangangaroling na mga bata. pupwesto sila sa harap ng bahay ninyo, mag-uusap kung sino muna ang lidbokalista, tapos at sasabayan ng kalampag ang mga garalgal nilang boses-pangkanta. tsk. galit ako sa batang maingay.

dati, na-eenjoy ko ang carollers kasi parang ok naman. these past few years, sobrang rinding-rindi ako sa kanila dahil rumaraket lang naman ang mga hitad. may rotation sila--paiba-iba ng lidbokalista para mukhang ibang grupo ang pumupunta sa bahay ninyo. pero in fact, mga 3 lang sigurong grupo ang lumilibot sa lugar nyo tapos ulit-ulit lang. ang nakakasuya pa rito, lagi na lang eto ang line up ng songs: "sa may bahay" - "we wish you a merry xmas" - "kay sigla ng gabi..." - sabay hihirit ng "namamasko po!" kapag wala pa ring nagbubukas ng pinto. watda?!

di naman ako grouch pero naiinis ako sa mga selebrasyon ng mga paskong nakaraan; lalo na ngayon at uso ang videoke. susme, ang mga kapitbahay---aba parang kanila tong buong street a! and i'm sure, dinig sila sa kabilang kalsada dahil nakakayanig ang lakas ng mga hiyawan nila at ang mga tilian ng mga punyetang bata. grrrsk.

peaceful kasi akong tao eh. pero sige, palampasin. MMFF na lang.


[ gdwn ]




MMFF entries
| 09:43 AM

posted in Entertainment / Fangirling


Aishite Imasu 1941: panonoorin ko siguro to dahil kay dennis trillo at mukhang interesting dahil kay juday.

Enteng Kabisote: The Okay Ka Fairy Ko Legend aka Eat Bulaga the Movie (pero panonoorin ko rin. sinubaybayan ko yan nung kabataan ko e!)

Happy Together: panonoorin ko rin to. mukhang fun kasi and it's so gay! hehe. and for once, kris aquino didn't have to put on a different character kaya kirei lang kahit maarte siya

Lastikman: mark bautista, lastikman?! lord, what's happening?!

Mano Po 3: My Love: nababagot na ko sa mano po. pero andito si all-time crush na si patrick garcia. tingin nyo, ok kaya?

Panaghoy sa Suba: ano ba ibig sabihin ng suba?

Sigaw: dito pinagbuklod ang teen stars na di kilala at ang mga naglalaho na ang career. (so why is railey valeroso not included in the cast? ahhh kasi siya, tuluyan nang naglaho ang karir.. hehe)

Spirit of the Glass: ayun, parang sigaw din

dami ko gustong panoorin no? hehe. may passes naman si monmon e. ui. friendship!


[ gdwn ]




MY superman
| 10:27 PM

posted in Entertainment / Fangirling as a favorite entry


ang gwapo talaga ni tom welling ano? hotttt!!! parang ang sarap niyang i-hug; at sige na nga... i-kiss na rin! hahaha naglulumandi.

ang lamig ng pasko, 'no? halika nga, yakapin mo ako. hahaha. kung gwapo, why not?! chekaaa! jusko ang pokpok naman ng entry ko...


[ gdwn ]




pasko na naman.... uhuh... (sexbomb yan)
| 02:46 AM

posted in The Life of Gdwn


...and pordat, WORLD PEACE.

pero seryosohan, sana alalahanin natin na ang pasko ay di lang basta bigayan ng regalo at selebrasyon. at dahil pasko ngayon, advice ni carla ay "okray break" muna. tototohanin ko yun noh. tsaka ano ba kayo; Pasko ngayon! birthday ni Jesus! yun yun eh. hindi mo mapapala sa selebrasyon ang essence ng pasko. akshali, sa totoo lang, gusto ko talaga magsimba.

ok, back to normal programming...
naglinis ako ng kwarto kahapon. as in with basahan & everythaaang! andami kong naitapon. salamat naman.

kahapon, birthday ni tatay. edi pizza hut na naman. diba may libreng Smart sim don? ayun, akin na yun. sa january ko na gagamitin (pag ubos na ang load nitong 238).

at kahapon din... *drumroll* NANGANAK NA NAMAN HAMSTER NAMIN! diyos na mahabagin... daga-dominated na ang bahay namin ah! akshali, tatlo silang bagong panganak. nung wednesday yata nanganak yung dalawa. (virgin pa si cotton, thank god.)

12 ang grown-up hamsters namin. yung babies nung tatlo, all in all ay 22!!! (6-8-8) jusko. ngayon, winiwish kong may mamatay na baby o kaya may kainin ng mudra.

gusto ko na ngang ipamigay yung malalaki na eh. ayaw nga lang ni nanay at ni godfrey. pinangalanan kasi nila.

at ano ibig sabihin kapag pinangalanan na ang alaga?
ayon kay vic zhou sa The Poor Prince...
kapag pinangalanan na ang alaga, HINDI MO NA SIYA PWEDENG KAININ.


[ gdwn ]




Chenelyn Sparkle
| 12:54 PM

posted in What About Them?


dahil napanood ko yung F kagabi, naalala ko yung fad sa havaianas at naalala ko si gian recalde. isang beses nang magkita kami sa pugon, naka-white havaianas si gian. aba, kung hindi pinansin ni carlos, di ko talaga papansinin yung tsinelas na *tendenenen* P800 pala! jusko, eh mas maganda pa yung mga tsinelas ko dun eh-- wala pang P100! at puti pa talaga yung suot niya. parang wala lang talaga. pero bigay lang naman daw sa kanya yun. hehe kaya ok lang.

pero ewan ko lang dun sa mga nahuhumaling sa havaianas; ke beaded pa yan o plain. para sakin, walang kwenta ang gastusan mo nang libu-libo ang isang bagay (at tsinelas lang for this matter), eh mukhang common lang naman. hindi tuloy kagandahan ang impression ko sa mga taong bumibili lang ng items dahil sa brand. parang yung mga adik sa Dickies, Jag, at Lee Pipes na naghuhumiyaw sa print ng brand name ang mga damit. e haller, sa 3 brands na yan eh wala namang special sa prints, lalo na yung pipes. mukhang pang-tumana-slash-rugby boys. [wow, i would loooove to get violent reactions on this!]

hay, sisikat pala ang mga tsinelas as in yung mukhang rubber slippers eh. sana pinanindigan ko na yung pagiging tsinelas queen ko. hmpf! pinagtatawanan nyo pa ko dati ha.. hehehe.


[ gdwn ]




my playlist
| 01:48 PM

posted in Entertainment / Fangirling as a favorite entry


kapapalit ko lang ng mga kanta sa mp3 player ko at dahil walang magawa, kelangan talaga kocommentan ko yung mga kanta. odaba.

1. 214 - rivermaya: pag gusto ko pakinggan ang orig version na hindi malandi

2. i am what i am - gloria gaynor: when i'm feeling gay (with dance moves pa yan ha)

3. breathe - michelle branch: pag feeling ko ako ang bida sa isang teeny-bopper movie at may partner na yumminess

4. running - no doubt: emote ang drama

5. ava adore - smashing pumpkins: ganda ng video nito. at maganda pakinggan ang singing voice ni billy corgan pag gabi at matutulog ka na.

6. outside - staind: pampatulog. zzzzzzz...

7. until the day i die - story of the year: feeling ko ang ganda ko pag may gwapong tumugtog/kumanta sakin nyan. haha.

8. settling - tara maclean: meteor garden ito! bring back the old times!

9. i'm coming out - diana ross: pag gusto ko malaman ang pakiramdam ng mga nagmumujer

10. only happy when it rains - garbage: feeling ko nasa live concert ako. haha. sasabayan pa talaga!

11. time of your life - green day: kahawig nung bokalista yung nasa cover ng freakshow album ng silverchair

12. bongga ka day - hotdog: hehe pakiramdam ko ang ganda ko pag naririnig ko to

13. i miss you - incubus: owell, brandon boyd surely misses me

14. nothing else matters - metallica: ang lupit lang talaga.

15. alumni homecoming - PnE: para sa pagfifilengges ng ilusyonadang naglulumandi

16. otherside - red hot chili peppers: pakalunod tayo sa banat ng bahista. (si flea nasa orig psycho movie! hehe)

17. broken - seether & amy lee: ewan gusto ko lang to.

18. ode to my family - cranberries: gawan natin ng blending sa introng doodoodoodoo

19. zombie - cranberries: hahaha feeling mang-aawit. may inaasar akong mukhang zombie dati eh. di ko na maalala mukha niya (thank god)

20. your love - alamid: nakakatunaw, in all fairness.

21. riddle - en vouge: nakakatuwa yung one little riddle, two little three... (parang indian boys)

22. only one - yellowcard: i'm your only one? haha chorva.


[ gdwn ]




Aishite Imasu 1941
| 09:55 AM

posted in Entertainment / Fangirling as a favorite entry


dahil ginawan na ni raini (the ULTIMATE dennis trillo fan girl) ng review ang Aishite Imasu, dadagdagan ko na lang ng comments.

gwapo talaga si dennis trillo; maganda pati at the same time. teka, na-encounter ko na to ah. sana 'di siya bading.

magaling si angelu de leon sa bitchy roles. dun na lang siya

ang disturbing nung scene na pumatay sila ng random pinoys tapos pinicturan nang nakahilera yung mga patay. ang evil ng itsura ni angelu don.

dekorasyon lang sina iya villania at yung ka-loveteam niya sa movie. andun lang sila para-ijustify ang pag-cast kay yasmien!

sobrang nakaka-touch ang story nina Ichiru (jay manalo) at Ignacio/ Inya (dennis trillo). haaay. kung alam nyo ang dialogue nila dun sa scene bago mag-harakiri si ichiru, post nyo dito. kabisado ni ana yan kaso walang pang-reply. hehe.

tumaas lalo ang respeto ko sa mga non-haliparot at non-inutil na mga bakla nang mapanood ko ang pelikula

ang chaka ng pagkaka-dub ng singing voice ni dennis trillo. parang galing sa lumang jukebox.

ang wala lang ng role ni raymart santiago dun.

oo, magaling talaga umarte si judy ann (pumayat pa!). magaling siya magpatulo ng luha.

ang joketime pakinggan ni jay manalo mag-english nang may jap accent. hahahaha. i rub you.

gusto ko umiyak nung pinanonood ko yung movie kaso wag na lang dahil public place yun. isa pa, matagal mawala sakin ang pamumula ng ilong at pamumugto ng mata.


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf