Entries for November, 2004
dahil November 1 kahapon...
November 2nd, 2004 | 11:54 AM
|
|
|
...walang pasok. and pordat, may nagawa akong mabuti para sa lipunan.
naglaba ako ng tatlong bag.
yung jansport ko, 3 beses pa lang nalabhan sa loob ng halos 5 taon; pang-apat yung kahapon. buti hindi si nanay ang naglaba, nakakahiya kasi. jusko, BURAK ang pinaglabhan.
yung heartstrings kong pula, lighter burak pero kinailangan ng matagalang babaran. ayun, malinis na.
yung green na bag ko, nabawasan ang dumi... pero hindi na talaga kaya dahil masisira na pag kinusot ko pa. may black spots pa rin.
pero hindi yan ang point ng entry ko. dahil katatapos lang ng undas, dapat halloween-related. kaya nais kong ibahagi senyo na napanood ko na ang the grudge (pero sa GMA lang). mga malandi kayo, di naman nakakatakot, pinaasa nyo lang ako! oo nga, disturbing yung makita mo yung batang lalake tsaka yung babaeng nagmumulto, pero pag wala sila, dragging ang scenes. at isa pa, di ko naintindihan ang istorya. yung bandang ending lang nagustuhan ko kasi tuluy-tuloy ang pagpapakita ng mga moomoo.
buti pa yung the eye (segway!). may story kasi e. tsaka mas madalas may mumu. bothering yung mag-inang dumidila sa karne. kumain pa naman ako ng beef mami nung linggo.. tsaka ok ang scene sa kalsada. dabest yun, madating.
inner senses na lang ang hihintayin ko. sana masaya. napanood ko nga rin yung a tale of two sisters, e wala rin namang kwenta. pati yung ring series, susme. ewan ko ba, hindi umaapila saken yang mga yan. excited pa naman ako para mapanood sila.
mas kinabahan pa ako sa nude video ni mahal.
|
enrollment na naman...
November 4th, 2004 | 02:51 PM
|
|
...at wala akong na-enlist.
>halos abutin kami ng pasko sa AIT dahil late sila nag-start
>ambagal mag-type nung mga nauna sakin para sa directory
>ubos na ang slots sa anthro
>binalikan ko, wala pa rin
>nakalimutan ko tingnan yung slots sa lingg (baka may ibang sked. ngotngot kasi)
>tri-coll
kaya umuwi na lang ako. ang init na e. bukas na lang ako makikipagsapalaran. tatawagan ko pa si shiine kung paano epektib magmakaawa sa guro para tanggapin sa klase. expert siya sa pag-prerog e. hahanapin ko pa si sir paul, baka pwedeng ilipat ako ng section sa PE. andami ko pa gagawin bukas. di na lang muna ako magbabayad. ililista ko ang plans A to Z kung pano ako makakapalit ng GE.
1-230 kasi ang T151 ko. so lilipad akong AIT to AS dahil may lingg ako sa 4th floor? hala, superwoman? isa pa, pag di ko nakuha yung anthro na gusto ko, dalawa lang klase ko ng monday at hanggang 10am lang. nagklase pa ko. pero tingin nyo, keri lang na magkadikit ang AIT-AS classes ko?
hmmm.. bibili na lang akong twister fries.
------------------------------------
nov5: punta kong AS ng 1p. umaasa akong may makukuha na ako dahil non-tricoll na. ay. wala din. tiningnan ko pati ibang SSP, how fun, wala na. magpe-prerog na lang talaga ako. magle-late reg. tsk. sana naman may makuha ako.  ipagpapasa-diyos ko na lang. yeye. manalig tayong may makukuha pa tayong klase.
ano ba mangyayari pag nag-late reg ka? may bayad? wala akong pera. hindi pa ako nakakabili ng twister fries.
|
prayers do come true...
November 8th, 2004 | 05:16 PM
|
|
|
napatunayan ko yan kanina. wow lang. since friday kasi, nagdadasal na ako na sana matapos na ako mag-enroll at sana wag ako mag-late reg. sobrang feeling hopeless na kasi talaga. naglakad pa nga ako sa quiapo nang nakaluhod e. tapos nagha-handstand ako pag nangangawit. (hehe chevuler!)
de, basta kanina, di pa dapat ako makakapagpalit ng GE at PE. punta kong HS pero wala si sir paul. punta kong anthro dept pero wala yung mga gurong pagpe-prerogan ko. kala ko talaga late reg na lang ang solusyon.
binalikan ko yung anthro dept after magpachuva ni monica. andami tao, so tanong ko kung papa-prerog sila. hinihintay daw nila si sir jocano. hintay din ako, shemps. e dumating si ma'am dalisay. naisip ko, sa kanya na lang mag-prerog; same sked naman. akshali, di pa raw siya tumatanggap ng extra students kaya sabi ko, para di na ko mag-late reg. pumayag naman (kaya susulitin at mapapakabuti ako sa klase niya). yesssss. as in wow.
punta naman akong 3-6 after lunch. swerte ko andun si sir paul at sa lobby pa lang. swerte ko rin at nalaman kong siya ang guro sa PE. ika nga ni monica, "i feel so blessed." truly, i do.
kahit haggard, tapos na ko mag-enroll. salamat talaga. at share ko lang, may bagong (?) eklavu ang CRS... yung ii-input ang student # tapos lalabas ang grades. hehe namangha ako kanina nung nagpa-verify ako ng grades e. hehe.
susulitin ko ang sem na 'to dahil sa madugong registration. magpapa-autograph na rin ako at magpapa-picture kay mareng winnie. hehe. nawa'y wag akong bumagsak sa econ100.2.
|
say my name
November 9th, 2004 | 02:08 PM
|
|
nakuha ko to sa TheNameSite.Com. wala kasing godwin kaya jane (aaaccck!) na lang muna.
Jane: God is gracious
Name Origin: Hebrew
Gender: Female
More interesting facts about the name Jane:
Lucky Number: 3 (horoscope ito?)
Ruling Planet: Jupiter (aba malakas ang dating!)
Element: Fire (yebah)
Primary Color: Yellow (how sunny naman)
Traits: The investigator (that explains it...); the scientist; the seeker (hahaha). An interest in material rather than the spiritual. Ideas on religion frequently change (true pero malakas pananalig ko). Has a great sense of humor. Not greatly interested in money (ay yikee!). Very trusting, yet likes to know the "why" and the "how".
kayo, ano name nyo? hehehe. post nyo rin sa comments results nung inyo! (hahaha magka-comment lang)
|
dahil malapit ang ang bday ko..
November 12th, 2004 | 09:47 AM
|
|
..haha atat. joke lang. natutunugan ko na kasi ang digi cam kaya excited ako. hehehe. sana ma-utilize ko. back to stalking na naman and "coincidences".
Take the quiz: "What does your birth month reveal about you?" DecemberLoyal and generous. Sexy. Patriotic. Active in games and interactions. Impatient and hasty. Ambitious. Influential in organizations. Fun to be with. Loves to socialize. Loves praises. Loves attention. Loves to be loved. Honest and trustworthy. Not pretending. Short tempered. Changing personality. Not egoistic. Take high pride in oneself. Hates restrictions. Loves to joke. Good sense of humor. Logical.
in fairness, medyo totoo naman siya diba? hahaha.
|
X2 = 2X =/ X^2
November 15th, 2004 | 12:23 AM
|
|
"...most people will never learn beyond what they see with their two eyes... - nightcrawler
simula nang i-release ang X2, ginsto ko nang mapanood ito dahil kay Pyro. at last, nakita ko na rin (kanina sa star movies pala)... super papa.  ang mali ko lang ay nakalimutan kong kasama ko pala sa kuwarto ang kapatid ko kaya narinig niya ang aking sound effects habang kinikilig. shet.
so bukas (akshali, mamaya...), May naman ang panonoorin namin. yehey!!!
--ayoko na ng amoxicillin. amoy pangkulot. hmpf.--
|
what i learned in my tourism classes
November 16th, 2004 | 04:19 PM
|
|
T122 (prof. ortiz)
 there were cannibalistic tribes in papua new guinea. spam almost tastes like human flesh. (masarap pala, edi ok lang!)
DKNY = Divisoria, Kanto Ng Ylaya
[maraming chorva sa klaseng to, ililista ko na talaga next meeting.]
T151 (prof. cruz)
attaché: "The attaché went to the market."
[bentang benta sakin to. hahaha]
 marketing has to be two-way. if you give something to another person without getting something in return, that's charity or paglilimos. on the other hand, if one takes something from you without giving you something else, you call that person balasubas.
[shet, grade4 ako nang huli kong marinig ang terminong yan]
--------------
 alam nyo yung yeye vonelle? punyetang april boy yan. hahaha kahapon pa namin kinakanta.
|
on the commercialization of UP Diliman
November 23rd, 2004 | 04:59 PM
|
|
ma'am ortiz talked to us about the commercialization of UP that will lead to the commercialization of AIT, too. akshali, matagal na atang plano na ibalik in business yung hotel pero parang front lang ata yun.
ma'am ortiz: edi anong magiging itsura ninyo kung puro fast food chains na diyan sa labas?
trina: obese.
hahaha. tawa kaming lahat dun. trins, you made my day. 
--------------------
i was watching a walk to remember a while ago. watsapening?! hahaha kinilig ako.
|
girlaloo...girlaloo...
November 26th, 2004 | 09:16 AM
|
|
thurs, nov 25 (belated happy bday jaja! hehe.  )
setting: econ lecture time, SE Audi
garma: balita ko nagpa-sex change ka na daw a.
gdwn: oo nga e, nagpaayos na ako ng matris.
lalakeng nakaupo sa harap: lumingon siya palikod. aba, vine-verify ata kung ano itsura ng "nagpa-sex change" na gdwn.
tues, nov 23
i wore a mini skirt to school. sabi ko, ok lang na tues ko yun sinuot para hindi ako makita ng upis friends ko. aba, hanggang sa AIT pala, kukutyain ako! hehehe. nagpapanggap raw akong babae.
sometime last last week
stoi: (nakikinig sa mp3 player ko) bat ganito sounds mo? ikaw ba nakikinig nito, red hot chili peppers?
gdwn: oo, bakit? ano ba dapat pinapakinggan ko?
stoi: mga tuesday vargas...
hay, kelangan ko na magpalit ng image. hahaha. para seryosohin ako ng mga tao at magmukhang kagalang-galang. hindi na dapat vakler. but still... haha mahirap ata yun.
|
|
|