ayan, tapos na ang debut ni bea. yun na ata ang huling debut na pupuntahan ko para sa taong ito. tapos na rin ang mga regalo, yung kay redsa na lang (na sa pasko ko na lang ibibigay, ok lang?). masaya naman yung debut niya.. kumpleto kaming walo. nagperform pa nga kami ng aegis songs e (w/ choreo!) habang nakamaskara para bawas ang kahihiyan. pero bago ang lahat, may-i-okray muna ang debut ha?
akshali yung debut mismo, kirei lang. maganda nga e, masaya pa. (at mega pink ang drama) ang di ko kinaya e yung host! pasaway kasi tong si bea, nakalimutan imbitahan si calde. edi yon.. una sa lahat, mahina AT mahinhin magsalita ang host na LALAKI (na sobrang lakas ang vibes sa gaydar). para siyang nagpe-pray over habang nagsasambit ng mga katagang di ko naman mawari. ang epal pati. akshali yung mga hirit niya e ok lang naman kung ang tipong magsasabi e the likes of teri onor... but no, siya yun e. hindi bagay. nakakainis yung dating. at tinanong ko si bea kung bat yun ang host. sabi nya, "e siya yung nandito e." haha kasama sa package?
eto, lista ko na lang ang stop me moments (alalahanin ko pa yung iba):
1. i have
AN eighteen roses here...
2. may i call on bea's
godmommer (god mother yun ning)
3. on 18 candles ata: you just have to.... (at may instructions siya)
4. alam nyo yung mga promosyon sa SM? ganun magsalita
5. ok, please form a straight line here... a semi-circle (eto yung di talaga namin kinaya)
PERO... masarap talaga ang pagkain. naka-ilang balik ang guests para sa leche flan. masarap din ang bopis at lechon. haay. at si raini... isda na naman ang kinain. hehe.

tsaka ang aliw... andon din yung BA friend nina donna (sabi ko na pamilyar e) tsaka yung gf ni jeffrey. elem friends pala ni bea. hehe ngayon ko lang nalaman. tas may ppt presentation pa na may pix. andon si alvin! at opcors.. ang pwesto niya ay don pa rin sa bandang left. oha, forever na yan.
hay, nairaos din ang mga debut... salamat naman.