i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links



Quaker Oats
| 10:36 AM

posted in What About Them?, The Life of Gdwn as a favorite entry


2 comments
comment ko dati sa entry ni gege, sana gising ako pag lumindol para naman magregister sakin na "ui, limulindol pala!" kagabi, mga 10.36pm, lumindol na naman (napapadalas a!) pero ayun, ang joke time ng lindol experiences ko. iwiwish ko sanang magkaroon naman ako ng exciting lindol experience pero sige, wag na pala. salamat na lang.

online ako nun, kachat ko si redsa sa YM habang nag-aayos ng sked at sumusulyap sa TV. nagshake ang computer table. umalog ang sahig. pakiramdam ko, gumagalaw ang silya. aba, akala ko... NAHIHILO LANG AKO. ilang seconds pa, nag-flicker yung ilaw. aba, lumilindol pala.

nag-PM ako kay stoi. joke time din.

aba lahat ata ng nasa YM, may kinalaman sa lindol ang status message! celle, ge, mere, stoi, thei, suzette, denise...lahat sila. ako lang ang hindi, kasi late na nagregister. haha.

mere: namatay pa nga pc ko eh

rald: akala ko mumoooo. nasa kama ako tas umuga bigla. kala ko may mumoo na sumapi sa kama ko. chaka ko lang nafeel na lindol pala. sabi ni szet, ang sabi daw sakanya ni gian: ay sori, nadapa ako

stoi: kala ko may tama ako. di naman ako umiinom.

denise: oi shet may earthquake. takte! kinabahan ako dun a. kala ko nga may naglalaro dun sa baba ng bahay. tapos kala ni ate niyuyugyog ko kama niya, sabay pa kami nagkatinginan. takte! kala ko end of the world! ang tagal nun a in fairness. praning nga si ate e. bumangon tapos pinatay ung tv tapos bumaba.tinawag pa si nuel na may earthquake.

nagtext naman si monica: whoa.. naramdaman nyo yung lindol? shet. freaky. la ko kasama sa bahay

so ang fun ng lindol experiences namin noh? sus, kahit nga yung mga lindol dati, delayed reaction ko e. pano ba naman, madaling araw nun. edi ngaragan pa. tinulugan ko lang ulit. yung isang beses nga, ginising ako ni nanay e. malalaking shelf kasi yung malapit sa kama ko, pano pag bumagsak sakin yun? aba, tinulugan ko lang siya. hehehe. ang pasaway.


[ gdwn ]

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on October 10th, 2004 at 10:45 PM
ako rin naramdaman ko...akala ko "oh no, senyales na ba to ng dooms day namin dahil finals na sa math17?!" hahaha nakalean ako sa table ko dahil antok na ko at nagpipilit magbasa ng notebook nung biglang nagshake yung table. akala ko may malaking daga na pinagsisiksikan sarili nia sa likod at di na makadaan. hahaha! lindol na pala yun. XD

mon (guest)

Comment posted on October 9th, 2004 at 11:40 AM
hahaha. parang andaming kaewanang pumapasok sa isip ng mga tao pag lindol no?


powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf