i bleed gray.
Home Profile Archives Content Pages Favorite Posts Links



kung anik-anik na kachorvahan
| 08:30 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


2 comments
ang siksik lang ng araw ko ngayon. wala kasing magawa kaya di ako umuwi agad. adventure ito!

1. manonood kami ng Live Show (yung movie) sa panpil19. josko, na-shock daw ako.

2. dala ko yung geog book na hiniram ko sa lib kanina (para isoli). edi nagmamadali ako palabas ng classroom. ayus, nakarating din sa baba ng CAL. kinalabit ako ng aking pp19 classmate: "ui, naiwan mo ata yung book mo sa room." tangnang yan. ayun, tinakbo ko sa 4th floor!

3. kanina, after ng T120 namin, kinwento ni charm (hello friend!) yung nangyari sa kanya dun sa xeroxan sa shopping. dun kasi namin iniwan yung readings na dinaanan niya nung friday. edi punta siya dun, hinanap yung readings na iniwan namin. wala daw nag-iwan ng readings dun, dinala raw namin lahat. kontra nung isa, meron daw nag-iwan. yung tatlong babae raw. "yung may isang maliit pero maganda." --ako yun. (yikee maganda!) punyeta ayus sana, maganda na tapos hihiritan ako ng maliit. 5'2" ako, weno ngayon?! hahaha.

naalala ko tuloy.... CWTS sa mkna nung summer. sa nangka, may parang "office" kami dun. nung papunta na kami sa room na yon, may mga mamang pulis na nakahilera dun sa dadaanan namin. "ay, eto lang yung maliit, pero maganda naman." ako yun. hahahaha. oo alam ko maganda ko (o, angal ka? sapakan tayo!). kaso maliit. takte, yan na lang lagi hinihirit sakin nila charm. (hehehe, pau, dat nagCWTS ka na rin para kumpleto tayo!)

4. naki-sit in ako sa geog1 nila ana. akshali ang kasama ko dun e sina gami, chester, at kathleen kasi sila ana yung magrereport. naiinggit ako, ang fun ng geog1 nila! ang kwela nung guro (shemps, wala pa sa menopausal stage) tapos maliit lang yung class kaya fun. e sus, mas marami pa kong kakilala dun kesa sa geog1 namin ni dia! andun pa nga yung classmate ko nung socsci1 dati na kahawig pa rin ni rufa mae. hehehe. ang kwela lang nila, kaso 4th floor. hahaha. e pagdating mo dun para ka nang nasa heaven, pano bagong pintura ang kwarto kaya ang puti tapos maliwanag pa dahil tanghaling tapat.

pero may downside din yung class nila. hahaha. shempre dami napansin, pano ba naman halos isa't kalahating oras kaming nagbabalahuraan nina gami at kath. (at kasama pa ang usapang tom welling!!!!) nakakabangag lang. mula sa twin ni kathleen hanggang sa imaginary braces e na-tackle na namin. ok balik tayo sa downside. takte yan. andun sa klaseng yun yung pp19 classmate kong 1st day of classes pa lang e kinapestehan ko na. so balak ko talaga ikwento dito diba. at walang takot bang pangalanan. dale ang pangalan nun, at pakshet lang talaga siya. siya yung dina-drums ang desk w/ matching padyak ng paa. so ano yan, feeling mo may drumset ka? e takte lang. siya rin yung lagi na lang, after class, naglalabas ng yosi at pinaglalaruan pa sa klase. haller?! i'm sure naman na ang ever-loyal yosi pipol diyan e alam na hindi normal ang ganitong gawi?! edi yun nga. sa labas ng bldg, di pa rin nya sinisindihan. so ano yun, props? nakakapeste lang. wakopaki sa mga nagyoyosi pero HINDI COOL yung ginagawa mo lang props ang stick. sindihan at hithitin mo kung ginagamit mo talaga.

mahaba pa to e. pucha lang. pero tama na, baka sumabog ako. tama nang nailabas ko to. hahaha. sana mabasa niya at ng iba pang nakakakilala sa kanya. wahahaha ang bad ko. sige sige tama na.

5. nakwento sakin ni monica yung "now that i have you" na movie. hahaha ng kwela pala. stalking tendencies na nagbunga!

6. diretso na kami nina ana, dia, at monica sa Jollibee, Philcoa. buti di kami nanakawan. sa wakas, after 10 million years, nakabili rin ako ng crispy hot chickenjoy! ow yeah. crrrrispppy hottttt! hahahaha.

7. season-ender ng smallville ngayon. eto pang isang hottttt!


Listening to: the GREATEST view - silverchair
Feeling: .very much awake!
[ gdwn ]

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

patty (guest)

Comment posted on August 18th, 2004 at 09:17 AM
hahahaha!!!! natatawa naman ako sayo. ingat sa field trip nyo sa subic. enjoy mo nalang. suportahan ang pinoy movies lol :D

gdwn (guest)

Comment posted on August 19th, 2004 at 08:22 PM
:D oo, ieenjoy ko ang geog1 field trip namin. shempre sayang ang bayad e. hahaha. akshali, excited na koooo! hahaha. kaya pupunta na lang ako dun ng maaga. dahil ako ang batas. ayokong naaagawan ng upuan sa bus. hehe. hmmm...pagpalain nawa ang friend mong sa LB ang punta. hehe. tour guide!


powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf