GDWN@Tabulas - Simpleng Balahuraan
Home Profile Gallery Content Pages Favorite Entries Archives Links UP AIT Website

Entries for August, 2004




halukay ube
| 04:09 PM

posted in What About Them?, Entertainment / Fangirling


may nakuha kaming 3 free tickets para sa show sa Klownz kagabi. o diba ang fun? so punta kaming apat--ako, si nanay, si tatay, si godfrey! hehehe. family affair ito! ay nako, excited pa naman ako. kala ko okrayan to the max yun kasi P500 yung tickets, so inexpect kong wagi ang show diba? but no! ang performers ang okrayable!
parang, da who yang mga yan?! ang na-enjoy ko lang na group of performers e yung matatanda. hehehe. nakakagago lang yung iba. wala talagang kwenta! idagdag mo pa yung emcee na babae--shet, stop me talaga! nagpipilit ng accent, e hindi naman maipronounce nang maayos ang "f" at "b"! hahaha. at model day siya--owel, magmodel na nga lang siya at wag niyang masubuk-subukang magsalita.

first performer e isang lalakeng... chubby. hahahaha. na nakasuot ng fit na damit kaya isinusuka na siya nung shirt niya.sino daw? hahaha. siya raw yung bagong phenomenon na kilabot ng kolehiyala. aba, agree ako dun! di lang siya kakilakilabot, nakapanghihilakbot pa. in all fairness, magaling naman siyang kumanta. kaya ayun, di ko na siya tiningnan. pinakinggan ko na lang. sana naging radyo na lang siya. at sabi niya, 15 yrs old lang siya. edi kung 15 siya, ano yun, 10 lang ako? imagine nyo na lang.

next namang okrayable e isang babaeng mukhang marikina. nakapink siyang damit tapos green na eyeshadow. kumanta rin yun e. ay, siya pala si PINKY PINK! hahaha. sino ba namang nag-isip ng pangalang yun? e di ba si pinky pink yung pinalit ni jimboy ka mahal? hahaha. manood kasi kayong the buzz!

nagperform din pala yung emcee. hahaha, nakakaawa, pinagtatawanan na siya ng mga tao. pano ba naman hindi makasunod dun sa tono. owel, gudlak na lang sa kanya.

ay pala, kung nanonood kayo ng the buzz, andun din yung suki ng stop me! julia lopez pala ang pangalan nun. owel, kasama pa ng ibang mahalay na performer, nagsayaw sila. nakakaasar talaga. walang kwenta. puros ganun lang! sayang yung oras talaga. sayang. hmpf! buti na lang libre dahil kung hindi... nako laaaaang!

ui friends, miscol nyo pala ako! hehe, game!


Listening to: tanging yaman
[ gdwn ]




parokya ni edgar
| 06:51 PM

posted in Entertainment / Fangirling


nahagilap ko lang tong pic na to. nung 1st year HS yan, christmas party. tsk, nakakainis pala, wala ako sa pic! hehehe. naman kasi, bat ba ako nagprisintang mag-picture? ayan tuloy, dehado ako. hehehe. owel. high school memories.... hahaha. astig talaga kami.




Listening to: bahaw
[ gdwn ]




i feel like dancing! wahooo!
| 05:02 PM

posted in Entertainment / Fangirling as a favorite entry


hahaha. naaaliw lang ako. fave song ko to e. feeling ko ang ganda ko pag naririnig ko to. hahaha. feeling ko babaing babae ako! waha.

Bongga Ka, Day

Hala, hala, hala, hala, ahh!

Lahat ay nagulat nang buksan ang pinto
Sayaw ng mga tao'y biglang nahinto
Buhok mo'y Budji, talampaka'y Gucci
Suot mo'y gawa ni Pitoy
Di nanggaling kay Eloy!

Bongga ka, 'Day (bongga)
Bongga ka, 'Day (bongga)
Sige lang, sige lang, itaas ang kilay!

Tapos na ang araw ng hirap at gutom
Suwerte ka'y nakahagip ng madatong
Buhok mo'y Budji, talampaka'y Gucci
Suot mo'y gawa ni Pitoy
Di nanggaling kay Eloy!

Bongga ka, 'Day (bongga)
Bongga ka, 'Day (bongga)
Sige lang, sige lang, itaas ang kilay!

Tapos na ang araw ng hirap at gutom
Suwerte ka'y nakahagip ng madatong
Buhok mo'y Budji, talampaka'y Gucci
Suot mo'y gawa ni Pitoy
Di nanggaling kay Eloy!

Bongga ka, 'Day (bongga)
Bongga ka, 'Day (bongga)
Sige lang, sige lang, itaas ang kilay!


[ gdwn ]




pahirapan ito!
| 01:08 PM

posted in The Life of Gdwn


tumutubo na yung dalawang wisdom teeth ko sa taas. shet. masakit na nga nung unang labas nila, tapos may sunod na pahirap pa pala. BUBUNUTAN NA NAMAN AKO!!!!! hayup yan. e kailangan daw tanggalin na agad bago pa lumabas yung buong crown. after daw ng exams, kelangan na ako operahan. as in surgery pala ito, kala ko simpleng bunutan lang. nakupo.

nakakapeste naman, di ko naman hiniling na magkaroon ng wisdom teeth, bat ako pa?! e diba di naman lahat ng tao tinutubuan nun? goodness. keri ko kaya ito? malas ko pa pag may tumubong ngipin sa baba naman. mamamaga bunganga ko niyan. aalisin din yun kasi itutulak yung mga ngipin kong naayos na ng braces. kala ko pa naman, last month ko nang naka-retainers ngayon tapos free na ako. haaay. kinakabahan ako. sana di masakit. waaaaah!


[ gdwn ]




friendster (di na ito pandaraot)
| 04:01 AM

posted in The Life of Gdwn


ngayon ko lang minahal at kinarir ng buong puso't kaluluwa ang friendster. ayoko nga mag-sign up dati kasi sabi ko ayoko ng friends. hahaha. pero ayon kay monica, nagfi-friendster daw si kwan, kaya ayun, sign up AGAD. o diba may brief history.

dun sa tblog account ko, may ginawa pa kong pambabalaj tungkol sa friendster. e nakakapeste naman talaga. isama mo na yung mga... ay wag na lang, baka may biyayang maudlot. hehehe. sabi ko nga, di ito pandaraot.

eto na to. mahal ko na ang friendster dahil ang useful pala nito. di ko akalaing napakahusay ko palang gumamit ng user search at gallery, not to mention MATIYAGA. hahaha. di bale, i swear, ngayong sem lang tong pangangarir ko sa friendster. next sem ititigil ko na. nakakaloka talaga. imagine, 4am na, gising pa ko at nagfi-friendster?! (at siyempre nagneneopets) aysus patayan na. nakakalunod pala ang pix sa friendster no? nakakabaliw. masakit na nga sa ulo e (tsaka sa mata). di bale, after ko ipost to, magdidisconnect na ko.

feeling ko, kelangan ko lang talagang isulat to kasi may gaaad, sasabog na ko. hahahaha! malande. pag minamaximize ko yung ibang windows, may lumalabas na combo meal at value meal. nakakaloka ito. ang gwapo ng pictures nila sa friendster. hahaha. buti ngayon, photogenic na ang mga tao. accomplishment ito.

osha tama na talaga. basta kariran na ito. wiiiiih! matutulog na nga ako. may long exam pa ko sa hum1 bukas e. sabi ko kagabi, mag-aaral na ako agad, as in. but no, naupo ako sa harap ng computer at wala na, tuluy-tuloy na. parang may sapi. haaaaaay. lagot, tumitilaok na ang manok ng kapitbahay.


[ gdwn ]




ang puno at ako
| 07:23 PM

posted in Unclassified


Dec 02 to Dec 11 - Hornbeam Tree [dec 10 ako, tumatanggap ng cash]

Hornbeam Tree (Good Taste) -- of cool beauty, cares for its looks and condition, good taste, is not egoistic (yeba!), makes life as comfortable as possible (tunay nga), leads a reasonable and disciplined life (hmm...in fairness!), looks for kindness and acknowledgment in an emotional partner, dreams of unusual lovers (hahaha di naman unusual a?), is seldom happy with its feelings, mistrusts most people, is never sure of its decisions, very conscientious.

truly, maganda nga ang taste ko. wala naman sigurong kokontra diba? hehehe. in all fairness, maganda talaga taste ko. wehehehe.


[ gdwn ]




kung anik-anik na kachorvahan
| 08:30 PM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


ang siksik lang ng araw ko ngayon. wala kasing magawa kaya di ako umuwi agad. adventure ito!

1. manonood kami ng Live Show (yung movie) sa panpil19. josko, na-shock daw ako.

2. dala ko yung geog book na hiniram ko sa lib kanina (para isoli). edi nagmamadali ako palabas ng classroom. ayus, nakarating din sa baba ng CAL. kinalabit ako ng aking pp19 classmate: "ui, naiwan mo ata yung book mo sa room." tangnang yan. ayun, tinakbo ko sa 4th floor!

3. kanina, after ng T120 namin, kinwento ni charm (hello friend!) yung nangyari sa kanya dun sa xeroxan sa shopping. dun kasi namin iniwan yung readings na dinaanan niya nung friday. edi punta siya dun, hinanap yung readings na iniwan namin. wala daw nag-iwan ng readings dun, dinala raw namin lahat. kontra nung isa, meron daw nag-iwan. yung tatlong babae raw. "yung may isang maliit pero maganda." --ako yun. (yikee maganda!) punyeta ayus sana, maganda na tapos hihiritan ako ng maliit. 5'2" ako, weno ngayon?! hahaha.

naalala ko tuloy.... CWTS sa mkna nung summer. sa nangka, may parang "office" kami dun. nung papunta na kami sa room na yon, may mga mamang pulis na nakahilera dun sa dadaanan namin. "ay, eto lang yung maliit, pero maganda naman." ako yun. hahahaha. oo alam ko maganda ko (o, angal ka? sapakan tayo!). kaso maliit. takte, yan na lang lagi hinihirit sakin nila charm. (hehehe, pau, dat nagCWTS ka na rin para kumpleto tayo!)

4. naki-sit in ako sa geog1 nila ana. akshali ang kasama ko dun e sina gami, chester, at kathleen kasi sila ana yung magrereport. naiinggit ako, ang fun ng geog1 nila! ang kwela nung guro (shemps, wala pa sa menopausal stage) tapos maliit lang yung class kaya fun. e sus, mas marami pa kong kakilala dun kesa sa geog1 namin ni dia! andun pa nga yung classmate ko nung socsci1 dati na kahawig pa rin ni rufa mae. hehehe. ang kwela lang nila, kaso 4th floor. hahaha. e pagdating mo dun para ka nang nasa heaven, pano bagong pintura ang kwarto kaya ang puti tapos maliwanag pa dahil tanghaling tapat.

pero may downside din yung class nila. hahaha. shempre dami napansin, pano ba naman halos isa't kalahating oras kaming nagbabalahuraan nina gami at kath. (at kasama pa ang usapang tom welling!!!!) nakakabangag lang. mula sa twin ni kathleen hanggang sa imaginary braces e na-tackle na namin. ok balik tayo sa downside. takte yan. andun sa klaseng yun yung pp19 classmate kong 1st day of classes pa lang e kinapestehan ko na. so balak ko talaga ikwento dito diba. at walang takot bang pangalanan. dale ang pangalan nun, at pakshet lang talaga siya. siya yung dina-drums ang desk w/ matching padyak ng paa. so ano yan, feeling mo may drumset ka? e takte lang. siya rin yung lagi na lang, after class, naglalabas ng yosi at pinaglalaruan pa sa klase. haller?! i'm sure naman na ang ever-loyal yosi pipol diyan e alam na hindi normal ang ganitong gawi?! edi yun nga. sa labas ng bldg, di pa rin nya sinisindihan. so ano yun, props? nakakapeste lang. wakopaki sa mga nagyoyosi pero HINDI COOL yung ginagawa mo lang props ang stick. sindihan at hithitin mo kung ginagamit mo talaga.

mahaba pa to e. pucha lang. pero tama na, baka sumabog ako. tama nang nailabas ko to. hahaha. sana mabasa niya at ng iba pang nakakakilala sa kanya. wahahaha ang bad ko. sige sige tama na.

5. nakwento sakin ni monica yung "now that i have you" na movie. hahaha ng kwela pala. stalking tendencies na nagbunga!

6. diretso na kami nina ana, dia, at monica sa Jollibee, Philcoa. buti di kami nanakawan. sa wakas, after 10 million years, nakabili rin ako ng crispy hot chickenjoy! ow yeah. crrrrispppy hottttt! hahahaha.

7. season-ender ng smallville ngayon. eto pang isang hottttt!


Listening to: the GREATEST view - silverchair
Feeling: .very much awake!
[ gdwn ]




space
| 10:17 AM

posted in The Life of Gdwn as a favorite entry


ang sakit ng ulo ko. feeling ko, kelangan ko lang talaga ilabas to. (at wasted/fix me pa talaga ang background music ko ngayon. haha)

ayun. naisip nyo na bang ang liit pala talaga ng mundo? o sige, ng Pilipinas na lang. de, ng UP na lang kaya? hehe. parang sa Jologs--konektado ang mga buhay nilang lahat. si X, kakilala yung kaibigan pala ni Y, na nagkataong kaaway ni Z, na may nakaraan pala kay X. yung tipong ganun. nakakagago kasing isipin e. kaya ang sakit na ng ulo ko. haha. nakakadalawang biogesic na nga ko e. o baka kailangan ko lang matulog.

parang sa friendster din. may madadaanan kang page tapos makikita mong friend pala ng friend ng friend mo yung taong yun. tapos magkikita kayo kung saan. aba, iisa lang pala ang ginagalawan ninyong espasyo! diba, ang galing. o kaya may classmate ka, tapos kakilala pala yun ng kaibigan mo. kung hindi naman, kakilala pala siya ng kaaway mong tahasan mong dinaraot. mapapatigil ka na lang at malilimitahan ang kilos at pananalita.

ang ironic dito, kahit ilang koneksyon pala ang meron kayo, hindi pa rin kayo magkakilala. hanggang "familiar faces" lang kayo. ewan ko kung nakakatuwa ba yun o nakakainis. nakakatuwa siguro kung badtrip ka sa taong yun. thank god at di kayo pinagkilala ng tadhana. pero nakakainis siguro kung friend material pala yung taong yun. mas badtrip kung gwapo, tas di mo makilala, despite all your connections! haha, joke lang. pero diba? ang sakit sa ulo.
ang masama pa e yung ayaw mong makilala at pilit mong nilalayuan e yun pa ang nakikilala mo at wala ka na lang magawa kung hindi magpamalas ng kabutihang loob. hay. ayoko na mag-isip. masakit na talaga. hahaha.


[ gdwn ]




turn on or turn off?
| 02:02 AM

posted in Unclassified as a favorite entry


1.lalaking umiiyak?
- di naman turn on o turn off, pero ayus lang. di naman bawal ang pag-iyak ha? Pero yung iyakin, turn off.

2.lalaking seloso?
- e mga tanong naman ata dito, di masasagot ng simpleng “turn on” o “turn off” e. seloso…basta wag daw sobra

3.lalaking mahilig sa sex bomb girls?
- a…. ayus lang siguro, basta ba hilig niya meaning, natutuwa siya sa mga yun. wag yung hilig na sexbomb ang models niya sa buhay at gusto niyang gayahin ang kilos at pananamit ng mga iyon hehe.

4.lalaking hindi marunong mag luto?
- ayus lang meron namang fast food e

5.lalaking pala tanong?
- sa lahat ng ayoko e yung matanong masyado kung di ko naman friend. (unless gwapo, of course) pero ayus lang sakin ang matanong basta hindi makulit. tsaka dapat marunong makahalata kung wis ko na siya feel kausap!

6.lalaking mama's boy?
- ewan. Ayus lang siguro pero wag naman yung ang tanda na niya tapos pinupulbusan pa rin siya ng kanyang mother dearest

7.lalaking puro pangako?
- basta ba natutupad e. tsaka dapat positive. hehe

8.lalaking mayabang?
- mayabang as in may kafeelingan (to the highest level)? TURN OFF yun! pero yun nga, kung confident lang at may K naman, why not? Ay, panget pala kung obsessed ka sa sarili mo, kahit gwapo ka nga. Pero kamtutinkopit…

9.lalaking sinungaling?
- OFF. ayoko ng sinungaling, lalo na kung mababaw na nga lang tas magsisinungaling pa

10.lalaking mahilig magsalita?
- ayus lang basta hindi bad breath

11.lalaking makulit?
- yung makulit, may cute na makulit. pero yung nakakaputang makulit na nagpipilit e sinabihan mo na nga, TURN OFF yun chong! (unless gwapo, of course. hehe)

12.lalaking gwapo?
- may gaaadd. TURN ON! Kahit pa nga bakla, basta gwapo e!

13.lalaking panget?
- turn off. Pero siyempre di ko naman hinuhusgahan ang pagkatao niya diba. (may disclaimer dapat. hehe) pero diba sa unang kita mo naman, pisikal ang titingnan?

14.lalaking palabiro?
- ayus naman. Pero yung prankster na nakakagago ng buhay, ayoko

15.lalaking bastos?
- bastos as in green o arogante? O sige nga nga, turn off na lang.

16.lalaking masyadong marespeto?
- “masyado” as in nagpo-“po” sa bawat end ng sentence? Ayoko nga nun.

17.lalaking mahilig mang asar?
- ayus lang basta in moderation. Para lang tong yung palabiro. Fun nga e, edi asaran kami hanggang magkabangayan daba? hahahaha

18.lalaking sobrang sweet na may pagka jologs?
- jologs as in itsumo? Hahaha. ayoko ng sobrang sweet. Nakakadire. Parang candy din yan—nakakaumay.

19.lalaking sensitive?
- panong sensitive? Ay wag na nga no comment na lang, may ihihirit sana ako e

20.lalaking matagal mag bihis?
- a…. ewan ko. Ayus lang? basta ba may kahihinatnan e. pero kung sa lagay na yun e nag-effort na siya nang todo tas wa epek pa rin… aba ewan ko na

asan ang 21?

22.lalaking pervert?
- hahaha ayus lang pero yung pervert na habit na niya yun (sa gawa), ayoko nga!

23.lalaking panget tumawa?
- turn off. damang

24.lalaking uhugin?
- turn off. Matuto siyang suminga!!!

25.lalaking walang kwentang kausap pero pogi?
- sayang nga. Edi titingnan ko na lang siya from afar para di ko siya makakausap. O kaya di ko na lang siya pakikinggan pag nagsasalita siya. Ah alam ko na… ipapa-stuff ko na lang siya para di na siya magsasalita tapos naka-preserve na lang siya, parang manequin.

26.lalaking hindi marunong kumanta?
- wala namang kaso kung hindi marunong kumanta e. basta ba wag yung panget boses niya tapos feeling niya magaling siya kumanta. Ui, fluorescent!

27.lalaking marunong maggitara?
- turn on! Tsaka kung bahista rin, ok. :D pero kung feeling (lalo na kung chakafez)…. Nako, patayan na lang.

28.lalaking magaling sumayaw?
- ayus lang. pero yung ang sayaw niya e pang-ballroom o di kaya’y sexbomb… a…. sige na nga, magaling siya.

29.lalaking sweet?
- ayus lang pero may gad, wag naman yung swit-switang tulad nung isang batchmate ko na may pet names pa silang NAKAKASULASOK. daba, sanya? :D

30.lalaking romantic?
- yung roses and all? OA naman.

31.lalaking thoughtful?
- edi turn on. Pero wag naman yung thoughtful na maya’t maya nangangamusta. Ano siya, nurse sa ward?

32.lalaking mahilig mangSURPRISE?
- hahaha all caps talaga ang “surprise” a! sige, ayus lang. wala naman akong sakit sa puso. Ay pero matuto siyang ilugar ang surpresa. Wag yung alam niyang ayaw mong masurprise nang ganun tapos gagawin pa rin.

33.lalaking matalino?
- oo naman! Basta ba wag yung matalinong ang usapan nyo na lang e ang oxidation number ng certain elements at ang derivative ng chuva (sorry, wala na akong math, miss ko na nga e)

34.lalaking nakaBRACES?
- walang kaso sakin. Pero turn off ito kung hindi siya nagsisipilyo o nagtitinga! Braces yan, chong! Matuto kang maglinis!

35.lalaking matangkad?
- ayus lang pero wag yung OA. Basta mas matangkad sakin, keri na nga.

36.lalaking matakaw?
- as in yung nagsu-slurp ng ulam? Yung kung lumamon e parang wala nang bukas? Yakk… kadire.

37.lalaking kalbo?
- kung keri, edi turn on! Kung hinde, at may malaki siyang poknat, tanga siya. hehehe

38.lalaking marunong magdrive?
- ayus lang, pero ayoko yung feeling niya ang galing niya at siya na ang batas porket marunong siyang magdrive. (haller, driving lang yan!)

39.lalaking mabango?
- turn on, pero kung ikinukubli niya sa pabango ang hindi niya pagligo, hijo, personal hygiene naman!

40.ANO ANG WEAKNESS MO SA ISANG LALAKE?
- pag GWAPONG tunay. amen.


[ gdwn ]




haberdey megY!
| 06:16 PM

posted in What About Them?


past 10pm na natapos kagabi yung debut ni megY. wow, ganun pala ang feeling ng mag-host! hahaha. ang barubal, tapos late pa si garma; ako tuloy ang nag-introduce dun sa pastor. pero sige, keri lang.

bago mag-start yung mismong program, binuhos na namin lahat ng panlilibak sa mga bisita. hahaha. nakaka-ilang pala at mahihiya ka ngang humirit ng foul pag hawak mo na ang mic. kaya ayun, limitado kami. pero siyempre, palalampasin ba namin yung iba? lalo na kung parang nakikain lang tapos nawala bigla ang bisita. of course not! hehe.

kwela talaga. kahit andun lagi yung aso nina meg na si taliban. grabe, ilag nga ako e! nakakakaba kaya. tapos ang fun din pala nung ate ni meg. benta humirit!

hay. bangag. conspiracy naman sa bday ni redsa. hahaha. since halos sila-sila rin naman ang guests, mas malala na yun. natantiya na namin sila e. harhar....


[ gdwn ]




gummi bears!
| 06:36 PM

posted in What About Them?


kagabi, mga 8.50 - 9.15 pm, nanganak yung hamster namin! si gdfry ang unang nakakita. 3 pa lang ang babies nun. hehehe. basta, 7 babies all in all. ang aliw. hehehe. talagang tumigil ang mundo namin nun para manood ng hamster na nanganganak. hindi messy, in fairness. hahaha family affair ito, lahat nakatutok! para silang gummi bears.

7 sila diba? sabi ko, iprito namin yung isa para even. e ayaw ni gdfry. kaya sige na nga. ibebenta ko na lang. :D


[ gdwn ]



powered by FreeFind

TAGBOARD






READABLES





CATEGORIES

The Life of Gdwn: my adventures and encounters with the unknown. etchos. :P

Entertainment / Fangirling: thoughts on movies, TV shows, celebrities, and music. Forgive me for fangirling.

What About Them?: My thoughts on other people and other things (rudeness included).

Readme: compositions and announcements aka parang readables din at panawagan

Unclassified: least important / least interesting entries




CHURVA

Brushes: 1 | 2 | 3 | 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.



RiceBowl Journals
A Pinoy Blogger






image from wastedlyf