Sige na, ako na ang laging late.
Pero sa maniwala ka ma't sa hindi, I am trying to kill this old habit of mine. Sa totoo lang, masakit na nga sa kalooban ang ma-late kahit ng isang minuto eh.
Parang kahapon. At kamuntikan na kanina.
Ang saya-saya ko pa, kasi aabot ako sa opisina on time. Alam ko, hindi naman ako kaagahang dadating, pero sa sitwasyon ko, accomplishment na ang makapasok kahit limang minutong mas maaga lang.
Natuwa pa ako kay manong driver dahil humarurot siya pagdating sa Peninsula; dire-diretso hanggang Insular. Sabay naipit kami sa kabagalan ng mga buwakaw na bus. Damn them, really.
8:00am ang time in ko sa opisina. Pero ikaliligaya ko sana ang umabot man lang ng 7:55am.
Lekat na bus.
I hate you, TXH 265.